Sneak Peek

2.5K 90 28
                                    

Sneak Peek

"Sab, pakibilisan naman gumalaw!" Ani Vanessa habang hindi matigil sa pag aayos ng kanyang sarili sa salamin.

Umirap nalang ako. Late na kami sa gig ng paborito naming banda. Kung bakit ba naman kasi rito silang lima naligo sa condo ko, ako pa ang nahuli sa paggamit ng CR tapos ako pa ang pinapabilis nila.

"Mauna na kaya kayo roon?" Inis na sambit ko.

Nang dumating doon ay nagsasalita na si Lance para sa susunod nilang kakantahin. Agad naman akong hinila ni Ara na humagagikgik.

"Bias ko iyang si Lance, eh! Bilisan natin!"

"Ano, kaya pa?" Humalakhak si Ashton habang nagpupunas ng pawis. Hawak niya sa isang kamay ang gitara'ng nakasabit sa leeg niya.

Pinagmasdan ko naman si Jaden na nasa likod at umiinom ng tubig. Bumaba at tumaas ang adams apple niya sa bawat pag lunok at kitang kita ko kung paano kumislap ang diamond earring niya sa kanyang kanang tainga. He really looks so good when he's serious!

Lumunok ako. Parang bigla yata akong nauhaw sa pinapanuod ko at pinagpapawisan pa ako ng malamig.

Habang kumakanta ang Silent Sound ay sumasabay ang bawat taong narito sa kanta nila habang winawagayway ang mga kamay pataas. Ang gaganda ng kanta nila at magagada rin ang boses, gwapo pa!

Kasabay ng pagpalo ni Jaden sa drum ay ang pagputok ng baril na siyang naging dahilan ng pagtilian at pagkakagulo ng mga taong narito sa loob.

Napawi ang ngiti naming lima at nagtinginan.

Bullshit! Alam na namin ang mangyayaring ito pero bakit ngayon pa, kung kailan nageenjoy palang kami!? Ang aga naman yata nilang gumawa ng aksyon, maaga pa kaysa sa oras na binigay sa amin.

Agad kong sinuot ang earpiece na mukhang earphone na kanina pa nakasabit sa leeg ko. Nag hiwa-hiwalay kami nila Alyssa habang hinuhugot ko ang baril na tinago ko sa bandang legs ko.

Ngumisi ako. "Let the real show begin!"

One Silent SoundWhere stories live. Discover now