Part 16

8.1K 153 1
                                    


"P'WEDENG malaman kung bakit mo pinaiimbistigahan kung sino ang isang William del Tuazon?" tanong ni Shadow sa kabilang linya.

Hindi makasagot si Alessandra. Hindi niya alam kung ano ang ikakatwiran niya. Iyon ang unang pagkakataon na pinakiusapan niya si Shadow na gamitin ang kaalaman nito sa computer para makilala niya ang isang tao. "I—isang makulit na kaklase," pag-amin na rin niya. Iginala niya ang paningin sa labas ng kotse niya. Kahit matindi ang sikat ng araw ay marami pa ring estudyante ang nasa labas at paroo't-parito sa malawak na activity area ng unibersidad. Ang ilan ay nagkukumpulan sa pagkukuwentuhan.

"I am so into you, Alessandra!"

"Itanim mo lang sana sa isip mo na hindi kita pinupursige dahil curious ako o nahahamon sa kalamigan mo. Hindi kita susukuan dahil gusto talaga kita. And this feelings feels right." Hindi siya pinatatahimik ng mga salitang iyon, paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang tainga. Mabuti na nga lang at nagawa niyang kontrolin ang mga reaksiyon niya sa bawat bitaw ni William ng salita. Pero talagang nagulat siya sa mga sinabi nito.

"Hmm. Manliligaw?"

"Shadow..." Batid ng kaibigan niya ang tonong ginamit niya. Sapat na ang babala na kaakibat niyon para huwag na itong mangulit pa.

"Okay. Iyan na ang cue o para huwag ng makialam pa," natatawang sabi nito. "Tatawagan ba kita o—"

"Hihintayin ko ang resulta," aniya.

"Sabi ko nga," tumatawang komento nito. "Bigyan mo ako ng isa o dalawang minuto." Narinig niya ang pagtipa ng mga daliri ni Shadow sa keyboard ng computer nito. Inilagay niya sa speaker mode ang telepono bago iyon inilagay sa dash board ng sasakyan. Kapagkuwa'y tila napapagal na isinandal ni Alessandra ang kanyang ulo sa headrest ng driver's seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pero ang kanyang utak ay hindi mapakali. Patuloy siyang ginugulo ng iisang isipin. Isipin na may kinalaman kay William. Hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya mananatiling matatag. For Pete's sake, kagabi ay halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip sa binata at sa mga sinabi nito. Parang may binubuksang silid ng pagkatao niya si William. Silid na hindi siya pamilyar, hindi niya alam pakitunguhan. Ang alam lang niya ay attracted siya sa binata. Na kahit sinasabi ng instincts niya na lumayo siya ay hindi niya magawa. Sa bawat sandali ay naglalaban ang naghuhumiyaw na desire niya para sa binata at ang instinct niya na nagsasabing huwag niyang isubo ang kanyang sarili kay William. Naguguluhan siya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

"Alex...?"

Tila nabuhayan ng dugo si Alessandra nang marinig ang tinig ng kaibigan. Bahagya pa siyang napailing ng makita niyang lampas isang minuto lamang ang ginugol ng kaibigan sa pag-iimbistiga. Magaling talaga si Shadow sa propesyon nito. Sa pagkakaalam niya, lumikha rin ito ng isang search engine na kokonekta sa lahat ng computer servers sa buong mundo. Kung kaya, kayang-kaya nitong pasukin at alamin ang kasuluk-sulukang impormasyon, as long as the information was available on the internet.

"Yeah?" Ano kaya ang natuklasan ni Shadow tungkol kay William? May perpektong background kaya ang binata?

"Hmm. Nakuha ko ang rehistro ng kapanganakan ni William. Nag-iisang anak. Ang pangalan ng ina ay Patricia Gouldin. Walang naka-indicate na ama. And then, there's this particular news clipping about Governor del Tuazon of La Union and his allegedly mistress named..."

"Patricia Gouldin," salo niya. Sinasabi ng instinct niya kung sino ang maaaring ama ni William. "Kung ganoon, si William ay bastardo ni Governor del Tuazon?"

"Ganoon na nga ang lumalabas. Tila nagrebelde si William sa katotohanang iyon. Mayaman siya sa parehong side ng mga magulang niya. Pero tila walang interes si William sa kayamanang iyon, well until he learned that he's a politician's bastard. Maraming artikulo rito sa mga gulong pinasok ni William. Dahil prominente sila sa La Union, naging malaking balita iyon. Thus, the articles."

"Ano pa...?"

"Well, William del Tuazon is gorgeous, huh? And...wow!"

Narinig niya ang pagsipol ni Shadow. "Ano?"

"Isa siyang professional stunt man, Alex. Internationally. Marami siyang pictures dito. Dapat ko bang sabihin na sa mga pictures ay ibat'-ibang babae ang kasama niya? Ang ilan pa nga ay mga kilalang artista sa Hollywood. Tsk. Kaya pala available sa internet ang tungkol sa kanya. Parang celebrity na rin pala siya."

Gumitaw sa isipan ni Alessandra ang physique ni William. Hindi na siya nagtataka kung bakit Hollywood-ish ang aura nito. Hindi alam ng dalaga kung bakit bigla niyang nahilot ang kanyang sintido na para bang bigla iyong sumakit.

"Mag-ingat ka, Alex."

Umunat ang kanyang likod. "Para saan ang babala?"

Hindi ito sumagot.

"Tinatanong kita, Shad. Para saan ang babala?"

"Baka durugin niya ang puso mo," anito pagkaraan ng ilang saglit.

Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay namataan niya si William. Pinadaanan niya ng dila niya ang nanunuyo niyang mga labi. "Wala akong puso, Shadow," mahinang usal niya bago pinutol ang koneksiyon ng tawag. Pinagnanasaan ko lang ang lalaking iyon.


Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now