XXI

4K 192 19
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE:

"UNLOVING" PRING

***

YO'S
POINT OF VIEW

PUMALAKPAK ako nang nakita kong mahigpit na nagyakapan sina Ming at Kit. Nagkabati na rin ang dalawa, sa wakas. Sobrang um-effort si Kit sa paga-apologize niya kay Ming. Nag-set up kami ng dining table sa rooftop ng isang building na pag-aari ng kaibigan ng mommy niya. Punung-puno ng rose petals ang floor at may mga Christmas lights pang nakapalibot sa paligid. Nag-hire rin kami ng isang violinist para tumugtog habang kumakain sila.

   Hindi namin ipinaalam kay Ming na isa ako sa mga nag-prepare ng dinner na 'yon. When he arrived, nagtago ako sa isang gilid at tahimik lang silang pinagmasdan. Medyo nagkasigawan pa ang dalawa habang nag-uusap. Actually, hindi ko matatawag na sigawan kasi si Ming lang naman talaga ang sumisigaw. I admired Kit for his patience. Kalmado lang siya at hinayaan ang kaibigan kong magpaka-halimaw.

   Nang masiguro kong okay na sila, tsaka ko lang ipinaalam ang presence ko. Sabay silang lumingon sa direksyon ko nang marinig akong pumapalakpak.

   "Yo? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Ming.

   "He helped me in preparaing all of these," sagot ni Kit.

   "Really?"

   "Pwede ko ba namang hayaang masira ang favorite ship ko? Of course not! Gagawin ko ang lahat para maayos ang relationship n'yo."

   "Aww..." He ran towards me at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you so much, Yo! Na-appreciate ko talaga 'to."

   "Ano ka ba, wala 'to. Kulang pa 'to sa lahat ng tulong n'yo sa'kin. Palagi kayong nasa tabi ko everytime kailangan ko kayo."

   "Magkaibigan tayo. Syempre, sino pa ba ang magtutulungan?"

   Ang swerte-swerte ko talaga sa kanilang dalawa. At least, bokya man sa lovelife, swerte naman pagdating sa mga kaibigan. Okay na ako sa gano'n. Masaya at kontinto na ako.

   Nang masiguro kong hindi na papatayin ni Ming nang dahil sa selos si Kit, nagpaalam na ako sa kanila. I told them na may importante pa akong pupuntahan. Wala naman talaga, gusto ko lang silang magkaro'n ng solo time para sa isa't-isa.

   Nasa lobby na ako ng building nang magkasalubong kami ni Forth. Pareho kaming natigilan at nagkatinginan. What the heck was he doing there? Sobrang liit ba ng Thailand para palagi kong makasalubong ang mga taong ayokong makita?

   "Yo." Siya ang naunang nagsalita.

   Hindi ako sumagot, I simply nodded. Bahala siya kung iisipin niyang sobrang rude ko. I didn't like his presence, period.

"Nandito 'yong condo unit ko," he informed me kahit hindi ko naman siya tinatanong. I was curious, though. "Ikaw, ba't ka nandito?"

   "None of your business."

   Iniwan ko siya at diri-diretsong lumabas. Napansin ko na mula no'ng nakipa-cut ako ng ties kina Pha, parang naging ibang tao na rin ako. Okay, I admit na medyo nagiging rude na nga ako. Pero parang naging defense mechanism ko na kasi 'yon.

   I didn't like Forth. Mula umpisa, hindi ko na talaga siya gusto. Sa kanya nagsimula lahat ng gulo hanggang sa nagkapatung-patong na at naging sobrang komplikado. I wanted to blame him for everything pero unfair naman, 'di ba? Nasaktan ako dahil sa katangahan ko. I could only blame myself sa lahat ng naramdaman kong sakit. I insinuated it to myself.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon