Kabanata 2

1K 55 25
                                    

Kabanata 2

Panganib

Vanessa's POV

Pagkatapos ng nangyari sa gig ng Silent Sound ay nagtipon tipon kami sa isang VIP rooms na narito lang kung saan ginanap ang gig nila. Tahimik ang bawat isa at walang balak magsalita.

Napatingin ako kay Ashton na ngumingiwi sa gilid habang hinahawakan ang sugat sa kanyang labi. Gusto kong itanong kung bakit sila sumali sa laban kanina at kung bakit alam nilang misyon ang ginagawa namin ngunit nauunahan ako ng hiya.

Sino ba naman ang hindi mahihiya kung nasa harap mo ang paborito mong banda na kanina lang ay pinapanuod mo sa stage.

"Uh..." Sab cleared her throat kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Thank you. Kahit hindi namin alam kung bakit, pero thank you pa rin,"

Bakit naging mahinhin bigla ang mga ito? Siga siga sila sa ibang lalaki na nakakaharap namin pero bakit sa Silent Sound ay para silang babaeng babae na mahinhin?

"You're welcome," tumingin sa akin si Ashton at humalakhak.

Nilingon ko siya. Naka-de kwatro siya at nakasandal ang elbow sa binti habang pinaglalaruan ang kanyang labi gamit ang kamay, malalim at nanloloko ang tingin niya sa akin.

Hindi ko alam pero hindi maiwasan na isiping manyak siya. Sa paraan kasi ng pag titig niya, parang hindi ko siya gusto. Noon pa man ay hindi ko na siya gusto. Si Jaden talaga ang gusto ko pero dahil gusto siya ni Sabrinna ay hindi ko na sinabi iyon sa kanila.

"Paano ba kami makakabayad sa pagtulong niyo?" kunot noong sabi ni Ara.

Ngumisi si Lance na nasa tabi niya. "Isa lang gusto kong bayad,"

"Ako rin, isa lang..." sabat ni Ashton.

Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang gusto nila. Tinaas ko nalang ang paa ko sa center table at nilabas ang sigarilyo. Nilagay ko iyon sa bibig ko at sinindihan.

Wala na akong balak pagandahin pa ang imahe ko sa kanila. Hindi ko talaga gusto ang ugali nitong si Ashton kaya gustong gusto ko ng makawala sa hawak nila.

"Whoah? Alam mo bang gustong gusto ko sa lahat ng babae ay iyong naninigarilyo?" kumindat pa si Ashton sa akin.

Nag-iinit talaga ang ulo ko pero hindi ko pinapahalata sa kanila. Nanatiling kalmado ako at magugulat nalang ang isang ito kapag bumulagta na siya sa sahig kapag napuno ako.

"Gamutin niyo nalang kami," sabi ni Janus.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila. Basta bigla nalang lumapit sa akin ang nakangising si Ashton at hinila ako patayo. Nabitawan ko pa ang hawak kong sigarilyo at lalong lumawak ang ngisi ni Ashton dahil doon.

Bumyahe kaming lahat papunta sa headquarters at diretso sa bawat rooms namin. Inisip ko na ang bawat galaw na ibibigay ko kay Ashton sa oras na may gawin siyang iba sa akin.

"Humarap ka sa akin," sabi ko habang nilalapag ang first aid-kit.

Nakasandal ang dalawang kamay niya sa back rest ng couch habang nakatingin sa isang picture na nakasabit sa dingding.

Nang lingunin niya ako ay nagtaka pa ako dahil suot pa rin niya ang malawak niyang ngisi. Kagat labi siyang lumapit sa akin at bigla kong nasampal ang pisngi niya.

"Ouch!" madrama niyang sabi habang hawak hawak ang pisngi niya. "What was that?" biglang naging husky ang boses niya.

Hindi ko siya sinagot at walang sabi-sabing dinikit ang bulak na hawak ko sa sugat niya. Napaatras siya at napasigaw siya ng malakas dahil doon. Tinago ko ang ngisi ko habang pinapanuod siya.

"Magdahan dahan ka naman! Alam kong gasgas na ang linyang ito pero marami talaga ang iiyak kapag nasira ito," sabi niya.

"At isa ka na roon sa iiyak dahil hindi mo na magagamit ang itsura mo sa pambobola ng mga babae?" nang aasar na sabi ko.

Nagulat ako nang biglang naging seryoso ang mukha niya. Nag iwas siya ng tingin sa akin at parang nakonsensya naman ako sa sinabi ko. Hinawakan ko ang baba niya para iharap sa akin ang mukha niya ngunit pilit niyang iniiwas iyon.

"Huwag mo ng gamutin ang sugat ko. Malayo naman ito sa bituka."

Sabrinna's POV

Kanya kanyang salita ang lumalabas sa bawat taong narito sa VIP room ngunit tanging pag hinga lang ni Jaden ang naririnig ko mula sa kanya. Hawak pa rin niya ang dalawang drumstick na may kunting bahid ng dugo mula sa pakikipaglaban kanina.

"Gusto mo bang gamutin ko ang sugat mo?" alok ko sa kanya.

"Whoah? Alam mo bang gustong gusto ko sa lahat ng babae ay iyong naninigarilyo?" rinig kong sabi ni Ashton kaya nilingon ko kung sino ang sinasabihan niya noon.

Kumunot ang noo ko nang makita si Van na nakataas ang paa sa center table habang may sigarilyo ang bibig. Sa tagal ng pagsasama namin ay alam na alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan pero anong dahilan?

Bakit siya naiinis sa mga taong nasa paligid niya?

"No, it's okay..." malamig na sagot ni Jaden.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Namamasa ng kaunti ang noo niya at namumula ang labi dahil sa ilang dugong lumabas doon kanina. Hindi magulo at hindi rin maayos ang buhok niya. Parang sadyang hindi talaga inayos. Maganda ang pagkakadepina ng panga niya at ang gustong gusto ko sa kanya ay iyong adams apple niya.

"Hindi, okay lang din," kinurot ko ang likod ng kamay ko. "Kasalanan ko kung bakit mo nakuha iyang mga sugat na iyan kaya dapat lang na gamutin kita."

Sana pumayag siya! Mas makikita ko kasi ng malapitan ang mukha niya at mahahawakan ko pa!

Ngayong nakakatabi ko pa nga lang siya ay hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, paano pa kaya kapag ginagamot ko na siya? Baka bigla kong sunggaban ang labi niyang mamula mula at mamasa masa.

"Okay," ang lamig ng boses niya ay nanatiling ganoon.

Kinagat ko ang labi ko sa naging sagot niya para mapigilan ko ang pag tili. kinurot ko rin ang binti ko para pigilan ang pagtayo at pagtatalon ko sa tuwa.

Bakit sa simpleng ganito ni Jaden ay sobra sobrang laki na ng epekto sa akin?

Napagdesisyunan namin na kung sino ang kasama ng meyembro ng Silent Sound sa pakikipaglaban kanina ay siya rin ang gagamot sa kanila. Kitang kita ko ang pag irap ni Vanessa, pagtago ng ngisi ni Ara, pagka walang pakielam ni Alyssa at Janesse.

Dinala namin sila sa rooms namin sa headquarters. Nang iwan ko si Jaden sa sala para kunin ang first aid-kit ay hindi nakaligtas sa mata ko ang paglilbot niya ng tingin sa kabuoan ng sala.

This is it! Ang matagal ko ng pinapangarap na mahawakan ay mahahawakan ko na. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa misyon namin na ito o ano, eh. Pero sige, magpapasalamat nalang ako dahil advantage rin naman sa akin ito.

Pagkaupo ko sa couch ay agad siyang humarap sa akin. Kumabog ang dibdib ko dahil doon. Kinabahan ako bigla dahil baka biglang lumabas ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

"A-ah," lumunok ako at nilagyan ng alcohol ang bulak tsaka dahan dahan na pinahid sa sugat niya.

Kita ko ang pag ngiwi niya sa bawat dampi ko kaya mahina kong hinihipan para maibsan ang hapdi niyon. Kagat niya ang labi niya habang iniinda ang sakit.

"Pasensya ka na, hindi niyo naman kasi dapat kami tinulungan, eh..." sabi ko.

Hindi naman sila sangkot sa trabaho namin. Hindi ko rin alam na magaling sila sa pakikipaglaban. Halos napatay namin ang lahat ng naroon, eh. Kung hindi lang tumakas ang iba ay baka naubos namin sila.

"Ginawa ko lang kung ano ang dapat gawin ng isang lalaki sa mga babae,"

Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Napatitig ako sa mukha niya.

Bakit sa likod ng maamo niyang mukha ay nagtatago ang isang panganib na hindi ko alam kung para kanino.

___________

Seulmin and Vrene!

Nalilito pa rin ako sa characters kaya alam kong nalilito rin kayo haha. Nasa cast sila, ha? Pakitignan nalang kapag nalito kayo sa names, masasanay rin tayo haha.

One Silent SoundWhere stories live. Discover now