XVIII

3.7K 205 20
                                    

CHAPTER EIGHTEEN:

LET GO

***

Yohan's
POINT OF VIEW

HINDI ko alam kung pa'no ako magsisimula o kung ano ang sasabihin ko. Nakaupo ako sa loob ng private hospital room ni Pring. Kaming dalawa lang because she asked everyone to leave us. Gusto raw niya akong makausap in private. Pha even gave me a warning look na parang nagsasabing 'wag kong dagdagan ang stress ni Pring.

No'ng kami na lang dalawa sa loob ng kwarto, wala namang nagsalita. Tahimik kami sa loob ng ilang minuto. Until she decided to break the silence.

"I'm sorry." Kung hindi lang siguro ako malapit sa kanya, baka hindi ko narinig ang sinabi niya. Her voice was too low.

"For what?" Ayokong maging cold sa kanya pero hindi ko napigilan, eh. I couldn't just treat her nicely just because she tried to kill herself. Hindi ako gano'n kabait.

"For everything. Most especially, for trying to kill myself. I'm so weak and stupid."

"You're right. And you're not usually weak and stupid. Kaya sana 'wag mo ng gagawin 'yon ulit."

She nodded slowly.

"Masyado lang akong nadala ng kalungkutan. I don't know kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na umabot sa gano'n."

"Please don't be selfish, Pring. Isipin mo kung ano ang mararamdaman ng mga mahal mo sa buhay kapag namatay ka. Masasaktan sila."

"Ikaw... ikaw, masasaktan ka rin ba? Masasaktan ka rin ba 'pag nawala ang bestfriend mo?"

"Oo," I answered truthfully. "Masasaktan ako kahit galit ako sa'yo. Masasaktan ako kasi ikaw pa rin ang bestfriend ko sa kabila ng lahat ng nangyari. Masasaktan ako kasi parte ka na ng buhay ko. Kaya please lang, don't try to kill yourself again."

"Y-yes. Hindi ko na uulitin 'yon. It was a stupid mistake that killed my baby..."

Umiyak siya ng malakas. I wanted to hug and comfort her pero hindi ko magawa. Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa naging kalmado siya. She needed to break down and feel the pain because it was part of the process of healing.

"Pring, bumalik ka na sa normal mong buhay at sa dating ikaw. This is not you. This is not the Pring na nakilala ko."

"Yo..."

"Layuan mo na si Forth."

"H-hindi ko..."

"Kaya mo, Pring. Kaya mo. Nabuhay ka noon na wala siya, mabubuhay ka rin ngayon na wala siya. Can't you see? Hindi siya nakakabuti sa'yo. Nagawa mong magpakamatay nang dahil sa kanya. Toxic ang relasyon ninyo."

"Wala kang alam. Pa'no mo nasasabi 'yan when you don't have an idea kung anong klaseng relasyon ang 'meron kami? Don't you think you're being too unfair and judgemental?"

"The fact that you tried to kill yourself because of him, enough proof na 'yon para masabi kong toxic ang relasyon ninyo."

"Pa'no mo nalamang..."

"Nagkita kami ni Forth kanina sa labas ng hospital."

"He was here?" Biglang naging masaya ang boses niya. "Ano'ng sabi niya? Nagsisisi ba sya na nakipaghiwalay siya sa'kin? Makikipagbalikan ba siya? Is he still outside? Please call him, Yo. We need to talk."

I couldn't believe her. Kung pathetic ako, mas pathetic si Pring. Sobrang desperada niya na makasama si Forth. Sobrang mahal niya ito to the point na sinisira na niya ang kanyang sarili.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon