Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 01: Always is Easy

76K 2.1K 1.1K
                                    


Nag-blink ang cell phone na hawak ko sa isang Wattpad notification.

Pusang Mamon updated Clueless - Chapter 3: Love is exclusive

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang kakawalang tili. Hininaan ko rin ang puwersa ng padyak ko sa sahig at ang hampas ko kay Warren na natutulog sa tabi ko. Nakaunan siya sa braso niya, nakaharap ang mukha sa 'kin.

"Sorry," bulong ko sa kanya. "Kinilig lang ako. May update sa Wattpad, eh."

Kababata ko si Warren. No'ng eight years old ako, lumipat ang pamilya namin sa isang upahang bahay sa compound kung nasaan din ang bahay ng mga Tejeron (pamilya nina Warren) at ng mga Hernandez (pamilya ng kaibigan kong si Iya). Magha-high school na nang magkaroon kami ng permanenteng bahay sa ibang block na walking distance sa compound. Hindi nawala ang closeness ng pamilya namin sa mga pamilya nila. Nang mag-college na kami, nahiwalay ng course at school sa 'kin sina Iya at ang kapatid kong si Yanyan. Si Warren ang nakasama ko sa school na kumukuha ng parehong kurso sa 'kin: AB Broadcast Communication.

Matipid lang na ngumiti si Warren habang nakapikit. Alam ko namang hindi siya magigising. Kahit yata umulan ng isanlibong updates sa mga stories na hinihintay kong basahin tapos hampasin ko siya ng isanlibong hampas din, made-deflect lang ng biceps niya ang energy ko. Tapos, parang hele na makatutulog pa siyang lalo.

I don't know why but he really loves sleeping during our group meetings.

Speaking of meeting...

"Ano'ng nangyayari, Amy?" tanong ni Libby na sa 'kin nakatingin. Nakatayo siya sa may white board.

Nasa Performance Studio ang buong block namin. Exclusive room 'yon for Broad Comm students kung saan nagle-lecture for major subjects at nagpe-perform o record ng audio o video productions.

Nililingon kami ng mga kaklase namin sa pagkakaupo namin sa bandang likuran. Itinaob ko sa desk ko ang cell phone ko para hindi ako kiligin sa notif no'ng update. Hindi ko pa rin naman mababasa dahil sa meeting.

"Wala. May ano lang... sa phone," sagot ko at ngumiti. "Sorry, distracting."

Nawala na agad ang atensyon ni Lib sa 'kin. Siya ang direktor at group leader para sa final project namin sa Broadcasting 132: Live Broadcast. Ang gusto ni Prof, mag-live broadcast kami ng isang news program sa school channel at school radio namin. Ang bagal naming mag-decide sa mga roles ng bawat isa dahil 21 kami at dapat, lahat may parts.

"Hindi pa natin nase-settle kung sino'ng News Manager, writers, tatlong anchors, at dalawang floor director," sabi ni Libby sa group.

Lahat kaming nakaupo, nagtitinginan. May mga roles na kasi 'yong iba. 'Yong iba pa na wala gaya ko, either mag-step up para kunin 'yong mga roles na natitira o tumulong na lang sa props at set-up para sa live.

Kung mas malakas ang loob ko, magbo-volunteer ako parang maging isa sa mga anchors. Pangarap ko 'yon, eh. Kaso...

"Ako na lang ba mag-decide?" sabi ni Libby. "Oo na lang kayo 'pag okay kayo, ha?"

Sumang-ayon ang majority. Magaling mag-assign si Libby ng roles kaya madalas siyang group leader. Mabilis din siyang mag-isip ng remedyo 'pag may problema.

Nang magturo na siya ng roles, nakatingin ako sa kanya. Sinusubukan kong hulihin ang mga mata niya lalo na no'ng sa mga anchors na. Baka kasi maramdaman niyang gusto ko 'yon at ibigay sa 'kin. Halos nasabi ko naman na sa buong klase—sa ibang mga pagkakataon—na pangarap ko 'yon. Kaso ang ending, writer ako at news manager. Sina Roxie, Sam, at Gwen ang mga anchors. Si Warren, naging Floor Director kahit natutulog.

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon