Chapter 36

316K 5.3K 424
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa @SophieAllison_

Tweet your reactions. Follow me on twitter. @vampiremims.

xoxo

---------

 

 

It was almost eight in the morning ng maisipan kong lumabas ng kwarto. Halos hindi din ako nakatulog sa kakaisip sa lalaking nasa kabilang kwarto.

Being in one house with him brings back a thousand memories I rather forget. Kung ngayon pa lang, nahihirapan na ako, paano pa kapag tumira na ako kasama niya?

Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone habang nagluluto? The way I see it, nagluluto siya.

“Sophia, wala ako sa bahay ko and you can’t stay there.”

Sophia. I grimaced. Hanggang ngayon pala, may communication pa rin sila nung babaeng ‘yun.  I looked at him habang nakatalikod siya sa akin. He’s still the same old Kerko Mikael Anderson. Gwapo, masungit, seryoso, hindi pala-kibo pero may iba din sakanya na hindi ko alam kung ano.

“Ang kulit mo din e. Sige, ganito nalang… you can use my house. Hindi nalang ako uuwi ‘dun, okay?” halata sa boses niyang naiinis na siya. Hindi ako gumagalaw pero mukhang naramdaman niyang may nakatingin sakanya kaya lumingon siya. Nagtama ‘yung mga mata naming dalawa.

“Uhh, Sophia, I have to go. I’ll just call you later.” Ibinaba niya ‘yung phone niya tsaka lumapit sa akin. “Good morning, Mikaela.”

“Stop calling me Mikaela.” Nilagpasan ko siya at kumuha ng juice sa may ref. Lahat ng tumatawag sa akin ng Mikaela, sinasaway ko. I just don’t want to be called on that name. Mika’s fine. Hindi kailangang maririnig ko pa ang Mikael.

“Mas gusto ko pa din ang Mikaela.” He shrugged at lumapit sa akin. Napadikit ako sa countertop and for a fleeting moment, akala ko hahalikan niya ako. Kumuha lang pala ng cup sa gilid ko. Nakita kong ngumiti siya.

“Stop smiling, Kerko.” I rolled my eyes at nilagpasan siya. Umupo ako at tinignan kung anong niluto niya. Pancakes. Okay naman sana. ‘Yung strawberry syrup lang ang problema. Saan galing ‘yan?

“I bought it.” He answered the unspoken question in my mind and sit in front of me. “Hindi ka na sana nag-abala. Ayoko sa strawberry.”

“Why?” kumunot ang noo niya.

I smiled bitterly. “Nakakasawa pala kasi. Kapag ‘yun ng ‘yun, kakailanganin mong igive-up kahit gaano mo pa kamahal o kagusto ang isang bagay.”

“Mikaela…”

“Do you want coffee?” I asked him instead. Nakita ko namang nabigla siya sa tanong ko. I rolled my eyes once again. Oo nga pala.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon