Part 35

7.1K 127 2
                                    

 Lumabas na si ALessandra ng comfort room.

Tumuon ang paningin niya sa mesa nila ni William. Wala na ito roon. Umalis na ba ang binata, iniwan na siya nito? Nanlumo siya. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan gayong ni-reject niya ito kanina.

Hanggang sa tila higupin ang atensiyon niya patungo sa isang grand piano na nakalagay sa elevated na bahagi ng restaurant. Naroon si William. At nakatingin din ito sa kanya. Tila itinulos siya sa pagkakatayo nang umalingawngaw ang malumanay na musika. Tumutugtog si William ng piano kahit nakatingin ito sa kanya. Kinakantahan siya ng binata.

Would you dance
If I asked you to dance?
Would you run
And never look back?
Would you cry
If you saw me crying?
And would you save my soul, tonight?

Mariing kinagat niya ang kanyang dila sa pag-alon ng emosyon sa pagkatao niya. She could hardly swallow. Para bang ano mang saglit ay puputok ang dibdib niya sa pagdagsa ng halo-halong emosyon. Gusto niyang sigawan ang binata. Gusto niya itong murahin dahil sa mga emosyong binubuhay nito sa kanya. Para bang...para bang ginagawa uli siya nitong tao na may kakayahang makaramdam. No. Hindi siya iiyak. Napakatagal na niyang hindi umiiyak. Hindi na siya marunong umiyak!

Would you tremble
If I touched your lips?
Would you laugh?
Oh please tell me this.
Now would you die
For the one you loved?
Hold me in your arms, tonight.

I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.

God! William...

' Sa gilid ng mga mata ni Alessandra napansin niya na sa mesa ng Congressman ay nagsisimula ng magkagulo. Umaatake na ang lason. It was done crawling its way to the victim's blood stream. Ang Congressman ay magkakaroon ng kamatayan na katulad ng atake sa puso. ANg lason na ginamit niya ay halos hindi makikita. Kung sakaling isailalim sa masusing autopsy ang bangkay ng congressman, makakakita lamang ng napakaliit na hint ng cyanide sa dugo nito. Sasabihin ng mga doctor na ang dami ng lason sa dugo ng biktima ay hindi sapat para makapatay ng tao. Isa iyon sa maraming uri ng lason sa black market na ipinakilala sa kanya ni Chameleon.

Would you swear
That you'll always be mine?
Or would you lie?
Would you run and hide?
Am I in too deep?
Have I lost my mind?
I don't care...
You're here tonight.

Binubuksan ni William ang puso nito sa kanya. Kasabay niyon ay sinusundo na ni kamatayan ang isang tao dahil sa kanya. Pumatay siya ng isang tao sa paligid ni William. At wala ni katiting na ideya si William tungkol roon. Wala ni katiting na ideya si William kung anong klaseng tao ang minahal nito. Tuluyang nagkagulo sa mesa ng biktima. Nakuha niyon ang atensiyon ni William at hindi niya kinaya nang paglipat-lipatin ni William ang paningin nito sa kaguluhang iyon at sa kanya. Para siyang sinasakal. Hindi na napigil ni Alessandra ang sarili, tumalikod siya at tuloy-tuloy ng umalis.

"Alessandra!"

Hindi niya pinansin ang pagtawag ng binata. Oras na para mawala siya sa buhay ni William.


Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now