Chapter Twenty Five "Ang Dalawang Sira Ulo!"

1.2K 22 3
                                    

Sarah Salcedo Point of View

"CHARAN! SURPRISE! WELCOME BACK!"

"Mike?" oo si Mike nga. hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa utak nitong Mike na ito at biglang lumusob ang manorpresa sa condo ko. saltik much ano ba talagang nangyayari dito?

"Mike? what are you doing here? at tsaka para saan naman yang cake na dala mo? wala namang may Birthday ah?" tanong ni Reggie.

"Bugok kaya nga niya sinabing welcome back eh! bakit may nakita ka na bang nag birthday tapos ang ibabati sayo Welcome back?" sabat ko at tumingin ang bugok sakin ng masama.

"Wag kang sumabat. kabastusan yan."

"Weeeh? tae mo!"

"Tama na yan guys. ang mabuti pa kainin na natin yung cake na dala niya." sabi ni Katrina tsaka banat sa cake. pero bago pa niya masira ang design ng cake eh pinigilan siya ni Mike.

"Hep hep hep! that's not for you. this is for Reggie and Sarah."

"What?"

"Oo sa inyong dalawa. nabalitaan ko kasing nagkaayos na kayo. tsaka wala na si Scottie. kaya andito ako para maki-celebrate." sabi ni Mike tsaka lapag niya ng cake sa mesa.

"Akala ko ba naman sakin.. malapit na kaya yung birthday ko." bulong ni Trina papalapit sakin.

"Kitams Trina? ikaw gumagana na naman ang pagiging chibugin mo ah?"

"Ayan trina. sabi ko sayo eh.. ngayon nakaganti na ako sayo sa ginawa mo kanina. TRINANANANANA! HAHAHA" tawa ni Reggie na akala mong mababaliw na. 

"Che! Regla! REGLA REGLA REGGIE REGLA REREGLAHIN SI REGGIE! HAHAHA" sigaw ni Katrina papuntang banyo para maligo. habang si Reggie patuloy na dinidilaan ang gaga. parang mga bata talagang dalawang ito!

Pero in fareness natawa ako sa asaran nilang dalawa. kaya inasar ko na rin siya.

"Hoy Reggie the Regla kunin mo nga yung ice chest dun sa salas please?" sabi ko with a matching dog face.

"Stop annoying me Sarah. hindi ka nakakatawa.

"Asus. pero kanina nang inaasar ka ni Katrina natatawa ka pa."

"Hindi kaya!"

"Weh? (pumunta ako sa mga lalagyanan ng sauce tsaka kuha ko sa isang bote ng ketsup. binuksak ko ito saka bigay sa kanya) gusto mo ng ketsup?"

"Ayoko!" at sumigaw na ang bugok.

"Hmm... (dumukot ako ng ketsup sa daliri ko tsaka pahid na mukha niya.)"

"Sarah! what's happening with you?!"

"Blleeeh! hahaha"

At hanggang sa inagaw niya sakin ang bote ng ketsup at di sinasadyang matapunan ng ketsup ang pants niya. at ang masama pa nito, dun pa talaga sa may bandang anes niya nabuhos yung ketsup. Hahaha!

"Ayan Sarah. you proved na Nireregla si Reggie." biro pa ni Mike

at bigla nalang niya akong tinulak sa sahig. dumapa rin siya sakin tapos hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Hindi ka ba talaga titigil?! HAAAA?" sigaw niya. at dun ako natakot sa kanya. dahil ngayon lang niya ako nasigawan ng ganun. namumula yung dalawang mata niya. namumula rin siya sa galit at ang sama pa ng tingin niya sakin pa parang papatayin ako.

"Reggie. ayoko na please?"

"Anong ayaw mo na? ano uulitin mo pa ba 'to? hindi ka nakakatuwa ah? inaapakan mo ang pagkalalake ko! ANO?!"

That Sassy and Brassy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora