Kabanata 5

687 42 17
                                    

Kabanata 5

You're Welcome

Vanessa's POV

Pabalik-balik ang tingin ko sa kalsada at sa aking relo habang tinatadyak ang paa ko. Halos mabaliw na ako nang makitang ilang minuto nalang ang matitira at late na ako.

Tinadyakan ko kasi si Ara kanina noong ginigising niya ako kaya hindi na sila nagbalak ulit na gisingin ako. Iniwan nila ako sa dorm at nagising nalang nang maalimpungatang wala ng tao at ako nalang ang naiiwan na nakanganga.

Nagdiwang ako at kaunti nalang ay magtalon sa tuwa nang makita ko ang isang jeep na papalapit. Inayos ko ang suot kong sling bag.

Tamang tama! Isang upuan nalang ang natitira. Para sa akin iyon.

Sinalubong ko ang jeep kahit na medyo malayo-layo pa ito. Nagpara ako at huminto iyon sa harap ko ngunit bago pa ako makasakay ay may isang lalaki ang bahagya akong tinulak at inunahan ako sa pagsakay.

"Sorry, Miss," hindi niya ako nililingon. "Late na kasi ako..."

Kahit hindi niya ako lingunin at kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Alam ko kung sino ang pesteng umagaw ng pwesto ko sa jeep!

Ashton Howell!

Sa inis ko ay sumakay pa rin ako kahit na nakasabit nalang ako sa gilid ng jeep. Kung maghihintay pa kasi ako ng isa pa ay baka abutin na ako ng lunch time.

Kahit naman secret agent kami sa school ay gusto ko pa rin maging isang normal na estudyante. Iyong laging on-time sa klase, active sa klase, at may ibubuga pa rin. Tinanggihan nga namin iyong special treatment na sinasabi ng school, eh.

"Kuya bayad!" sigaw niya at inabot ang bente pesos, "Sa Blao University lang..."

Sumipol siya at kumanta kanta pa, na sa tingin ko ay tugtog galing sa suot niyang earphones. Tumingin siya sa akin. Nanlaki ang mata niya at nabulunan pa ng sariling laway habang marahas na tinatanggal ang earphone na nasa tainga.

Inirapan ko siya at mas kumapit pa sa bakal ng jeep. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa palda ko dahil nahahangin iyon. Inis na inis talaga ako sa Ashton na iyan. Nagsisisi ako na siya ang bias ko sa Silent Sound!

"Uy ikaw pala iyan, Vani!" kumaway pa sa akin si kupal.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis pero imbes na kumaway pabalik ay tinaas ko ang kamay ko at iniwang nakatayo ang middle finger. Natawa siya sa ginawa ko at sinenyasan pa na lumapit sa kanya.

"Halika rito, upo ka sa hita ko."

Naginit bigla ang ulo ko sa sinabi niya. Iniwas ko nalang ang tingin ko para hindi masira lalo ang araw ko. Sa dami ng tao sa loob ng jeep ay malamang pinagtitinginan na kami.

Sino ba namang tanga ang babaeng uupo sa hita niya? Siguro kung hindi nagiba ang tingin ko sa kanya ay kahit hindi niya sabihin sa akin, uupo talaga ako sa hita niya. Pero iyong nangyari noon sa gig nila? Hinding hindi ko na talaga siya magugustuhan!

Nagulat ako nang may maramdaman akong malamig at magaspang na kamay sa braso ko kaya nilingon ko iyon. Halos makalmot ko ang mukha niya nang makita kong nakangisi iyon at tinuturo pa ang hita niya!

Paano siya nakarating dito? Nasa gitna siya kanina, ah? Bakit hindi ko napansing nakipagpalit siya ng pwesto sa babaeng nasa gilid ko kanina? Ugh!

I hate Ashton so much!

"Hindi ka ba talaga titigil, ha?" inis na sambit ko.

"Pinapaupo na nga, dami pang satsat..." ngumisi siya sa harap ko.

Kitang kita ko ang maputi at pantay pantay niyang ngipin. Naniningkit ang mata niya at mamula mula ang labi. Maganda ang pagkakadepina ng panga niya ngunit kung panga lang din ang paguusapan ay mas maganda ang panga ni Jaden.

"Vani, upo na..." hinila niya pa ako.

"Who the fuck is Vani?" kunot noong tanong ko at winaksi ang kamay ko.

"Ikaw, 'di ba?" tinignan niya ako na parang ako na ang pinakatanga sa buong mundo. "Vanessa Harris..."

Natawa ako sa pagsambit niya ng buong pangalan ko hindi dahil natutuwa ako. Natawa ako dahil hindi ko alam kung saan at paano niya nalaman ang buo kong pangalan dahil sa pagkakaalam ko ay noong may nangyari lang sa gig nila, doon nila kami nakilala.

"Babasagin ko ang mukha mo kapag hindi ka pa tumigil d'yan!"

"Edi basagin mo, umupo ka lang sa hita ko..."

Sa inis ko ay siniko ko ang mukha niya. Nagsigawan ang mga taong nasa jeep sa gulat. Nabitawan ako ni Ash at napahawak siya sa ilong niyang dumudugo. Nakakunot ang noo niya at mukhang nasaktan yata talaga siya sa pagsiko ko.

Wala naman akong pakielam sa kanya kahit na medyo naguilty ako sa ginawa ko. Bumaba ang isang lalaki sa tapat ni Ashton at doon ako umupo. Tinitignan lang niya ako na parang inis na inis talaga siya. Kumuha ako ng barya sa bag ko at inabot iyon sa driver.

"Blao Univ po!"

Buong byahe ay hindi ako makatingin kay Ash habang siya ay hindi yata naaalis ang tingin sa akin. Halos magpasalamat pa ako nang makarating na kami sa harap ng BU.

Tanggap ko na na late ako kaya mabagal akong naglalakad sa hallway. Sanay na rin akong pinagtitinginan ng mga estudyante. Hapit sa katawan ko ang uniform at niyayakap niyon ang hubog ng katawan ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang umagaw ng sling bag ko. Bakit ko nga ba nakalimutan na nakasunod pala sa akin itong si Ashton Howell? Baka gusto naman niyang dumugo naman ang mata niya ngayon o ang pisngi?

"Ano ba, Ash!" inis na sabi ko.

"Ihahatid lang kita," kahit na may bahid pa ng dugo ang ilong niya ay nakakangisi pa si kupal.

Napapikit ako at wala ng magawa. Agad kong inagaw nag sling bag ko sa kanya nang nasa tapat na ng classroom. Naroon na si Miss Sandrino na nagtuturo sa klase.

"You're welcome, Vani!" ngisi niya bago dumiretso na rin sa kanyang classroom.

One Silent SoundWhere stories live. Discover now