Kabanata 6

759 37 7
                                    

Kabanata 6

Careful

Sabrinna's POV

"Blend in," sabi ko habang tinatago ang baril sa aking baiwang. "But keep your arms ready..."

Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon para sa isang misyon. Isang chinese na drug dealer at sakit sa ulo ng buong institute dahil hindi mahuli-huli.

Kung titignan mo ay isa ngang normal na party ito pero hindi. Ito ang tamang place kung saan binibigay ang mga kailangan nila sa isa't isa. Ngumisi ako habang nakikisalo sa mga taong nasa dance floor.

Kumuha ako ng cocktail sa waiter na naglilibot at saka nilagok. Umupo ako sa counter table habang matalim na pinapanuod ang isang suspect na palingon lingon din sa paligid. Magkasalubong ang kilay ko at hindi ko na magawang kumurap dahil baka mawala siya sa paningin ko.

Pinaikot ikot ko ang upuan ko habang seryoso pa ring nakatingin sa kanila. Nagkamayan sila noong kaharap niyang lalaki at parang nag zoom ang paningin ko at nakita ko ang perang inabot niya roon sa lalaki.

"I saw them," narinig kong sabi ni Jan na sa tingin ko ay nakahanap na ng maganda ng spot para magmanman.

Tumayo ako at ngumisi nang makita kong paalis na sila. Narinig ko naman mula sa earpiece na papunta sila sa VIP room kaya inunahan ko na sila roon. Ginamit ko ang fire exit para pumunta roon.

"Shit, narito nanaman ang Silent Sound!" Bulalas ni Jan.

"Misyon muna bago boys..." sabi naman ni Van.

Mabilis akong umakyat gamit ang hagdanan. Malayang tumutulo ang pawis mula sa aking noo, pababa sa aking leeg. Kinuha ko ang baril ko sa aking baiwang at nilagyan iyon ng silencer. Chineck ko rin kung dala ko pa rin ba ang balisong ko.

"What floor, Jan?" Tanong ko.

"3rd floor..."

Ngumisi ako at tumango dahil alam kong nakikita rin niya ako ngayon. Ilang palapag nalang ang kailangan kong tahakin para makarating sa 3rd floor and I bet, wala pa rin sila roon.

Sinipa ko ang bakal na pintuan at saka pumasok sa loob. Tama ang hinala ko, wala pa ring bakas ng tao ang nanggaling at paparating dito. Sumandal ako sa pader habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Jan sa earpiece, bilang gabay sa bawat isa.

"Goodness, Sab! Papunta rin d'yan si Jaden..." sabi ni Jan.

Agad akong nataranta dahil doon. I don't want to get my emotion cloud judgement! Alam ba ni Jaden kung ano ang ginagawa niya ngayon? Alam ba niya kung ano ang pwedeng mangyari kapag nagkita kami rito?

"Dammit! Wala ka bang ibang alam na paraan para hindi makarating dito si Jaden?" Sabi ko.

Kilala ako bilang kalmado pag dating sa mga ganitong bagay pero hindi ko alam kung paano ako kakalma ngayon. Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Jaden ay ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako lagi ng hininga at naiilang ako gumalaw.

"Relax, Sab! Remember, maraming umaasa sa iyo. Huwag mo kaming biguin..." sabi ni Ara.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Inalala ko kung ano ang kailangan kong gawin sa mga hindi kailangan. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ko at bumalik ang confidence ko.

"Welcome back, Sab!" Narinig ko ang ngisi sa boses ni Jan. "Nandyan na sila. Be ready..."

Nanatili akong nakasandal sa pader hanggang sa tuluyan na nga silang dumating. Nagulat pa ako nang makitang nasa likod nila si Jaden na tahimik na naglalakad habang hawak ang kanyang drums stick. Pinilig ko ang ulo ko at hindi na siya muling tinignan.

"Hi, bitches!" Ngisi ko sa kanila.

Hinila ko sa aking legs ang balisong at hinagis doon sa isang lalaki. Tumama iyon sa leeg niya kaya namilipit siya sa sakit. Naglabas ng baril ang kasama niyang lalaki kaya nilabas ko rin ang baril ko at tinutok iyon sa kanya.

Kitang kita ko na nanginginig ang kamay niya habang hawak ang baril kaya mabilis akong lumapit sa kanila. Hinugot ko mula sa leeg noong lalaki ang balisong ko and I quickly smashed the next guy across the neck before he could have a chance to me.

Pinatunog ko ang aking leeg kasabay ng pagbagsak noong lalaki sa lapag, katabi noong isa kong natamaan sa leeg. Sinugurado kong hindi sila malalagutan ng hininga kaya hindi ko masyadong binaon ang balisong sa leeg nila.

Oh how I really love necks.

Ngumisi ako at nilapag ang balisong sa leeg para makuha ko ang posas sa bulsa ng suot kong jacket at pinosasan ang kamay nila. Sinampal ko pa sila ng isang beses bago tumayo.

"Watch out!" Narinig kong sigaw ni Jaden.

Bago ko pa malaman ang nangyayari ay mabilis ng nakuha ni Jaden ang balisong ko sa gilid at hinagis sa likod ko. Yumuko ako at kumunot ang aking noo. Sinulyapan ko si Jaden pagkatapos.

Hinihingal siya habang seryosong nakatingin sa akin. Nilingon ko naman ang likod ko at nakita ang lalaking nakahandusay roon habang nakabaon sa kanyang tyan ang balisong ko. Tinignan ko ulit si Jaden na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Thanks," naguguluhan kong sabi.

Natulala ako sa mukha niya at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lumunok ako ng isang beses bago tumayo at pinosasan na rin ang lalaking nasa likod ko. Hinila ko ang balisong sa kanyang tyan.

Walang imik na tinulungan ako ni Jaden para ipasok sa loob ng VIP room ang tatlong lalaki. Pinahiga namin sila sa kama at pagkatapos ay wala akong ibang naramdaman kundi awkwardness.

"So, this is your work. This is who you are?" Matabang niyang sabi habang nililibot ng tingin ang buong kwarto.

Siguro ay nagkaroon na sila ng idea noong nangyari sa gig nila kung ano ang trabaho namin at ngayon lang niya nakumpirma na tama nga sila. Kaya ba umakyat din siya rito sa taas para malaman?

"Anong ginagawa mo rito? Bakit wala ka sa baba?" Nagpapasalamat akong hindi ako nabulunan ng sarili kong laway nang sabihin ko iyon.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagkibit balikat na lamang siya. Hindi pa siya nakuntento sa pagsulyap sulyap sa buong kwarto at inusisa pa niya ang mga gamit dito. Hinawakan niya ang nga display at tinitigang mabuti.

"Be careful..." sabi niya habang patuloy pa rin sa ginagawa.

___________

Promote ko ulit ang Shadow Realm na story ko! Bangtanvelvet din 'yon and kindly give it a try. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Silent SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon