Chapter 50

470K 6.4K 1.9K
                                    

See you next year, GIRLFRIENDS!

---------

“Good morning, beautiful,” napabalikwas ako ng bangon ng may magsalita sa tabi ko.

“Lance!” Anong ginagawa nito dito? “Bakit andito ka?”

“I missed you, too, Baby,” he smiled and hugged me.

“Hey. What the fuck,” I pushed him away. “Seriously, what are you doing here?” tanong ko sakanya.

“I missed the proposal. Sakit dito e,” itinuro niya ang dibdib niya. “Hindi ba talaga magbabago isip mo?” tanong niya sa akin. Humiga siya sa kama ko at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo nito at tumingin sa akin. “I’m willing to take you back again,” he smiled. “Tayo na ba ulit?” he grinned.

Hinampas ko siya ng unan. “Baliw ka. Alam mong mahal ko si Mikael e.”

“Tss. Mas gwapo naman ako dun.” He hissed.

“Mahal ko si Mikael.”

“Mas mabait pa ako. Hindi kita susungitan.”

“Mas mahal ko si Mikael.”

“Mas mamahalin pa kita. Mas boto pa sa akin ang Daddy mo.”

“Mas mahal ko si Mikael.”

“Isa pang ganyan mo, hahalikan kita.”

“Mas mahal ko si—“ I bit my lower lip and looked at him sharply.

“Mas mahal mo sino?” pang-aasar ni Lance.

“Baliw ka.” I rolled my eyes. “Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya. Bumangon na ako at nagsuklay ng buhok.

“Pinagmamasdan ang babaeng mahal ko.” he shrugged. “You look sexy in that perky short shorts, Mikaela.” Lance looked at my exposed legs.

“Sasapakin kita, Saavedra. Umayos ka.” I rolled my eyes.

“Tss. Nahahawa ka na kay Kerko.” He hissed again. “That’s not a good sign, Baby.”

“Sira,” I smiled. Hindi pa din niya makalimutan ang endearment namin na ‘Baby’. “Namiss kita, Lance.” I looked at him fondly. Nakakamiss palang kausap ang lalaking ‘to. Kapag si Lance kasi ang kasama ko, tatawa kang ako ng tatawa dahil hindi naman hinahayaan ni Lance na magkaroon ng dull moment sa amin.

Kaso sadyang makulit ang puso ko at si Mikael lang talaga ang itinibok noon pa man. Hindi na magbabago ‘yun kahit ano pa ang mangyari.

“I missed you more,” he whispered. “I just really came here to see you and to give you this,” I saw him pulled out a necklace from his pocket.

Heart-shaped necklace na puno ng diamonds sa paligid nito.

“Lance?”

“My heart. I’m giving it to you.” He smiled. Lumapit siya sa akin at isinuot ito sa leeg ko. “I can’t accept it, Lance,” tanggi ko. Parang pakiramdam ko, wala naman akong karapatang tumanggap pa ng kahit na ano na manggagaling kay Lance.

“Mika, bata pa lang tayo, wala na akong ibang minahal maliban sa’yo. Ikaw lang.” he said. “I dated a lot of girls just to forget my feelings for you. Nagsusungit ako sa iba kapag ‘di ko sila trip. I flirt with them whenever I saw you with Kerko. Masakit din kasi. May feelings din naman kasi ako.”

“Lance…” hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko. “I’m sorry.”

He smiled. “I’m not sorry that I fall in love with you, Mika. Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa akin. Too bad, the feeling wasn’t mutual.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon