Chapter 18 - Come home

31.3K 831 71
                                    

Lady In Bed
MyJaff©2017

~

“ARE you sure about this? I told you pwede kitang samahan.” Nag aalalang ani Zhercez sa kanya. Actually, kanina pa ito paulit ulit na nangungulit tungkol sa pagpunta niya sa mga magulang niya.

Zal wanted to talk to them, alone. Tapos saka niya ihaharap si Zhercez may mga issue pa sa buhay niya na kailangan niyang ayosing mag isa. She didn't want to drag him here.

“I'm alright, Zhercez. Kailangan ko lang silang makausap ng maayos then we'll scheduled you meeting them.” Aniya. “Isa pa, this unsolved issue is my issue, I don't wanna drag you there.”

“I am your fiance, Snow White. Your problem is mine too.”

She smiled. “I'm glad to hear that but for now, go to your sister and apologize to her on my behalf because I can't make it tonight. I'm really sorry that I can't attend her fashion show.”

“It's alright baby, Katie will understand that. Hmm, how about baby ZL? Isasam mo ba siya or I'm gonna ask my secretary to check her from time to time.”

Umiling siya. “Hindi ko siya isasama.”

“Okay then, the second option it is.” Tango nito. “But do you want me to drive you there?”

“Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka marami ka pang gagawin sa office.”

Magsasalita pa sana ito nang umiling siya. She was really glad at his offers but at the same time, kinakabahan kasi siya. Hindi niya alam kung para sa pagkikita ba nila iyon ng mga magulang niya o ano but one thing is for sure, parang may nagbabadyang hindi magandang mangyayari sa kanila.

She sighed. Maybe, she is just paranoid. This past few days bumabagabag sa isip niya iyong pagkikita nila ng parents niya. Nasasaktan kasi siya knowing na natitiis talaga siya ng mga magulang niya which is her fault naman.

Nag ayos na si Zal sa kwarto, si Zhercez din naghahanda na para pumasok sa opisina nito. She sighed, looking at him made her realize kung gaano kabilis ang mga pangyayari.

“Sabay na tayong bumaba. Gagabihin ka ba mamaya?” Tanong niya bago kinuha ang car key niya.

“Yeah, papataposin ko iyong fashion show ni Katie but if you want me to go home early then I'll go.”

“No, silly.” Mabilis na iling niya. “Pataposin mo na iyon, baka magtampo pa ang kapatid mo. Mabilis lang naman siguro ako kina Dad.”

Tumango naman si Zhercez inalaayan siya nito palabas ng unit niya. His strong arm wrapped around her waist.

“I'll send my secretary here from time to time.”

“I'll text you when I'm going home para hindi na magpabalik balik pa ang secretary mo sa unit ko.” Nakababa na sila sa parking lot, hinatid muna siya ni Zhercez sa sasakyan niya. “Don't worry I'll call you immediately when I'm home. Answer my calls kaagad ha?”

“Of course.” He smiled, binuksan nito ang pinto para sa kanya, before heading inside he gave her a swift kiss on her lips. “Take care baby, ayt?”

“You too.” Nakangiting aniya bago pumasok na sa loob. Kinawayan niya pa si Zhercez na hinintay munang makasibad ang sasakyan niya bago pumasok sa sarili nitong sasakyan. With Zhercez gone on her sight, she felt lonely.

Binaling ni Zal ang atensyon sa daan at halos bumangga siya sa di inaaasahang pagprenong ginawa niya dahil may nahagip ang mga mata niya.

“Is that...” No that's impossible, dinespatsa na ni Danz. “Timothy...” She whispered.

Lady In Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon