Chapter 7 - Blackmail

38.6K 916 45
                                    

Lady In Bed
MyJaff©2017

~

“TIM!” Masaya niyang sinalubong ng halik sa labi ang asawa niya na ilang linggo niya na ring hindi nasolo. “You're late and oh, what happened to your face?” Nag aalalang tanong niya at hinaplos pa ang mukha nitong may bakas ng pasa. He got into a cat fight or something? Hindi naman basagulero si Timothy e.

Timothy just snake his arm around her waist and shook his head. “It's nothing. Where do you want to eat? I missed you.”

Ngumiti siya ng bahagya. “Sa Thai Restaurant na lang tayo and please let's get out of here, malapit lang ito sa bahay ng mga magulang ko baka...” Malapit lang kasi itong mall na pinagkitaan nila sa ETHQ.

Tumago naman ang asawa. “Okay, let's go then.”

Inalalayan siya ni Timothy palabas ng mall na iyon. Actually hindi alam ni Zal kung bakit parang may kulang ngayon. Dati kahit na halos dalawang buwan silang hindi magkita, kapag nagkita sila sulit sa pakiramdam niya pero ngayon iba... Parang...

Ohmygod Zal! Pinilig niya ang ulo at marahang sinampal ang sarili. She needs to calm her mind now and stop thinking about him because she is with her husband. Damn! Nakakahiya na ngang she's a cheating wife and then this? Hanggang sa moment nilang mag asawa, kailangang naiisip niya pa ang lalaking iyon? It was really unfair! May... No! That's fucking imposible.

Nilingon niya si Timothy na ngayon ay nagmamaneho na, tahimik lang ito at seryosong nakatingin sa daan.

She loves him... Iyon dapat ang iniisip niya, dapat ay masaya siya ngayon hindi ganito. Haist. Kaya hanggang sa makarating sila sa Thai Restaurant na kakainan nila ay tahimik lang si Zal, hinayaan niya lang si Timothy na umorder ng kakainin nilang pagkain hanggang sa ma-iserve ito sa kanila. Attentive naman si Tim sa kanya tulad ng dati, binukod muna nito ang mga sibuyas sa pagkain niya bago iyon binigay sa kanya, hindi kasi siya kumakain noon.

“How's your day? Sabi ng Ate Zera mo abala ka sa E.Z Cosmetics, kailan ang launching?” Panimula nito, bagay na hindi niya inaasahang pag uusapan pala nito.

“I'm fine. Medyo marami lang ginagawa sa E.Z building, I'm modelling one of our products dahil request ng may ari ng PZV.”

“PZV Industries?” Pagkumpirma nito, tumango si Zal. “I see...”

“What happened to your face anyway?” Pagliliko niya sa usapan, ayaw niya kasing mapunta sa may -ari ng PZV ang usapan nila pagnagkataon.

“This,” Turo nito sa pasa sa mukha. “I just met my old friend and this is his way of greetings to me.”

“What?! That's rude.”

Umiling lang si Timothy. “Don't mind it.” Sumubo ito ng pagkain. “By the way, you and Higgy––”

Binagsak ni Zal ang hawak niyang kubyertos. “Don't start, Tim! I told you kuntento na akong magkaibigan kami! Bakit ba pinagpipilitan mo na dapat magkabalikan kami?!” Bahagya ng tumaas ang boses niya mabuti na lang ay nasa private room sila. “Hindi naman nagtatanong ang parents ko, so what's the big deal?! They all thought that Higgy is still my boyfriend. This is long overdue, Tim! Hanggang kailan natin itatago ang lahat?!”

“Zia Larraine...” Marahang tawag nito sa pangalan niya.

Pero ayaw namang kumalma ng isip ni Zal, para siyang bulkang sasabog. “I don't even know why I'm doing this, ako ang asawa mo pero ni makatabi kita sa gabi hindi mo magawa! Ano ba ito Tim?! Bakit kailangang maging asawa mo rin si Ate Zera?! Hindi ko maintindihan.” Dahil ang totoo ayaw niyang intindihin.

“Mahal kita Zal.”

See? Simpleng pag alo lang nito na mahal siya ni Timothy ay nawawala na parang bula ang bigat sa dibdib niya. Para bang assurance na iyon sa kung anong mayroon silang dalawa.

Lady In Bed (COMPLETED)Where stories live. Discover now