IKA-LABINDALAWANG GABI

33.9K 902 113
                                    

"Sa 'yo na lahat 'to, Jillian."

Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkamangha matapos kaming gabayan ng mga duwende sa lagusang pailalim mula sa naging nitso ni Don Carlos.  Dinala kami ng mga ito sa isang malawak na kuweba, na hindi ko na makilalang kuweba dahil tigmak ng ginto at sari-saring mga bato at kristal ang buong paligid nito.

Kumuha si Don Carlos ng dalawang bars ng ginto mula sa libo-libong patas at ibinigay 'yun sa akin.  Hinipo ko lang ang mga ito pero hindi ko 'yun tinanggap.

"Ayoko, Don Carlos."

Sumimangot ito, "Pero bakit?"

"Halos ibuwis ko na ang buhay ko sa 'yo dahil gusto kitang makasama, pero huwag mo naman akong bayaran."

Umaliwalas ang mukha nito. "Hindi naman ito bayad. Para rin sa atin ito. Para makapagsimula tayo ng panibagong buhay."

"Dahil sanay ka sa maluhong buhay. Kumuha ka lang ng kakailanganin mo para makapagsimula ka. Pero 'wag mo ibigay sa 'kin 'yan. Mamaya niyan nang dahil diyan, isipin pa ng mga tao sa labas, ako ang tunay na may hawak ng Yamashita Treasure."

"Ha?"

"Basta! Treasure 'yun na nawawala raw diumano. Mamaya n'yan, habulin pa ako ng gobyerno d'yan. Sa dami nito, sobra pa 'tong pambayad sa mga utang ng Pilipinas!"

"Pero..."

"Ganito na lang. Tutulungan na lang kitang makapagsimula ulit. Kung gusto mong magpatayo ng bahay, sige go! Kung gusto mong magkaroon ulit ng Hacienda, sige go rin. Pero gawin mo 'yun para sa 'yo. Pero ang advice ko lang sa 'yo, ingat lang. 'Wag kang masyadong showy. Iba na kasi noon at ngayon. Kung duhapang na ang mga tao noon sa kayamanan, lalo na ngayon."

Muli itong sumimangot. "Ayoko sa kahit anong bagong bahay o buhay kung hindi kita kasama."  Yumuko ito na animo'y nalugi.

Siniko ko ito, "Ito naman. Problema ba 'yun. Eh 'di patirahin mo na lang ako sa bagong bahay mo. Ayoko lang angkinin ang hindi akin. Pero okey lang naman na i-hire mo akong sex slave. Unemployed ako ngayon, remember?" biro ko.

Tumunghay ito at ngumisi, "Akala ko kasi pati 'yun ayaw mo rin."

***

Parang gusto kung dukutin ang mga mata ng nga babae at binabaeng nakakasalubong namin ni Don Carlos sa Mall. Doon kasi kami dumiretso para maipamili, mabihisan, mapagupitan at maahitan ito. Taragis naman kasing lalong gumuwapo ito nang maging moderno, dahil kung yummilicious na ito noong mahaba pa ang buhok at nakabihis bangkay, nakaka-overdose na ang nag-uumapaw niyang good looks at sex appeal.

"Hello, I'm Heidee!"

Talagang hindi mawawala sa mundo ang malaipis na lahi ng mga malalandi. Akalain mong nalingat lang ako para mag-CR, pinagkaguluhan na ito ng mga babae at binabae sa labas?

"Excuse me!" Sadya kong tinabig isa-isa ang nga babae at binabae. "Chupi! Chupi! Kung ayaw niyong magulpi!" Natatawa naman si Don Carlos sa akin.

Lalong nagsigawan ang mga babae at binabae sa 'di kalayuan nang makita nilang nakangiti si Don Carlos.

"Ano ba 'yan, sino ba 'yan?" Bulungan ng mga babaeng malalandi habang napapaatras ang mga ito sa pagtabig ko.

"Sino ako?!" Pinandilatan ko ang mga ito at pinamaywangan.  "Ako lang naman ang nagmamay-ari sa lalaking 'yan. Pinaghirapan ko 'yan kaya magkakamatayan muna tayo bago kayo makatsansing diyan!"

"Mayghad, katipunera yata!" Bulungan ng isang grupo ng mga bading. "Guys! Reincarnation yata 'yan ni Gabriella Silang!" Naghalakhakan ang mga ito.

"Anong katipu--"

"Hello Mr. Pogi." Hindi ko alam kung saan lumusot 'yung babae, pero nakalapit ito kay Don Carlos at hinawakan ito sa braso.

Biglang usok ng ilong ko sa nakita ko, kaya hindi na ako nag-atubiling sabunutan ito at saka ko ito iwinasiwas palayo. Na-shock ang mga tao sa ginawa ko. Natakot naman at nagsipag-atrasan na ang malalanding nakapalibot.

"Jillian..." Hinahatak na ako ni Don Carlos.  "Tayo na. Umuwi na tayo."

May nasabunutan pa akong isa habang hinihila ako ni Don Carlos palayo.

"Mga kerengkeng kayong lahat! Buwisit!"

***

Nagsimula na akong umatungal pagdating namin sa apartment ko.

"Bakit ka umiiyak?" Pag-alo sa akin ni Don Carlos.

Hinampas ko ito sa braso. "Buwisit ka! Waaa..."

Natatawa ito sa akin. Siguro'y dahil daig ko pa ang isang batang nag-aalburuto sa sahig. "Bakit ako buwisit?"

"Bakit kasi kailangan mo maging ganyan kaguwapo! Mukhang mapapaaway ako lagi sa 'yo eh!"

"Hindi ko naman sila pinapansin, sa 'yo lang ako nakatingin, 'di ba?" Nakangisi ito kaya hinampas ko ulit ito.

"Ngayon lang 'yan, pero paano kapag sawa ka na sa 'kin at gusto mo na nang bago, mas fresh at mas magandang kakangkungin?" Humihikbi ako.

"Hindi mangyayari 'yun."

"At paano ka nakakasiguro, aber?"

"Nakakasiguro ako dahil nangangako ako sa 'yo. Ikaw lang ang kakangkungin ko hanggang sa maging bangkay na ulit ako."

***

Ang sabi nila, masarap at masustansya raw ang kangkong; mapagisa man ito o mapasahog sa sari-saring putaheng nalalasahan ng ating bibig. Ang say ko naman d'yan...Oo naman! Sa katunayan nga, pati ang bibig number two ko'y mag-a-agree d'yan!

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

"Ohhh yes! Don Carlos Ahhh!"

Napunit ko ang pundang kinakapitan ko dahil sa tindi ng pagkapit ko rito. Ako ba naman ang walang habas na kainin ng isang guwapong espanyol na mala-Japanese porno king kung sumupsop, kahit na siguro sarili kong buhok, magaganot ko sa sobrang sarap.

'Yun lang ang paulit-ulit na ginawa niya sa akin ngayong gabi. Para raw makapagpahinga naman daw sa kangkong ang aking kerokeropi.

"Yes! Yes! Pakshet!" Sigaw ko, nagbabakasakaling makatulong 'yun para hindi ako magpass-out sa pagsapit ko sa ikalimang big-O. "Shit ka...ang galing mo talaga, hayup ka." Natatawa ako; natatawa rin s'ya sa napakalaswa naming posisyon.

"Mahal na mahal kita, Jillian." Humiga ito sa aking tabi. "Huwag kang masyadong mag-alala ha? Pangako, hindi kita ipagpapalit sa kahit sino, tandaan mo 'yan. Kahit maghubad pa ang kahit sino sa harapan ko, ikaw lang ang rereypin ko kahit pa maging Poltergeist ulit ako."

"I love you rin, reypist kong Poltergeist." Humagikhik ako habang umuunan ako sa kanyang dibdib. "sa uulitin."

Nabalot ang silid ng halakhakan naming dalawa.

[KATAPUSAN]

Lee Vogue's Ang Reypist Kong Poltergeist [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon