Chapter Ten "Apology Meeting"

2.8K 66 11
                                    

Sarah 

        During my drama moment ay biglang may pumasok sa loob ng comfort room. Si Rachel.

        "Oh My Gosh friend anong nangyari sayo?" tanong ni Rachel sakin habang hawak hawak ang kamay kong puro ketsup.

         "Yung about sa kababata ko noon sa cortland city, si Rr? siya si Reggie."

        "What? siya talaga yun? teka hindi ko maintindihan eh. papaanong naging siya yun.?" tanong niya.

        "Nakausap ko ang private investigator na kakilala ni Mike para paimbestigahan 'tong si Reggie. At base sa naging resulta, siya nga talaga." sagot ko.

         "Eh bakit hindi mo naman sinabi sa akin?"

         "Ayoko muna kasing may ibang makaalam. Tsaka hindi pa naman ako sigurado nun kaya hindi ko sinabi kahit kanino." sagot ko.

        "Eh ano naman ngayon ang ikinagagalit mo?"

         "Kahit lumabas na ang katotohanan, hindi parin ako makapaniwala na siya ang kababata ko. Kasi kung ipagkukumpara mo, ang layo ng ugali niya noon kesa ngayon. Nawala na yung Rr na mabait sakin at nagbigay sakin ng inspirasyon na makapag-trabaho dito." sabi ko.

         "Alam mo Friend, dapat mo sigurong tanggapin na siya si Rr. Hindi mo na mababago ang katotohanan. Malay mo kaya pala naging terror yang si sir ay dahil nangungulila siya sayo. Namimiss ka na niya bilang si Sasa at mula nung dumating ka dito bilang secretary niya, siguro nakitaan ka niya ng potensyal at similarity sa kababata niya. Tinetesting ka lang niya kung talagang may ugnayan kayo sa isa't-isa." sagot ni Rachel.

        "Tara na friend. Dadalin nalang kita kay Marlowe baka may first aid kit siya dun." dagdag niya pa at niyaya na niya akong lumabas ng comfort room.

-----------------------------------------------------------

        KINABUKASAN ay tinamad na naman akong pumasok sa opisina kaya natulog nalang ako. Pero biglang nag ring ang cellphone ko at may nag text.

         "Sarah, meet me outside your unit at 6:00PM it's reggie. nakitext lang ako."

         Mukha nito nakitext?! hmp! ayoko nga noh baka mamaya binablack mail lang ako nito! pero naisip ko rin, paano kung talagang siya ang nag text? eh masama parin naman ang loob ko sa kanya. Itutuloy ko pa ba ang pakikipagkita ko sa kanya?

        Tanghali na gising na

        Nasa kusina ako nun at nagluluto ng lugaw.

        At may nag text na naman.

        "Please Sarah, i need your confirm. - reggie"

        Ang kulet netong lokong 'to! wala naman akong load? pag hindi ko naman siya nireplayan kukulitin naman niya ako ng kukulitin.

        Maya't-maya ay tumawag na siya sakin..

         "Hoy Sarah bat di ka nagrereply sa mga text ko?" tanong ni sir Reggie.

         "Wala nga akong load! kulet naman neto. Ano yung sinasabi mong bumaba ako jan sa labas ng condo ko ng 6PM?" tanong ko.

         "I need to talk with you. so i want to make this all clear." sagot niya.

         "Sige... papayag akong makipagkita sayo.. basta 6PM ha?" sabi ko.

        "Alright, basta ang mahalaga, bumaba ka sa condo mo." sagot niya.

-------------------------------------------------------------

NANG SUMAPIT ANG 6PM..

        sinilip ko si Reggie sa bintana para tsekin kung talagang sumipot siya. At nakita ko ang kotse niyang nakaparking sa gilid. kaya bumaba na ako.

        Pagkababa ko ay sumalubong na siya sakin.

         "Ano naman ang pag-uusapan natin sinungaling kong ser?" tanong ko sa kanya.

        "I just want to apologize sa lahat ng ginawa kong kalokohan sayo. Hindi kasi ako mapakali sa office eh. may nagtutulak talaga sakin na makipag-kita sayo." mahinahon niyang sagot.

         "Ah so kaya ka pala nag sosorry dahil ngayon nalaman mo na, na magkaibigan tayo nung mga bata pa tayo? ganun?" sabi ko.

         "Hindi naman sa ganun pero---"

         "Eh paano nalang kung hindi pala tayo naging magkababata noon? pupunta ka ba dito para mag apologize?" tanong ko pero hindi siya nakasagot.

        "NGANGA :O"

         "Sarah listen to me, mula ng nalaman ko ang totoo, nalinawagan na ang isip ko sayo. Na realize ko na yung mga ginawa ko sayo." sagot ni sir Reggie.

        "Asus mukha mo." sagot ko.

         "Ok Sarah. I think hindi pa ngayon para mapatawad mo ko. But please. Hayaan mo akong makabawi sayo." Ehem?

         "Tara let's go."

         "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko kay Reggie at hinila niya ako papasok ng kotse niya.

         "Sa Bar."

         "Sa Bar? sira ka ba? ano naman ang gagawin ko dun? sasayaw..? sampakin kaya kita jan?" sabi ko.

         "Baliw ililibre lang kita ng dinner mo. Kakain lang tayo. Bawal maglasing ah?" sagot niya.

         "Bakit? tingin mo ba mahilig akong mag-iiinom? lasengga ba ang tingin mo sakin?" 

         "Dati..." pabulong niyang sagot pero narinig ko.

         "Meh sinasabi ka?"

         "Wala." sagot niya.

Nang makarating na kami ni sir Reggie sa bar ay bigla niya akong hinila papasok at pinaupo sa vip reserved venue.

        "Hoy ang bagal mo"

        "wait lang! naka high heels po ako! paano nalang kaya kung matapilok ako? ipagagamot mo ba ko?" sabi ko.

        "Hinde kaya wag kang tatanga-tanga friend." sagot ni Reggie.

-------------------------------------------

To be continue in chapter 11

Nagbabawi na si sir Reggie!

pero ang tanong is, Magkakaayos na ba ang dalawang mortal na magkaaway na 'to?

Comment Below!

and Vote Please.

:)

That Sassy and Brassy (Completed)Where stories live. Discover now