IKASIYAM NA GABI

27.2K 672 59
                                    

"Anong ginagawa mo rito?!"

Akala ko'y hihimatayin ako sa sobrang gulat. Nabitawan ko ang flashlight na hawak ko at gumulong ito sa mismong paanan ng babaeng nakahuli sa akin. Nasa proseso ako nang pag-iipod ng kama, upang mabuksan ko ang pinto sa sahig na tinutukoy ni Don Carlos nang bigla na lamang itong sumulpot mula sa hagdanan.

"S-sino ka?!" Pagkahagip ko ng flashlight,  muli akong gumapang palayo at inilawan ang kanyang mukha. Agad na tinakpan nito ang pagitan ng sinag ng ilaw ng flashlight at ang kanyang mukha.

"Huwag mo ngang itutok 'yan sa mukha ko!" Sinenyasan niya ako na tanggalin ang pagkakatutok ko ng flashlight sa kanyang mukha. Inilipat ko ang tutok sa kesame. Kumalat ang malamlam na liwanag sa buong paligid. Bahagya ko nang naaninag na isa itong babaeng marahil ay ka-age na ng aking mga magulang kung nabubuhay pa ang mga ito. "Di ba ako dapat ang magtanong sa 'yo kung sino ka at kung anong ginagawa mo rito?!"

Napakamot ako sa ulo ko, "H-ha? N-napag-utusan lang po akong p-pumarito. Kayo po ba si Luna?"

Namilog ang mga mata niya, "Paano mo nalaman ang pangalan ko?!"

"Sa sepulturero po ng memorial cemetery diyan po sa kabila. Noong isang araw ko pa po kayong tinatawagan kaso nakapatay po yata ang cellphone niyo."

"Bakit mo ako tinatawagan, a-at paano mo nalaman na may lugar na ganito rito?" Iniikot nito ang kanyang paningin. Sa palagay ko'y noon din lamang siya nakarating doon.

"'Yun nga po, tungkol po sa pagpunta ko sana rito. Nagpag-utusan lang po kasi ako. At siya po ang nagsabi sa aking tungkol sa lugar na ito."

"Sino ang nag-utos sa 'yo?"

"Eh..." Muli akong napakamot, "Si ano po eh..."

"Sino nga?!"

"S-si Don Carlos po."

Nagsalubong ang mga kilay niya, "Sinong Don Carlos?!"

"Si Don Carlos Romulus de la fuente po. 'Yun pong may-ari ng lupaing--"

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Naku hindi po!"

"Anong hindi?! Eh hindi pa ako tao patay na yun ah! Gusto mo bang ipapulis pa kita?! Trespassing ka ah! May nag-utos ba talaga sa 'yo o ikaw mismo ang nagbalak pumarito. Magnanakaw ka 'no?"

"Naku hindi po ako magnanakaw. Initusan po talaga niya ako...n-ng k-kaluluwa niya po."

Napatingin siya sa bandang likuran niya. Niyakap ang sariling katawan. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pangingilabot.

"A-anong kaluluwa ang pinagsasasabi mo riyan?!"

"'Yung kaluluwa po ni Don Carlos. Siya po talaga ang nag-utos sa akin na pumarito para hanapin ang kanyang bangkay."

"Bangkay?!" Bigla itong lumapit sa akin. Lumilingon-lingon.

"Opo, bangkay niya. Nagbabakasakali ako na sa ilalim po nito ko makikita ang bangkay niya. Pwede niyo po ba akong samahan sa ilalim?"

Muling namilog ang mga mata niya, "Saang ilalim? Hindi ba't ilalim na nga itong kinalalagyan natin?"

"Ayon po kasi sa kanya, may ilalim pa ang ilalim na ito. Heto nga po ang susi sa ilalim oh!" Ipinakita ko sa kanya ang lumang susing hawak ko. "At diyan po ang pintuan sa sahig, sa ilalim ng kama niya." Itinuro ko ang ilalim ng kama. "Bakit po parang hindi niyo alam ang lugar na ito? Hindi po ba't kayo ang katiwala ng mga de la fuente?"

"Naku. Hindi naman ako ang totoong katiwala nila kundi ang aking namayapang ina. Ibinilin lang niya ito sa akin para mabayaran ang taunang buwis at para wala raw mag-iskwat at mag-trespassing.  Gusto nga itong bilhin ng may-ari ng memorial cemetery diyan sa kabila para maging extension ng sementeryo, ang kaso, wala naman sa amin ang titulo ng lupang ito dahil hindi naman ito sa amin o naipamana sa amin."

Lee Vogue's Ang Reypist Kong Poltergeist [R-18]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें