Kabanata 4

754 44 22
                                    

Kabanata 4

No One

Alyssa's POV

Bakit ba ako naiwan sa Janus na ito? Sana ay ako nalang ang pinuntahan noong bias ko na si Harris, para hindi ko kailangan magtiis sa isang ito.

Katulad ngayon, kaunti nalang ay mabibingi na ako sa katahimikan. Putok ang labi niya pero bahala siya riyan! Hinding hindi ko gagamutin ang sugat niya.

I crossed my arms on my chest habang nakapikit. Ganoon din ang ayos niya habang nasa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa couch at simula kanina ay hindi ko na naibuka ang bibig ko at ganoon din siya.

"I'm bored..." biglang bumulong si Janus.

Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o hindi, kaya hindi ako gumalaw sa ayos ko na para bang hindi ko narinig ang sinabi niya.

Being a fan of Silent Sound, alam na namin ang mga ugali ng bawat isa sa kanila. At ugali lang ni Janus at ni Jaden ang hindi ko gusto. Tahimik akong tao kaya kapag isasama mo pa ako sa mga taong mas tahimik pa sa akin ay walang mangyayari.

Gustong gusto ko ang ugali ni Harris dahil masyado siyang madaldal. Pakiramdam ko ay masarap siyang kausap. Kaso may alam daw siya sa panghahack, kaya siya ang kasama ni Jan noong kasagsagan ng labanan.

Natigil ang kung anong iniisip ko nang biglang humalakhak si Janus sa tabi ko. Kunot noo kong binuksan ang mata ko at nagulat ako nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi naman siya nag-iwas ng tingin at tumatawa pa rin habang nakatingin sa akin.

"Weirdo," sabi ko at inirapan siya.

Hindi ko maintindihan ang mood swings ng isang ito. Nababaliw na siya. Bakit nga ba ako nagtitiis na makasama siya sa isang kwarto? Pwede naman akong umalis dito at iwan siya.

Akmang tatayo na sana ako nang biglang hindi ko maihakbang ang paa ko sa sobrang katamaran. Gusto ko nalang mahiga buong gabi. Alas dose na ng hating gabi at narito pa rin sila sa dorm namin.

"Bakit mo ginagawa iyan?" tanong ko sa kanya.

Natigil siya sa pagtawa ngunit ang ngisi sa labi ay nanatili roon. "What? Laughing?"

"No. I mean put up the act," sabi ko.

Funny. Nagkaroon kami ng kaunting topic kahit na alam kong parehas kaming hindi madaldal. Tumagilid siya at sinandal ang katawan sa back rest ng couch habang nakatingin sa akin.

"Una, bully ka sa mga members mo. Pangalawa, nararamdaman kong hindi ka naman ganoon katahimik, hindi katulad ni Lance. Pangatlo, minsan ang cold mo. Hindi ko na maintindihan ang ugali mo."

Sa mga videos nila na mapapanuod sa youtube at kapag nanunuod kami ng gig nila ay nahuhuli ko siyang binubully niya ang mga SS, lalo na si Ashton. Tapos maya-maya lang din ay ang seryoso na ng mukha niya.

"Saan mo nalaman iyan?"

Hello? Hindi pa ba obvious kung bakit nasa gig nila kami? Dahil fan kami ng Silent Sound! Akala siguro niya ay nandoon lang talaga kami dahil sa mission. Well, tama nga naman iyon. Pero isa rin sa dahilan kung bakit kami nandoon ay dahil sa kanila.

"Nevermind..." hinawakan niya ang ilong niya, "Ano pa ba ang gusto mong malaman?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na tinatanong niya iyan sa akin ngayon. Ano pa ba ang gusto mong malaman, Alys? Sa sobrang gulat ko ay nakatitig lamang ako sa mukha niya.

Mas maputi pa yata siya sa akin. At isa iyon sa ayaw ko sa lalaki. Mas gusto ko ang mga moreno na katulad ni Harris, mas gusto ko rin ang ugali ni Harris at mas gusto ko si Harris. Gulo gulo ang buhok niya at mas nakadagdag sa dating niya ang putok niyang labi. Namamasa at namumula kasi iyon habang dinidilaan niya.

"Lovelife ba gusto mong malaman?" seryoso na ulit ang mukha niya.

Hindi ko magawang tumango at hindi ko rin magawang tumanggi. Gusto kong malaman ang lovelife nilang lahat, hindi ang kanya lang. Ganoon naman siguro kapag gusto mo ang isang grupo, hindi ba? Aalamin mo lahat ng tungkol sa kanila.

"Well, I'm not going to love anyone, anymore..." sa lamig ng tono ng boses niya na halos manlamig pa ako.

Kung kanina ay hindi ko magawang magsalita, mas lalo na ngayon. Nakatitig lamang ako sa mata niya at kitang kita ko kung gaano katigas ang mga iyon. Malalim at maitim ang aura na pumapalibot doon na kung papasok ako ay mapapaso ako.

"No one has a chance. No matter how pretty or how nice they are," nagkibit balikat siya. "I'm not going to like them that way."

"No one would like a cold natured person like you..." hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyan.

"That's why I keep up the image." isang ngisi ang sumilay sa labi niya.

Naiinis ako na ewan sa kanya. Siya iyong tipo ng tao na ayaw munang subukan ang isang bagay bago ayawan. Bakit, nasaktan na ba siya? Naranasan na ba niyang magmahal? Kapag hindi pa ay talagang sasapakin ko ang mukha niya kahit na labanan pa niya ako. Ang love kaya ang pinaka-masarap na feeling na mararanasan mo sa buong buhay mo.

Ugh! Oo na, I'm hopeless romantic. Sino bang tao ang hindi? Kahit na anong dahilan ng isang tao kapag sinabi niyang hindi siya hopeless romantic ay sisigaw at sisigaw pa rin sa buong pagkatao niya na kailangan niya rin ng pagmamahal.

Ano bang kalimitan ang dahilan kung bakit nagiging bato ang isang tao? Kung bakit tinatanggi nila na hopeless romantic sila?

Una, hindi pa nila iyon nararanasan. Pangalawa, may nangyari sa past niya kaya dinideny niya iyon at pangatlo, gusto niya lang maging cool. Akala siguro niya ay cool na ang isang tao kapag sinabi na hindi naniniwala sa pag-ibig.

"Is there anything else?" tanong niya.

Marami akong gustong itanong sa kanya kanina ngunit nawalan na ako ng gana. Gusto ko pa naman sana itanong si Harris, pero huwag nalang. Baka may bayad pala ang isang tanong sa kanya, mabaon pa ako sa utang.

"Love is a wonderful thing..." hindi pa rin ako nagpaawat at nais ipaintindi sa kanya ang lahat.

Natahimik siya. Akala ko ay mananalo na ako dahil sa sinabi ko ngunit mukhang marami siyang natitirang bala para sa ganitong usapan.

"Getting attached doesn't do good to anyone."

One Silent SoundWhere stories live. Discover now