Chapter 10 - Jealous Zal?

36.1K 913 56
                                    

Lady In Bed
MyJaff©2017

~

TAHIMIK si Zal hanggang sa nakabalik sila sa unit niya. Panay lang ang pagtitig niya kay Zhercez, ngayon ay mas lalo siyang napapaisip kung sino nga ba ang binata? Bukod sa pangalan nito at sa kompanya nitong namamayagpag sa loob at labas ng bansa, wala na siyang ibang alam. That's one of the rule of having a fuck buddy relationship right? Pero alam ni Zal na iba ang sa kanila.

Dumirets ito sa guestroom, siguro ay para ibaba ang natutulog na si baby ZL, she wonder kung pinakealaman iyon ni Zhercez, pinaayos ba ito ng binata sa secretary nito?

Ang mahinang ingay nang kakasaradong pinto ang narinig ni Zal sa kabuoan ng unit niya, lumabas na si Zhercez at naglakad ito papalapit sa kanya habang niluluwagan ang neck tie nito. Bumaba ang tingin ni Zal sa adam's apple nito kaya parang nauhaw siya, di maiwasang mapalunok.

Seryoso ang mukha nitong lumapit sa kanya, nag iwas naman si Zal at dumiretso sa kusina. Naramdaman niya ang yabag ng binata, sumunod ito sa kanya.

“Are you alright? Kanina ka pa tahimik. Gutom ka pa ba? You want to eat more?” Baritonong tanong nito sa kanya.

Nanginig ang kamay ni Zal sa hawak niyang basong kasasalin niya lang ng tubig. Kumain ng ano? Hotdog?

Oh my God, Zal?! What the heck are you thinking?!

Hinarap niya ito at magsasalita pa lang sana siya nang marinig niya ang pagdoorbell ng pinto ng unit niya. Kumunot ang noo niyang napasilip sa pinto bago binalik ang tingin sa binata sa harapan niya.

“Your secretary?” Tanong niya.

Umiling ito.

Oh! It must be Higgy! May ilang linggo na rin itong hindi dumadalaw sa kanya. “Sa kwarto ka muna, baka si Higgy iyon. He didn't know about your stay here and what kind of relationship we have. Doon ka muna.” Naglakad na siya para tungohin sana ang pinto ng hablotin nito ang braso niya. Tumama ang noo ni Zal sa matipuno nitong balikat. “What the...”

Natigilan siya dahil sa nag aapoy na ekspresyon ng mga mata ng binata.

“Why, Snow White? What do you think about our relationship, huh?” His voice was hoarse and sensual. Nawawala na naman sa sarili si Zal! “And what is that boy doing here at this time of the night? Huh?”

She glared at him. “Higgy is not a boy, Zhercez!”

“Akin ka.”

Halos mabuwal siya sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi nito. Kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ni Zal na para bang gusto nitong kumawala sa katawan niya. Kung hindi niya lang narinig ang muling pagdoorbell ay hindi pa siguro siya tatalima.

“Sa kwarto ka muna,” Nanginginig pa rin ang tuhod niya pero hindi siya nagpahalata.

Lumamig ang ekspresyon ng mga mata nito bago niluwagan ang hawak nito sa braso niya, sumunod si Zhercez sa gusto niya ang akala niya nga'y makikipagmatigasan pa ito sa kanya pero nakahinga siya ng maluwag ng marinig niya ang pagpasok nito sa kwarto.

Nailing na lamang siya at saka tuloyang lumapit sa pinto, hindi na siya sumilip pa at mabilis na binuksan iyon kaya napataas ang kilay niya sa gulat.

“Kuya?” Tukoy niya sa lalaki sa harapan niya bago lumingon sa kasama nito. “Rum? Anong ginagawa niyo rito?” Taas kilay na tanong niya.

Leo Zaj Chui — one of her elder brother step in to her unit, umusod pa siya para makapasok ang dalawa. Pansin niyang busangot ang mukha ng kapatid niya samantalang nagpipigil naman ng ngiti si Rum Costalles — he's one of the evil torturers new generation and her brother's best friend aside from Clyde Aaron Heluxus.

Lady In Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon