XXV

4.3K 250 10
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE:

RISKY GAMBLE

***

YO'S
POINT OF VIEW

SIGURO sobrang pula na ng mukha ko. Kanina ko pa kasi sinasampal ang sarili ko mula no'ng dumating ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko. I rolled on my bed at sinabunutan ang sarili kong buhok.

   "Yo, ano 'tong ginagawa mo? Masokista ka ba talaga?" I asked myself. "Why did you say yes? Did you really think na sa loob ng isang buwan, pwede kayong maging magkaibigan? Na posibleng magkaro'n kayo ng platonic na relationship? Sino'ng niloloko mo? You know that's impossible."

   Bumangon ako at binuksan ang laptop ko. Nakita ko ro'n ang application form para sa isang school sa Paris. Matagal ko ng gustong mag-aral ng photograhy and I know my parents would support me if I'd tell them na passion ko talaga 'to. Matagal na ang form na iyon pero hindi ko nai-send. Kaya siguro iyon na ang sign na matagal ko ng hinihintay.

   I'd risk my heart one last time. Pagbibigyan ko si Pha sa gusto niyang mangyari. Hahayaan kong manalo ang puso ko sa labang 'to. If everything went wrong, like it always does, suko na ako. Pupunta akong Paris para mag-aral. Siguro 'pag nasaktan ulit ako, kailangan ko ng lumayo. Kasi hindi naman ako makaka-move on 'pag malapit lang si Pha sa'kin. But for now, hindi ko na muna iisipin ang posibleng mangyayari sa'min. I'd just go with the flow.

   Gagamitin ko na lahat ng natitira kong sandata sa labang 'to. I'd lay all my cards in this risky gamble. Matalo na kung matalo, masaktan na kung masaktan. Sabi nga nila, 'pag nagmahal ka, kailangan matapang ka. Kailangan you're strong enough to endure the pain that love has to offer. Wala kasing anaesthesia o kahit pain reliever man lang pagdating sa heartache. 'Pag nasaktan ka, masasaktan ka talaga. Sabi nga sa nobelang If I Stay, "pain demands to be felt" or something like that.

   The next day, late akong nagising. Tanggap ko ng mali-late ako sa first subject. Sobrang tagal ko rin kasing nakatulog kagabi. Actually, dalawang oras lang yata talaga ang tulog ko kakaisip kay Pha. Mabilis akong naligo at nagbihis. Lumabas ako ng bahay na sobrang haggard tingnan. Ah, bahala na nga.

   "Good morning."

   My eyes widened when I saw him outside of our house. He was leaning in his car, looking so fresh and sinfully gorgeous. Well, what's new? Ang aga-aga, sobrang tempting na niyang tingnan. Grabe, tao pa ba siya?

   "P-Pha..."

   "Hey, don't look so surprised. I told you yesterday bago tayo umuwi na susunduin kita ngayon."

   Sobrang nakakahiya. Naalala ko ang hitsura ko kanina habang nakaharap ako sa salamin. Nanlalalim at nangingitim ang sulok ng mga mata ko dahil sobrang kulang sa tulog. I completely forgot na sinabi nga pala niya na susunduin niya ako.

   Out of embarassment, I did something random and funny. Yes, medyo something pathetic rin. Mabilis akong pumasok ulit sa bahay at isinara ang gate.

   "Yo, ba't ka bumalik sa loob? May nakalimutan ka?" he asked.

   "A-ah, oo."

   "Okay, I'll just wait here. Bilisan mo, late na tayong pareho sa first subject natin. 'Wag na nating i-extend hanggang second subject kasi abuso na 'yon," he joked and laughed. Gods! Pati tawa niya, ang sexy pakinggan! Pwede bang hindi siya maging masyadong perfect? Nakakabanas na, ha.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon