Part 80

5.3K 92 4
                                    

PINAHID ni Alessandra ang gilid ng mga labi niya pagkatapos maibaba ang baso ng gatas. Ang plato na kanina ay may tatlong clubhouse sandwich ay nasaid na niya. Hindi na niya natanggihan ang pagkaing inialok sa kanya ng dalawa nang magising siya dahil nagugutom na talaga siya.

"Salamat..." aniya.

Hindi lingid sa kanya ang pagpapalitan ng sulyap ng dalawang babae. Tila ba hindi alam ng mga ito kung ano ang gagawin sa kanya. Chameleon is prettier, if she may say so. Mas feminine itong tingnan kesa kay Shadow na may pagkaastig naman. Bukod doon, obvious na may foreign blood si Chameleon. Parehong matangkad ang dalawa at parehong may kakaibang kislap ang mga mata. Kislap ng pagkamisteryoso at kadelikaduhan.

Tumikhim si Chameleon. "Hmm. Alex, linawin natin ang lahat, ha? B-bumalik na ba ang alaala mo?"

Umiling siya. Nanlaki naman ang mga mata nina Shadow at Chameleon.

"H-hindi pa?" Si Shadow ang nagtanong.

"Kung bumalik na ang alaala ko, sa palagay ba ninyo ay ganito ako makikiharap sa inyo?" matigas na balik-tanong niya. Malinaw sa panaginip niya na nakipaglaban siya kay Shadow hanggang sa kaya ng resistensiya niya.

Naupo si Shadow sa gilid ng kama. Si Chameleon ay hinila ang isang silya at ipinosisyon sa harap niya. Naupo ito roon. "Kung ganoon paano mo natunton ang lugar na ito?" tanong ni Shadow. Si Chameleon ay tila hindi makapaghintay sa isasagot niya.

"Sabihin ninyo sa akin ang totoo. Ako ba ay...ay...isang...uhm, k-killer? P-pinakialam n'yo ba ang utak ko?"

"Paano mo nalaman ang bagay na iyan kung hindi pa bumabalik ang alaala mo? Sinabi ba ni William?"ani ni Chameleon.

"Huwag n'yong sagutin ng tanong ang tanong ko!"hiyaw niya. Panay ang taas-baba ng dibdib niya dahil sa umaalsang galit sa kalooban niya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng dalawang ito. "Narito ako para humanap ng kasagutan. Kaya nakikiusap ako, sagutin n'yo ako. Sagutin n'yo ang mga tanong ko."

"Kung sagot ang kailangan mo, nasa tamang lugar ka na." Muling nagkatinginan ang dalawa na tila ba nag-uusap sa pamamagitan lamang ng mga mata. Pagkuwa'y ibinalik ni Shadow ang paningin sa kanya. Marahang tumango ito. "Yes, you were a killer. At, oo, pinakialaman namin ang utak mo."

Alessandra's eyes wavered. Kinilabutan siya. Parang biglang nagkaroon ng bara ang lalamunan niya. Lahat ng nasa panaginip niya ay tila totoo. Pagkuwa'y napatingin siya sa mga palad niya. Mamamatay-tao siya. Iyon siguro ang ibig sabihin ng manghuhula noong sinabi nito na maraming dugo ang mga kamay niya. Marami siyang pinatay. But...just thinking of killing somebody made her sick. Nanginig ang katawan niya. Sa kasalukuyang estado niya, hindi niya lubos masiip na makakaya niyang gawin ang ganoong bagay.

"Ngayon kami naman ang sagutin mo. Paano ka napadpad dito?" tanong ni Chameleon na pumukaw sa atensiyon ni Alessandra. "Hindi kami kaaway, Alex. Hindi lang kami mga kaibigan, halos magkakapatid na tayong tatlo."

Lumunok siya. "N-nalaman ko ang lugar na ito at ang clue sa kung ano talaga ako sa panaginip ko."

"Panaginip?" interesanteng tanong ni Chameleon. "Can you elaborate on that?"

"Habang nagbibiyahe kami ng asa—ni William, nakatulog ako. Pagkatapos niyon nanaginip ako..." Ikinuwento niya ang buong detalye ng panaginip niya. "Ang sunod na namalayan ko ay nangyayari na ang panaginip. B-binigyan ko ng babala si William na may humahabol sa amin. Hindi na nangyari ang sunod na pangyayari sa panaginip ko, maybe because I already interrupted the supposedly flow of events. Pero hindi na ako matahimik. Natukso na akong alamin kung totoong killer ako, kung totoong may Shadow at Chameleon, kung totoong buntis ako..."

Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang