Kabanata 1

1.6K 60 41
                                    

Kabanata 1

Silent Sound

Sabrinna's POV

"Hacked!" Narinig kong halakhak ni Janesse mula sa earpiece na suot namin.

Nakikipagsiksikan pa rin ako sa mga taong naguunahang lumabas ng lugar. Tumingin ako sa taas at agad akong ngumisi nang makitang naroon na si Alyssa, nakikipag suntukan sa ilang kalalakihan.

"What the heck?" rinig kong mura ni Janus kaya sila ang nilapitan ko.

Umakyat ako sa stage. Naabutan ko silang nakatunganga roon at tamad na pinapanuod ang lahat ng nangyayari. Nilapitan ko si Jaden at tinapik ang braso niya.

"Umalis na kayo rito habang maagaㅡ"

"Bakit kami aalis?" kunot noong tanong ni Leo. Hawak pa rin niya ang kanyang mic.

Kung hindi ko lang idol ang mga ito ay baka hinayaan ko nalang sila na mastuck dito. Pero hindi pwede! Sayang ang lahi na maambag ni Jaden sa akin.

Sayang si Jaden!

Binaba ni Ashton ang kanyang gitara at pinatunog ang leeg at kamay niya. May isang baril nanaman ang pumutok kaya lalong nagtilian ang mga tao. Tumingin ako sa taas at nakita si Ara na naglalakad sa railings habang pinaglalaruan sa kanyang kamay baril.

Nagulat ako nang biglang tumakbo roon si Lance habang nakangisi. Isa isa na ring kumilos ang mga Silent Sound at naiwan akong nakanganga sa gitna ng stage. Ako at si Jaden na nakaupo pa rin sa pwesto niya ang natitira roon.

Tumayo siya habang hawak ang dalawang drumstick at lumapit sa akin.

"Akala ko ba misyon niyo ito? Bakit nakatunganga ka pa rin dito?" tanong niya sa akin.

Wala kahit isang emosyon akong nakita mula sa mga mata niya. Nanatiling diretso ang mukha at hindi nagpapakita ng ekspresyon. Kumikinang ang diamond earring niya na natatamaan ng bawat ilaw.

"VIP room..." sabi niya tsaka tumalikod sa akin.

Para siyang naglalakad sa buwan at parang walang nangyayaring gulo ngayon. Umiling nalang ako at sumunod na sa kanya.

Vanessa's POV

"Mukhang may dayaan ang nangyayari rito, ah?" napalingon ako sa likuran ko habang nilalabanan ang tatlong lalaki sa harapan ko.

Nakalagay sa magkabilang bulsa niya ang kamay. Kahit malayo pa siya ay naabot na agad ng ilong ko ang panlalaki niyang amoy na nakadagdag ng dating niya.

"2 vs. 3, palag?" ngising tanong niya.

"Huwag kang makisali rito, bata!"

Lumapit sa amin si Ashton. Nilapitan siya noong isa kong kalaban at akmang susuntukin ang mukha niya pero naiwasan niya iyon nang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakabulsa ng dalawang kamay sa bulsa. Tinadyakan niya iyon.

"May go signal na ba ako para sugurin mo ako ng ganoon?" tumawa pa siya.

Halos sabay naming pinukpok ng bote ang lalaking sumugod sa amin. Nagulat ako nang hinawakan niya bigla ang baiwang ko at inangat kaya buong lakas kong tinadyakan ang lalaking natitirang nakatayo.

"I just saved your life," kagat labing sabi ni Ashton habang nasa likod ko pa rin.

Nanginig ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung hindi pa sumigaw si Janesse mula sa suot kong earpiece ay baka hindi ako makakabalik sa katinuan ko.

"Van, sa likod mo!"

Kasabay ng pagkakasigaw ni Janesse ang pag suntok ni Ashton sa likod ko pero ang mata niya ay nanatili sa akin at nakaangat ang isang sulok ng labi niya.

Nilingon ko iyon at nakita ang lalaking duguan ang ilong na may hawak na pistol. Tinutok niya iyon sa amin ngunit bago pa niya mapindot ang trigger ay agad siyang bumulagta. Tinignan ko kung sino ang gumawa noon at nagulat ako sa nakita ko.

Si Harris!?

Bakit tinutulungan kami ng Silent Sound? Ang alam ko ay misyon lang namin nila Sab ito, kaya pala kasama ko ngayon si Ashton.

Ara's POV

Damn it! Ang sarap talaga maglakad sa railings. Subok na subok ko ang balance ng katawan ko tuwing naglalakad ako rito. Binabaril ko ang bawat nakikita kong mga kalaban. Hindi nila ako nakikita, mga bulag.

Biglang may humawak sa baiwang ko at muntik na akong mahulog sa baba. Sisikuin ko sana siya pero bigla siyang nagsalita. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

"It's me," malalim ang boses na sabi niya.

Totoo ba ito o nananaginip nanaman ako? Sa dalas ng pananaginip ko sa mga ganitong pangyayari ay hindi ko alam kung alin doon ang totoo at panaginip lamang.

"Lance?" gulat na tanong ko.

Si Lance Hamilton ba talaga ang may hawak sa akin? Ang bias ko!?

Nagkibit balikat siya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang iilang Silent Sound na tinutulungan ang mga meyembro namin sa pakikipaglaban. Naguluhan ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Janesse's POV

"Oh, ganyan nga Sab, suntukin mo pa!" sumuntok ako sa kawalan habang nanunuod sa CCTV.

Magaling sa pakikipaglaban gamit ang kamay ni Sab kaya nasisiyahan ako habang nanunuod. Wala kasing thrill iyong iba na gamit nila mga pistol at balisong. Itong kina Sab ay parang nanunuod ako ng boxing.

Isama mo pa si Jaden na ginagamit ang drumstick sa pakikipaglaban. Natatawa ako dahil wala talaga siyang ekspresyon sa lahat. Para siyang napilitan lang tulungan si Sabrinna, eh.

"Sa panga na agad, Sab!" sigaw ko pa.

Nakita ko namang natawa ng bahagya si Sab. Sumandal ako sa swivel chair at nakataas ang kamay habang nanunuod sa CCTV. Ito ang gusto ko sa trabaho ko, eh. Walang sakit ng katawan.

"Janus, sa likod mo, p're!"

Napabalikwas ako ng upo nang may magsalita sa gilid ko. Tumabi siya sa akin at nakinuod na rin habang pinagsasabihan ang mga meyembro niya. Napaayos ako ng upo.

Si Harris Johnson ng Silent Sound!?

Panandalian niya akong tinignan pero binalik muli sa monitor ang tingin. Umigting ang panga ko at nailang ak bigla sa pagsasalita dahil may tao sa gilid ko. Mas sanay ako sa gawain kong ito nang mag isa.

"Alyssa, sa likod mo," ngumiwi ako dahil naging mahinhin ang boses ko kaya kumunot ang noo no Alyssa.

"Ano nangyari sa pananalita mo, Janesse! Hindi kita maintindihan!" sigaw ni Alyssa kaya napatalon ako.

Umayos ako ng pagkakaupo at umubo para mawala ang mga nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko nalang pinansin ang lalaking nasa tabi ko.

"Sa likod mo!" matigas na sabi ko.

Alyssa's POV

"Tulungan mo ako!" nilingon ko si Janus na nakasandal sa railings.

Nakita ko kasi na tinulungan kami ng Silent Sound. Pero bakit ang isang ito ay pinapanuod lang ako? Kanina pa siya nariyan at naninigarilyo.

Nasapak ako noong isa kaya malutong akong napamura. Binuhos ko lahat ng galit ko sa kanya. Hinawakan ko ang ulo niya at tinuhod ko ang mukha niya. Inikot ko naman iyon kaya namilipit siya sa sakit.

Lilingunin ko sana si Janus nang biglang may lalaking sumulpot sa likuran ko, pero bago pa ako makagawa ng aksyon ay agad na siyang bumulagta sa sahig. Nakita ko naman si Janus na nakangisi habang hawak ang puro dugong balisong na galing doon sa lalaking sumulpot sa likuran ko.

"You're welcome," bago pa ako makapagsalita ay iyan na agad ang sinabi niya.

______________

okay, wait. ang korni huhu. sory na agad! tumatanggap po ako ng lait :)))

One Silent SoundWhere stories live. Discover now