Prologue

60.6K 1K 34
                                    

Lady In Bed
MyJaff©2017

~

GRADE twelve student si Zal ng makilala niya si Timothy Tianco, it was her eighteen birthday the first time she saw him. Professor pala ito sa eskwelahang pinapasukan ng Ate Zera niya. Hindi niya akalain pero sa unang pagkakataong nagkita sila ng binata, bumilis ang tibok ng puso niya. Love at first sight? Oh literally! Pakiramdam kasi ni Zal hulog na hulog na siya sa binata.

“You're here again, hinihintay mo ang Ate Zera mo?” Baritono ang boses nito na halos nakapagpatunaw ng sistema niya.

Nagyuko siya ng tingin at uminit ang mukha. “I-i-ikaw iyong hinihintay ko.”

“Really?” Sumilay ang ngisi sa labi nito. “How about we go and have a coffee then?”

Mabilis siyang tumango sa binata at kahit na hindi niya pa ito masyadong kilala, sumama siya rito.

Timothy Tianco is a good man, he showed to her different sweet gestures that captures her heart. Ang pagkikitang nasundan pa ng nasundan hanggang sa tuloyan na siyang nahulog sa binata. Kasing bilis ng kidlat ang pakiramdam niyang iyon pero lunod siya sa pag ibig para sa binata.

Hanggang sa isa pang taon ng lihim na relasyong mayroon sila, inaya siyang magpakasal ni Timothy mabilis pero wala ng mas isasaya pa si Zal ng mga oras na iyon o akala niya lang ay magiging masaya siya, iyon pala'y isang malaking bangungot ang pinasok niya.

“P-pa-pakakasalan mo rin si Ate Zera?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa asawa. “B-bakit? Di.. Diba ako na ang asawa mo?”

“I need to do this Zal, akala ko ba handa mong intindihin ang mga kondisyon ko basta isipin mo na lang na kasal na tayo Zal at ikaw ang legal kong asawa.”

Lady In Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon