XI

3.8K 197 20
                                    

CHAPTER ELEVEN:

AN APOLOGY

***

YO'S
POINT OF VIEW

"WHAT the heck are you doing?!"

   Kararating ko pa lang sa school no'ng pinagkaguluhan ako ng mga kaklase ko. Sobrang excited at energetic nilang lahat habang hinihila ako patungo sa school theater. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Sobrang hyped nila. Nakakapagtaka.

   Tsaka lang nag-sink in sa akin ang lahat nang nakatayo na kami sa harap ng isang registration booth.

   "Si Yo po ang representative namin," sabi ng isa sa mga kaklase ko sa isang professor na nasa registration.

   "Representative ng ano? Guys, naguguluhan ko."

   "You made the right choice," sabi ng babaeng professor. "Narinig na kitang kumanta during one of our school events. And you were so good. This competition will help you explore and improve your talent. Mas makikilala ka rin bilang isang mahusay na singer."

   "I'm sorry po but I'm lost. What's happening here?"

   "You're so cute, hijo." The professor chuckled. "As you may know, malapit na ang Student's Day and we will be having talent competitions. Your friends here chose you to represent your college in the singing competition. Kaya ka narito para mag-audition."

   Sobrang lamig ng kamay ko nang marinig ko iyon. What the heck? No! I can't! I can't sing in front of everyone!

   "I'm sorry, ayoko po." Tatalikod na sana ako pero mabilis akong pinigilan ng mga kaklase ko. "Guys, please, nakakahiya."

   "Ba't ka mahihiya? Minsan ka ng kumanta dito sa school, 'di ba?" sabi ng professor.

   "Para lang po talaga iyon sa grades and it was too hard for me to do. Ayoko na po sanang ulitin."

   "Sayang naman ang talent mo kung hindi mo isu-showcase. Not all people are given with a beautiful voice like yours. It was given to you for a reason. 'Wag mong hayaan na ang dingding lang ng banyo ninyo ang makakarinig ng maganda mong boses. I-share mo naman sa'min," she encouraged me.

   I was silent as I processed everything she said. I started considering na ituloy na ang pag-audition. I've always been afraid to share my talent. I've always doubted myself and believed that I was not good enough.

   "Okay," I finally said.

   "Okay, do you mean...?"

   Kinuha ko ang ballpen na nasa desk ng registration booth at isinulat ang pangalan ko sa form. Halos mabingi ako sa hiyawan at palakpakan ng mga kaklase ko. The professor in front of me was wearing a satisfied smile. I wanted to smile, really. But I was too nervous. Pero hindi man ako makangiti, sigurado naman ako sa isang bagay: masaya ako. Masaya ako na I finally had the courage to face my fear. Masaya ako na maraming taong naniniwala sa akin. Masaya ako na may isang opportunity ang kumatok para ma-distract ako sa kakaisip kay Pha. The competition was a welcome distraction.

   May idinikit silang number sa shirt ko bago kami pumasok sa school theater. Lahat ng mag-u-audition ay nasa backstage habang hinihintay na tawagin ang pangalan. May mga dance groups akong nakita, banda at mga solo performers kagaya ko. May iba akong nakita na kabado at ang iba naman ay nagpa-practice pa.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon