Part 21

8.3K 144 0
                                    

NATAPOS ang pagbabalik-tanaw ni William nang mamataan niya si Alessandra na noon ay binubuksan na ang pinto ng sasakyan nito. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang dalaga.

"Iwanan mo ang kotse mo. Mula ngayon ay sa akin ka na sasabay papasok at pauwi," sabi niya. Bahagyang nagulat ang dalaga. Humarap sa kanya si Alessandra. Batid ni William na gusot pa ang mukha niya, na wala pa siya sa mood.

"Still upset?" Nakakalokong tanong ng dalaga. Ni hindi nito itinago ang pagkakangisi.

"Don't stress the obvious, damn it!" Ibinagsak niya pasara ang pintuang nakabukas sa gilid ng dalaga. Huminga ng malalim si William. Galit pa rin siya at lubhang naiinsulto. Pero hindi makakatulong kung hindi niya makokontrol ang damdamin niya. Halata naman na nasisiyahan ang dalaga na kaya nitong gawin iyon sa kanya.

"Kung ganoon payag ka na sa dalawang linggo? Dahil iyon lamang ang kaya kong ibigay, William," anito bago itinaas ang palad at inihaplos sa pisngi niya na gumagaspang na dahil sa tumutubong stubbles sa paraang nagpapakalma sa nagngangalit niyang damdamin. Para siyang mabangis na tigre na pinapaamo nito. Para siyang hinihipnotismo ni Alessandra. At umeepekto iyon, tumatagos sa pagkatao niya. Ha! Napa-unpredictable talaga nito sa mga nagiging aksiyon nito. Lalo itong naging misteryoso dahil doon.

"How can you give me two weeks with you...when what I wanted is forever?" nausal niya.

"Ano?"

Sigurado siyang narinig iyon ng dalaga, patunay roon ang tila paglikot ng mga mata nito. And suddenly he realized that he had a chance, a chance to make forever happen. Hindi niya dapat biglain ang dalaga. Katulad ng Trojan virus, banayad at halos hindi hayag ang gagawin niyang pagpasok sa puso ng dalaga. Malalaman na lang ni Alessandra na apektado na ito ng virus at nasa buong sistema na nito iyon. At sisiguraduhin niya na mahaba na ang dalawang linggo sa pagpapaibig niya kay Alessandra. Paiibigin niya ito!

"Wala," pagsagot ni William sa tanong ng dalaga. Kalmado na siya. "Dalawang linggo lang ang ibinibigay mo sa akin. Sa palagay ko ay wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin iyon. Pero hahayaan mo akong sulitin ang dalawang linggong sinasabi mo, tama?"

"Patas lang," pagsang-ayon ng dalaga.

"Okay, then. Tayo na." Hinawakan niya ang palad nito.

"Sandali. Ang kotse ko? Semestral break na bukas, 'di ba? Hmm. Sasakyan ko na rin ito pauwi. Mag convoy na lang tayo. Gusto ko rin namang magpalit ng kasuutan. Doon na lang tayo magmula kung saan man tayo pupunta. Ano sa palagay mo?"

"Magandang ideya nga iyan."Nilapitan niya ang dalaga at malumanay na dinampian ng halik ang noo ng dalaga.Tila natigilan si Alessandra. Animo hindi nito inaasahan ang gawi na iyon. Natila ba wala pang gumawa ng ganoon rito. Alam ni William na puntos iyon para sakanya. Nalagyan niya ng bitak ang matatag na depensa ni Alessandra. She saw apart of her tonight that he had never seen before. Tila napaka vulnerable nito. Subali'thindi niya magawang matuwa. Ang gusto niyang gawin sa oras na iyon ay yakapinang dalaga at siguruhin rito na magiging maayos ang lahat. Pero alam niyanghindi iyon makabubuti. Alam niyang mas magmamatigas at mas magiging defensiveang dalaga kapag inalo niya ito. Kaya ngayon ay hahayaan lang muna niya ito.Hahayaan niyang mag sink-in kay Alessandra ang mga bagay na na-miss nito. Binuksanniya ang pinto na ibinalibag niya kanina. "Mag-ingat sa pagmamaneho. Nasalikuran mo lang ang motor ko." 


"SAAN ba tayo pupunta?" malakas na tanong ni Alessandra kay William. Angkas na siya niyon sa motor ng binata. At mahigit isang oras na silang naglalakbay. Pakalat na niyon ang dilim.

"Narito na tayo," anang binata. Halos hindi niya malaman kung nasaan na sila. Ni hindi rin niya nabasa ang establisiyementong pinasok ng motor. Ipinarada ni William ang motor. Bumaba siya. Bumaba rin ang binata. Ang binata ang nag-alis ng helmet niya at halos mailang siya sa paraan nito ng pagtitig. Pagkuwa'y sinulyapan nito ang suot na relos. "Tama lang ang dating natin. Tara na." Ikinawit ng binata ang palad nito sa baiwang niya bago siya iginiya papasok.

Sa gulat ni Alessandra, nabungaran niya sa isang silid ang napakaraming bata at ilang madre. Sa palagay niya ay nasa isang ampunan sila. Maayos na nakaupo ang mga bata sa mga silyang laan sa bawat isa. Mayroong entablado na nadedekorasyunan ng...Gulat na napatingin siya kay William. Kaarawan nito ngayon? Dahil HAPPY BIRTHDAY, KUYA WILLIAM ang sinasabi ng mga makukulay na letrang nakadikit sa telang nakaladlad sa pader ng entablado. Sinulyapan din naman siya ng binata. Tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

"Kids, narito na ang kuya n'yo," sabi ng isang madre.

"Maligayang kaarawan, Kuya William!" iisang tinig na sabi ng mga bata.

"Salamat," masiglang tugon naman ng binata.

"At ano ang sasabihin n'yo sa kasama niya? Sa ating bisita?" sabi pa ng madre.

"Maligayang pagdating po at magandang gabi sa inyo!" sabay-sabay na sabi naman ng lahat. Sinagot iyon ni Alessandra ng isang alanganing ngiti, ni hindi siya sigurado kung totoo ang ngiting iyon o hindi.

"William," pagbati ng isang may edad na madre na tila siyang namumuno roon. Niyakap ng madre at hinalikan sa noo ang binata. Gumanti ng yakap si William. "Happy birthday, hijo."

"Thank you, Tita," tugon ng binata. Hindi niya masabi kung magkamag-anak ang dalawa pero malamang ay ganoon na nga.

"May kasama ka," puna ng madre.

"Opo, ang girlfriend ko." Inakbayan siya ng binata. "Tita, meet Alessandra. Kasasagot lang niya sa akin ngayon. Alessandra, siya naman si Tita Ella. Nakatatandang kapatid ni mommy."

Nakakadama ng nerbiyos si Alessandra. Hindi kasama sa plano niya na makilala ang pamilya ng binata. Akala niya ay siya at si William sa relasyong iyon. Gusto niyang tirisin si William sa ginawa nito. Hindi niya ito gusto, lalo na ang mapunta sa iisang silid na maraming mga bata dahil bumabalik ang mapapait na alaala. At delikadong bagay ang mga alaala, lalo na ang masasakit, madidilim, at mapapait na alaala. Delikado dahil hindi iyon nakokontrol at madalas ay dinadala ka niyon sa alanganing sitwasyon.

Bago pa siya makatugon ay niyakap na siya ng matanda. "Ikinagagalak kitang makilala, Alessandra. Napakagandang pangalan." Alanganing yumakap rin si Alessandra. "Napakaganda mong bata. Kaya pala walang katulad ang ningning sa mga mata ng aking pamingkin. Nakuha pala niya ang pinakamagandang regalo sa mismong kaarawan niya," pagpapatuloy nito ng pakawalan siya.

"H-hindi ko po alam na kaarawan niya ngayon," aniya.

"Oh. So mas memorable pa pala. And whatever its worth, ikaw pa lang ang ipinakilala niya sa akin. Considering na kasasagot mo pa lang sa kanya..." nanunudyong sabi pa nito.

"Tita," protesta naman ng binata. "Sa palagay ko ay inilaglag mo ako sa pahayag mong iyan."

"Sa kabilang banda, sa palagay ko ay iniaangat pa kita, my dear. O siya, maupo na nga kayo at kanina pa excited ang mga bata na magtanghal. Titingnan ko kung handa na ang mga pagkain."


Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now