Part 62

5.1K 85 1
                                    


CHAPTER 21

NAPABALIKWAS si Alessandra sa sunod-sunod na pagkatok at tila pag-alog ng kanilang sasakyan. Dahil patagilid, paharap sa asawa ang posisyon niya, ito agad ang kanyang nakita. "William...?"

William looked alarmed. Mahigpit na hawak nito ang cellphone habang matiim ang ekspresyon. Hanggang sa mapapiksi siya sa mga katok sa bintana. Dahan-dahan, luminga siya sa harapan.

"W-William..." Fear engulfed Alessandra. Napahawak siya sa braso ng asawa. Napagtanto niya na gabi na bagama't hindi siya sigurado sa eksaktong oras. Ang sinag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Tila full moon. Wala siyang ideya kung nasaan sila pero ang magkabilang gilid ng kalsada ay puro tambo. At sa harap ng sasakyan naroon at nakatayo ang limang armadong lalaki, mayroon ding isa sa gawi ng bintana niya, at sa bintana ni William. "S-sino sila?"

"I don't know. Bigla silang humarang sa daan at itinutok ang mga armas nila. Kailangan kong huminto dahil baka walang habas na magpaputok sila at tamaan ka kapag hindi ako huminto. I couldn't take the risk."

"Labas na diyan!" sabi ng nasa labas sabay uga sa sasakyan.

"C-call the police," natatarantang suhestiyon niya.

"Sinubukan ko na pero dead spot yata ang lugar na ito. Walang signal," ani ni William.

"Ano ang gagawin natin ngayon?" natatakot na tanong niya.

"Just calm yourself." William gave her a reassuring smile. Kinuha nito ang palad niya at pinisil iyon. "Everything will be all right, promise. Lalabas ako at susubukang kausapin sila."

"H-huwag kang lumabas. They will not listen to what we have to say. Gagawin nila kung ano ang gusto nila. Hindi sila makikinig, ni makipagnegosasyon, William," natatarantang pigil niya sa asawa. "Ti—tila m-mga halang ang mga kaluluwa nila..." Awtomatik ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at tuloy-tuloy din iyong namaybay sa magkabilang pisngi niya. "We're on the losing side..."

"No, we're not. Hindi ko sila hahayaan na saktan ka." Pangako ni William habang pinapawi ang luha niya gamit ang mga daliri nito. He unlocked the door. "Trust me. I can handle this. Stay here and be alert on my instructions. Hindi ko isasara ang pinto para marinig mo ang sasabihin ko. Be alert, okay?" Lumabas ang kanyang asawa sa sasakyan na nakataas ang mga kamay. Marahil ay nabawi na nito ang pagkabigla dahil anyong confident na ito.

Nahindik siya ng itutok ng lalaki ang baril nito sa ulo ni William. "No!" Hindi niya napigilang sigaw.

Her husband didn't even wince a bit. "Sino ang pinuno n'yo? Sa kanya ako makikipag-usap," anito.

"Ako ang pinuno," sagot ng lalaking nasa harap ni William.

"Kung pera at sasakyan ang nais ninyo, ibibigay namin iyon, huwag n'yo lang kaming sasaktan lalo na ang asawa ko."

Humalakhak ang lalaki. "Kahit hindi mo kusang ibigay, makukuha pa rin namin ang lahat ng nais namin." Lumingon ito sa kanya at tila demonyong ngumisi. "Kasama na roon ang maganda mong asawa."

Oh, God! Please, please help us! Piping panalangin ni Alessandra. Patuloy ang pagtulo ng luha niya at patuloy ding nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot. She knew they were in great danger. At noon lamang siya natakot ng ganoon sa buong buhay niya.

"Don't you dare!" angil ni William. "Paraanin ninyo kami o ito na ang magiging huling araw ninyo sa mundo."

"Aba at...wala ka sa posisyon para magsalita ng ganyan! Ulol!"

"I will not ask twice," kampanteng tugon ni William.

Humalakhak ang lalaki. Subalit naputol ang halakhak nito nang sa isang kisap mata ay agawin ni William ang caliber 45 na baril nito bago iniipit ang leeg ng lalaki sa braso ni William. Pagkuwa'y pinaputukan ni William ang lalaking nasa gawi niya. Napatili pa siya sa putok na iyon ng baril. Bagsak ang lalaki sa gawi niya. Pagkatapos niyon ay itinutok ni William ang baril sa lalaking iniipit nito sa leeg at ginagawang human shield para kung sakaling magpaputok ang lima sa unahan. Nangyari ang lahat ng iyon ay nangyari sa isang kisap-mata. Ni hindi nakapag-react ang limang nasa unahan. She was in awe. Isinagawa ni William ang aktuwasyong iyon sa isang sigurado at pulidong kilos na para bang alam na alam nito ang ginagawa nito.

"Dapa, Alessandra!" utos sa kanya ni William. Mabilis na sinunod niya ang asawa at nagpakasiksik siya sa ilalim ng sasakyan. "Ibaba n'yo ang mga baril n'yo o pasasabugin ko ang ulo nito!" narinig niyang sigaw ni William.

"A-ano pang hinihintay n'yo? Sundin n'yo siya!" agad na sigaw ng lalaki.

"Hindi n'yo ba susundin ang pinuno ninyo?" narinig ni Alesandra na tanong ni William.

"Isa ka lang, anim pa kami!" sagot ng bagong tinig. Bago napamulagat nalang si Alessandra sa sunod-sunod na putok na ng baril.

"Stay down, Alessandra!" sabi ng tinig ni William sa pagitan ng palitan ng putok ng baril.

Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now