XXX (Season Finale Part 2)

5.2K 205 32
                                    

This is the 2nd half and the last update of season 1.

Enjoy! :)

///***///

NAGTITIGAN kami ng matagal. Si Pha, hindi makasagot. Ako, parang tangang naghihintay sa sagot niya. Ano nga ba ang sagot sa tanong ko? Sa totoo lang, ano ba talaga ako sa buhay niya? Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

"Alam mo, Pha, itigil na muna siguro natin 'to," sabi ko sa pilit pinagaang boses.

"What do you mean itigil muna natin?" nagpa-panic na tanong niya.

"Maging fair tayo sa isa't-isa. Bibigyan kita ng panahon para malaman mo kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa'kin. I-analyze mo, bahala ka kung ano'ng gusto mong gawin. Pero habang ginagawa mo 'yan, didistansya muna ako ng konti."

"Iiwasan mo ulit ako?" parang nagtatampo niyang tanong.

"No, hindi ko gagawin 'yan. Ayoko. Pero lalagyan ko siguro ng limit ang interactions natin. Kailangan kong mag-set ng boundaries-"

"Yo, 'wag namang ganya'n, please. Alam mo namang hindi ko makakaya 'yan, 'di ba?"

"Mahirap rin naman to para sa'kin. But you have to understand that I need to build a wall to protect myself. Alam kong sirang-sira na ang puso ko. But I don't want to get any further damage. I've had more than my fair share of heartaches already and I don't think I can take some more."

"I will do my best para hindi ka na masaktan ulit."

"You know that's not possible."

"Just believe in me. Pagsisikapan ko."

"Alam mo, sobrang saya ko na finally, nagkaro'n na rin tayo ng progress. Akala ko hanggang ilusyon na lang talaga ako. Kaya no words can explain how happy I was no'ng narinig ko ang confession mo. Kahit sobrang labo ng mga sinabi mo, masaya pa rin ako. Kasi there's a ray of hope na pwede mong masuklian ang feelings ko para sa'yo. But I don't really want to keep my hopes up kasi masakit bumagsak. Kaya kailangan kong gawin 'to. Hindi naman kita iiwan, eh. Nandito pa rin ako habang fini-figure out mo ang feelings mo para sa'kin. But we can't always be together."

"Why not?"

"We can't kiss and hold each other's hands. At lalung-lalo na 'yong ginawa natin kagabi, hindi natin pwedeng gawin 'yon."

"Bakit nga?"

"Kasi mas lalo akong nai-in love sa'yo."

"Is that a bad thing?"

"Yes, it is. Because you don't feel the same way for me."

"Pa'no ka nakakasiguro d'yan?"

"Kasi ikaw, confused ka pa. Posibleng may gusto ka talaga sa'kin at posible ring akala mo lang gusto mo ako kasi you found comfort in me. Pero ako, siguradong-sigurado na ako sa feelings ko para sa'yo. Sigurado ako na mahal kita."

"You make it sound like being in love with me was the worst thing that ever happened in your life."

"Yeah, it is. It's the worst... And the best."

"So, ano'ng gagawin natin?"

"Ikaw lang ang makakasagot niyan. For now, umuwi ka na at dumistansya ka na rin muna sa'kin."

"I'm not sure I can do that."

"You have to."

"Pupunta ka pa rin ba sa birthday party ko bukas?"

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon