XXVI

4.1K 236 18
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX:

BREAKFAST DATE

***

YO'S
POINT OF VIEW

SOBRANG ganda ng pinuntahan naming lugar. Classy restaurant kaharap ng napaka-gandang dagat. Konti lang ang customers na naroon kasi umaga pa lang naman. They have an excellent menu for breakfast and not to mention, sobrang ganda pa ng interior designs. I captured a few photos of the restaurant including the elegant floor to ceiling glass panel window kung saan makikita ang karagatan.

   A soft music was playing on the background which gave the place a more relaxing ambiance.

   "So, you like taking pictures, huh?" he said while we were waiting for our order.

   "Uhm, m-medyo." Bigla naman akong na-conscious kaya itinigil ko na ang pagkuha ng pictures then I put down my phone.

   "I saw a glimpse of your shot. Sa nakita ko, mukhang hindi lang medyo, eh."

   "H-huh?"

   "I think you have a talent for photography. Baka hindi mo pa lang nari-realize."

   "Actually, it's my passion talaga."

   "Really? Then why didn't you take up photography instead?"

   "It's too expensive, tsaka feeling ko hindi practical. I came from a middle-class family kaya importante sa'kin ang magkaro'n ng stable job in the future."

   "You can be a professional photographer, you know? It pays well. I know better. Alam mo namang nagmu-model ako, 'di ba?"

   "Yes."

   "Marami akong kilalang photographers who finds their job very rewarding.

   "Talaga?"

   "Yup. They find joy in taking pictures. Masaya na nga sila kahit nahahawakan lang nila ang camera nila, eh."

   Bigla akong nakaramdam ng inggit. Maski professional camera, wala ako. Cellphone ko lang ang ginagamit ko ever since. Magaling lang akong humanap ng magandang angle kaya maganda rin ang nakukuha kong photos.

   "Good for them," sabi ko na lang.

   "Well, you can be like them."

   "Maybe someday."

   "Bakit hindi ngayon? I know photography is quite expensive. Pero kung d'yan ka magiging masaya, why don't you give it a try?"

   Alam kong susuportahan ako ng parents ko sa kung ano'ng career ang magpapasaya sa'kin. Pero initiative ko na ibang career path ang sundin. I know photography. Maraming magagaling sa field na 'yon at sobrang tight ng competition. Pa'no kung maungusan ako ng mga mas magagaling sa'kin? Pa'no ang career ko? Pa'no ang income ko? Pa'no ang dream ko to provide a more comfortabe life for my family? I couldn't risk it. Kaya tinalikuran ko muna ang pangarap ko. It could wait.

   "Actually, plano kong mag-aral ng photography sa Paris."

   "Paris?!" Gulat niyang reaksyon.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon