Part 78

4.7K 81 1
                                    


GOD. Ano ba ang dapat kung gawin? Dapat ko bang paniwalaan ang panaginip kong iyon? Kailangang makita ko sila, ang dalawang babaeng kaibigan ko umano: sina Shadow at Chameleon. Pero paano kung hindi naman pala sila nag-e-exist? Dapat ko bang tanungin na lang si William? Pero paano kung hindi naman siya magsabi ng totoo? Ah, ano ba ang paniniwalaan ko? And...am I p-pregnant?

"Sige na. Okay na ako dito. Ipalinis mo na 'yang sugat mo." Pagtataboy niya kay William matapos siyang ma-admit sa hospital dahil sa hindi maipaliwanag na hilo at pananakit ng ulo na nadarama niya.

Umiling si William. "No. Hindi kita iiwang mag-isa. Tsaka na lang kapag nasiguro kung—"

"I'll be okay. Promise. Ipalinis mo na agad 'yan at baka maimpiksiyon pa 'yan. But please be quick, okay?" Huwag naman sanang mahalata ni William na ipinagtatabuyan nito. O, kakaiba ang ikinikilos niya. Kapag nagkataon ay baka mabulilyaso ang pinaplano niya. " Just be quick. Be quick."

Hindi na makatutol pa si William. Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan nito. "Okay." Naupo si William sa gilid ng kama. Tinitigan siya nito at gusto niyang kilabutan roon. Na tila ba minimimorya nito ang bawat anggulo ng kanyang mukha. "I love you," he said and kissed her hand. Hinagkan rin nito ang ulo niya. "Kahit ano'ng mangyari lagi mong tatandaan na mahal kita. Mahal na mahal."

Nag-init ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyang mamaybay ang mga luha sa magkabila niyang pisngi. "I love you, too, William."

Ngumiti si William. Pagkuwa'y tumayo na ito. Muli ay tinitigan siya nito ng ilang segundo at nginitian na para bang sinusulit nito ang bawat sandali sa piling niya. Na marahil, subconsciously, may hinala ito na hindi na siya nito muli pang makikita.

"Ano pa ang hinihintay mo? Lakad na," kunwari ay natatawang sita niya rito.

Tumango si William. "Bibilisan ko."

Paglabas na paglabas ni William sa silid ay agad ding bumaba ng kama si Alessandra. She grabbed her wallet and her cellphone. Pagkuwa'y tinitigan niya ang kama. Patawad, William. Pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong malaman kung ano ang misteryo ng panaginip ko. Kailangan kong malaman kung sino ako. Pinigil ni Alessandra ang mga luha niya at kinalma ang sarili. Binuksan niya ang pinto at sumilip, nang makitang wala sa paligid si William ay agad siyang lumabas at tumalilis. Nakalabas siya ng hospital ng walang aberya dahil umakto siyang natural at hindi pa naman siya nakakapagpalit ng hospital gown.

Agad siyang pumara ng taxi. Nakakuha naman siya.

"Saan po tayo, Ma'am?"

Saan nga ba? Saan nga ba niya matatagpuan ang mga sagot na kailangan niya? "Ahm...B-basta paandarin n'yo na ho. Tayo na ho. Sasabihin ko sa inyo maya-maya kung saan n'yo ako ihahatid. Huwag kayong mag-alala at dadagdagan ko ho ang ibabayad ko."

"Sige po." Pinaandar na nito ang sasakyan.

Tumanaw si Alessandra sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi na lamang liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid kundi pati na rin ang sinag ng papasikat na araw. Ang mga daliri niyang nakapatong sa mga hita niya ay tumapik-tapik. Ninenerbiyos siya, kinakabahan. Iyon ang unang pagkakataon na magbibiyahe o lalabas siyang mag-isa simula noong gumising siya. Lagi na ay may oras si William para samahan siya mula sa pagsisimba, pamamasyal at hanggang sa pamamalingke. But this is a journey she should take alone. Para sa kanya at para sa ikatatahimik ng loob niya.

God! Napakaraming nangyari sa loob ng maikling sandali. Paano kung...paano kung ibang buhay at ibang pagkatao talaga ang meron ako?

Isinandal ni Alessandra ang kanyang ulo sa headrest ng upuan. Pumikit siya pero agad ding nagmulat nang pumasok muli sa isip niya ang panaginip. Sa panaginip ko, noong tumatakbo na ako, may partikular na deriksiyon akong pinuntahan. Direksiyong humantong kay...Shadow. Pinilit niyang magkonsentra, pinilit niyang balikan ang eksaktong pangyayari noong tumatakbo na siya. Anong lugar nga ba ang pinuntahan niya noon?

Nagmulat siya ng mga mata. "Manong sa Ortigas ho tayo."

"Ortigas? Naku, eh malayo ho iyon Ma'am."

"Ako ho ang bahala sa inyo, Manong. Hindi ho natin pagtatalunan ang pera. Dodoblehin ko pa kung kinakailangan."

Tila biglang nabuhay ang dugo nito sa narinig. "Aba'y sige ho."

TINAKASAN ng lakas si William nang pagbukas niya ng pinto ay bakante ang hospital bed na kanina ay kinahihigaan ng kanyang asawa. Dapat ay inspeksiyunin niya ang banyo. Baka naroon lang si Alessandra o baka may pinuntahan lang. Pero agad nahagilap ng mga mata niya ang bagay na iyon sa ibabaw ng kama.

Hindi na niya alam kung papaano pa niya nagawang humakbang patungo sa kama, but he was there, staring at that thing and making sure it was real. Nang masigurong hindi siya dinadaya lamang ng kanyang paningin, dahan-dahang napaupo si William sa gilid ng kama.

"H-hindi..." walang tinig na usal niya. Nanginginig na dinampot niya ang bagay na iyon, ang singsing. Their wedding ring. Fake wedding ring. At kahit na gaano pa niya ipagkaila, alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon: bumalik na ang alaala ni Alessandra. At katulad noong una, pinili na naman nito na talikuran siya. Na iwanan siya. A tear fell. Ang sakit. Ang sakit, sakit!

So that was it. Iyon ang mangyayari—iiwan siya ni Alessandra— kaya kanina, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakadama siya ng takot, ng pangamba, ng kaba. Napakaliit ng posibilidad na babalik ang alaala ni Alessandra, 'di ba? .1% lamang. Kung ganoon, ano ang naging susi para mabuksan ang nakakandadong pinto ng alaala nito?

Marahas na pinahid ni William ang kanyang mga luha bago mahigpit na ikinuyom ang palad na kinaroroonan ng singsing. Sa kabila ng pagmamahal niya ay hindi pa rin siya nagawang piliin ni Alessandra. Iniwan pa rin siya nito. Then so be it. Hindi na siya magmamakaawa para manatili ito sa tabi niya. Hindi na siya maghahabol. Hindi na. 

Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now