Epilogue - Missing

57.3K 1K 95
                                    

Lady In Bed
MyJaff©2017-2018

Thank you torturers! Thank you for reading this story. Thank you! Highest rank achieved ng LIB so far last year ay #16 sa General Fiction. Salamat sa pagsubaybay hanggang sa huli :) Long live torturers!

~

INAAYOS ni Tania ang suot niyang wedding gown pati na rin ang buhok niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INAAYOS ni Tania ang suot niyang wedding gown pati na rin ang buhok niya. Kinakabahan si Zal sa totoo lang, two weeks lang ang naging preparation nila para sa kasal niya. Hindi nga siya makapaniwala na pumayag ang mga magulang niya tho hindi naman niya alam kung ano ba nag napag usapan ng parents niya at ni Zhercez. Sa tuwing tinatanong niya kasi ang nobyo panay lamang itong nangiti sa kanya kaya mas lalo siyang kinakabahan.

Actually, sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay niya, hindi na alam ni Zal kung paano ba siya maniniwala.

“Grabe ha! Dito talaga sa Heluxus Hotel ang kasal?” Si Tania iyon habang inaayos ang buhok niya.

“Dito muna, kapag okay na ang braso niya, sa simbahan naman gaya ng promise niya kay Daddy.” Sagot niya.

“Aww! Ang bongga talaga. Kaso ako ayaw kong ikasal sa simbahan baka masunog ako.” Halakhak nito. “Iyon ay kung ikakasal pa ako.”

Hindi siya sumagot. Ayaw niya kasing i-open ang tungkol sa naudlot nitong kasal sa ex fiancé nitong si Bon na hanggang ngayon ay wala na talaga silang balita. Nasa ibang bansa na kasi ang gagong iyon.

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. Nagsalubong ang kanilang tingin sa repleksyon nila sa salamin.

“Minsan talaga pinaglalaruan lang tayo ni Kupido, mahahanap mo rin iyong lalaking para sayo.”

“Nah thanks! Ayaw kong matali no. I enjoy being like this naman. Tsaka sinong tangang magseseryoso sa akin?” May pait sa huling salitang sinabi nito. “Gosh! Let's not talk about me na nga lang! This is your wedding Zal. Sina Tita Z, nasa kabilang kwarto kasama si Zera at Rizzi, ang cute ni Rizzi na magflower girl. And you invited Rocky?”

Tumango siya. “I want him to forget everything. I want him to give himself a chance for a second chance. Mahirap isipin kapag huli na ang lahat. Ayaw kong pagsisihan din niya.”

Tania smiled. “You're so good, Zal. Na-stress ako! Mas matanda ako sayo ng dalawang taon pero heto ka, ikakasal na!” Pinunasan nito ang butil ng luhang kumawala sa mata. “I'm so happy for you, Zal.”

“Thank you for being always there for me, Tania.”

“By the way, nakita ko kanina iyong sister ni Zhercez, she seems hindi mapakali. Parang kanina pa may pinagtataguan then I heard her talking to his brother over the phone. Humihingi ng sorry kasi kailangan na niyang umalis. Dumaan na ba siya—”

Lady In Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon