IKALIMANG GABI

31K 698 73
                                    

Note:  The first part of this episode is written by DyslexicParanoia

Animo'y binugbog ang buong katawan ko nang magising ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas onse pa lang ng gabi; bandang alas nuebe ako nawalan ng malay.

"Patawarin mo ako..."  Mahinang tinig ni Don Carlos na tila nagmula sa ibaba ng bandang paanan ng canopy bed. "Maiintindihan ko kung hindi ka na babalik dito kahit kailan."  Hindi ko ito maaninag kaya bumangon ako.

Walang saplot.  Gumapang ako sa bandang paanan ng kama. Hayun nga ito, tulad ng aking tantiya. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa kama, nakaunat ang isang binti habang ang isa nama'y nakatungtong sa sahig upang mapagpatungan ng kanyang braso ang kanyang tuhod.

Mula sa kinadadapaan ko, pinagmasdan ko ang mahaba at ispunghado nitong buhok. Umaabot ito hanggang sa kanyang makakapal na balikat. Hinawakan ko 'yun at hinaplos. Naramdman ko ito at nadiskubre kung gaano ito kalambot.

"Ang ganda naman ng buhok mo."  Bulong ko sa kanya, "Parang sa babae."  Humagikhik ako. Hindi ko napigilang hindi haplusin ang kanyang napaka-seksing batok, pababa sa kanyang matipunong balikat.

Nilingon ako nito. Napakalungkot ng kanyang mukha, ngunit muli rin naman itong umiwas nang tingin; tila ba nagbabadya na ito sa pagluha.

"Hindi ba dapat, magalit ka sa 'kin?  Hindi ba dapat, nagmamadali ka na ngayong umalis? Hindi ba dapat, isinusumpa mo na ako at isinusumpa mo na ring hindi na magbabalik pa rito?"

"Kung ikaw 'yung ex ko, siguro."

Sinulyapan ako nito; magkasalubong ang mga kilay. "Ex?"

Gumulong ako at tumihaya na bahagyang nakalawit ang ulo sa kama, upang mas mapagmasdan ko ito.  "Ex. Dating nobyo. Dating kasintahan."

"Bakit? Anong pinagkaiba namin?"

"Ah..." Natatawa ako, "Una, pangit siya, guwapo ka." Napangiti ito nang bahagya, "Pangalawa, pandak siya, matangkad ka." Muli akong dumapa para mapaglaruan ko ang kanyang buhok, " Pangatlo, mas mukha kang tao kaysa sa kanya kahit multo ka."  Humagikhik ako, mas lumaki na ang ngiti n'ya, "At higit sa lahat, may kahati ako sa kanya sa 'yo wala, unless..."

Nangunot siya, "Ano?"

"Unless may ibang dumadalaw sa 'yo rito bukod sa akin na kinakakangkong mo rin."

Natahimik ito.

"Don't tell me meron nga!"

"Ngayon, wala. Ikaw lang.  Pero meron dati. Akala ko siya na dahil dinadalaw rin niya ako gabi-gabi. Kaso, hindi na siya bumalik matapos ang ikapitong gabi."

"Bakit?"

"Hindi na raw n'ya kaya."

"Bakit naman kasi masyadong marami? Isanlibong kangkungan? Grabe nga yata ang galit sa 'yo ng nagsumpa sa 'yo."

Gulat na gulat na nilingon ako nito, "Isanlibong  kangkungan?"

"Di ba 'yun daw ang sumpa sa 'yo? Kailangan daw isanlibong beses magpapakangkong sa 'yo ang babae para matanggal ang sumpa?"

"Saan mo naman nakuha ang kwentong 'yan?" Animo'y ginusamot na basahan ang mukha nito.

"Sa katrabaho ko na taga-rito. Bakit, may mali ba?  K-kulang ba?"

"Tssss." Umiling-iling ito.  "Ang tsismis nga naman, kapag nagpapasa-pasa, naiiba na ang kwentong dumarating sa dulo."

"Bakit? Ano ba ang tama?"

"Isandaang beses lang sa loob ng tatlumpung araw."

Namilog ang mga mata ko. "Ha? Eh bakit sabi sa akin eh--Tsk! Andali lang naman pala eh."

"Madali ang alin?"

"Mabasag ang sumpa mo."

Biglang nalungkot ang mga mata nito, "Sana nga, pero hindi lang naman 'yun ang kundisyones."

"Eh ano pang iba?'

"Kailangan..."

"Mamahalin ka rin nang totoo?"

"O-oo pero hindi lang 'yun. 'Yung huli, ang pinakamahirap sa lahat."

"Ano ba 'yung huli?"

"Kailangang mahanap mo ang katawan ko at makipagkangkungan sa akin sa loob ng katawan ko, bago sumapit ang ikatatlumpung araw."

***

Naku, mukha ngang mahirap ang huli. Saang lupalop ko naman kaya hahanapin ang katawan n'ya?  At sa kinatagal-tagal na no'n, siguradong kalansay na 'yun and wait...kailangan ko raw makipagkangkungan sa kalansay niya?

Waaaaaa. Ayoko!

***

Kinagabihan...

"Pakshet! Pakshet! Paaaaakkksheeeet!"

As usual. Kahit namamaga na ang kerokeropi ko sa araw-araw na pagpapakangkong, nakarating pa rin ako sa langit. Hindi ko alam dati. Pero ngayon  alam ko na rin. Masarap palang  magpakakong nang nakagapos sa kama.

Copyright ⓒ 2017, Lee Vogue & DyslexicParanoia, All rights reserved.

"Fifty two."  Bulong ko.

"Fifty six na."  Nakabungisngis ito. Kinakalagan na nito ang mga kamay ko.

"Binibilang mo rin?"

"Oo."

Pinatuwad ako nito at muling kinutiting.

"Ayayaaaaay!" Napakapit ako sa headboard. Wala siyang inaksayang oras, dinukaldukal niya ako nang walang habas. "Owshet....ahhh." Kahit na ang totoo. "Paged na paged na akets." Bulong ko.

Nagulat ako nang biglang sinabunutan ako ni Don Carlos. Napatingala ako dahil sa paghila niya.

"Aray!" Pilit kong binabawi ang buhok ko pero ayaw niyang bitawan ito. "Don Carlos! Nasasaktan ako. Bakit mo ako sinasabunutan?"

Lalo nitong indiniin ang sarili sa akin. "Mula sa sarili mong bibig, pagod na pagod ka na kamo 'di ba? Tulad niya, mas malamang hindi mo na ako babalikan bukas. Ayoko nang umasa na iba ka. Hindi ako aasa na iba ka. At hindi ko hahayaang muling magdusa sa kamay mga babaeng paasa. Kung ngayon na ang huli nating pagkikita...lalaspagin na kita ngayon. At ang ilang saglit na pagpapaasa mo sa akin, pagbabayaran mo nang mahal. Wala akong pakialam kung nasasaktan ka. Ngayong gabi, take it or leave it, pagsisihan mo na binigyan mo ako ng isang huwad na pag-asa!"

[ITUTULOY]



Lee Vogue's Ang Reypist Kong Poltergeist [R-18]Where stories live. Discover now