Chapter Forty Seven "Let Her Go"

821 14 0
                                    

"Trina! hoy! gising gusto ka raw kausapin ni Rachel oh.." sabi ko sabay ibinigay ko na kay Trina ang phone.

"hoy ateng ibalik mo sakin yan pagkatapos ah? baka mamaya kawatin mo na yan.." pahabol ko pa..

she nodds.

pang-epal lang hahaha!!

Katrina's Point of View

sorry for long wait talagang nakatulog ako ng mahimbing eh!! hehehe...

matapos binigay ni Sarah sakin ang phone, agad ko naman itong sinagot.

"Hello Rachel may problema ba?" tanong ko.

"Um.. wala naman, pwede ba tayong magkita?" tanong niya.

"Ha? magkita? saan?"

"sa... office ni Mike.. um... kailangan nating mag-usap na tatlo.." sagot niya.

"Sige.. susubukan kong makarating.."

"Salamat.." at ibinaba ko na ang phone. syempre ibinalik ko na yung cellphone kay Sarah. baka isipin niya ninakaw ko na 'to..

Ilang sandali pa at pumunta na ako sa office... dun mismo sa opisina ni Mike. at nakita ko si Rachel dun na nakaupo sa couch kaya umupo rin ako.

"may pag-uusapan tayo.. alam kong naguguluhan ka sa nararamdaman mo kay Mike.. at aminado akong pareho tayong nagkagusto sa kanya. pero bakit kailangan natin humantong sa ganito?" tanong ko.

"Katrina, i'm going to leave.... pupunta na ako ng london in few weeks. at di na kami magkikita nila Mike at Sarah. gusto ko sanang ipaubaya na sayo si Mike. alam ko namang mahal na mahal mo siya.. at sa tingin ko ay hindi siya ang lalaking para sakin.. i hope maging maligaya ka sa kanya." sabi niya habang pumapatak ang mga luha sa mga mata niya.

"Rachel, di mo naman kailangan gawin yun.. kung talagang para sakin si Mike, bakit hindi ko parin masabi sa kanya ang nararamdaman ko? bakit nahihirapan parin ako?"-katrina

"Dahil tadhana na ang gagawa ng paraan para maging close kayo. gaya ngayon, dinalahan ka niya ng fruits. tsaka umamin na rin yan siya sakin na wala siyang nararamdaman para sakin. talagang kaibigan niya lang ako. at ngayon umaasa akong makakakilala rin ako ng katulad ni Mike, at walang katulad." sabi ni Rachel tsaka ako niyakap.

"Salamat Rachel ah.. maraming salamat.. i hope maging maligaya ka sa london.." sabi ko naman.. at bigla nalang niya ako hinila palabas.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa condo ni Sarah, kailangan ko lang magpaalam." sabi niya naman..

"sige.. tara.." at pumunta kami sa condo ni Sarah... dun nadatnan namin siyang nagluluto ng pananghalian..

"Mukhang masarap yang niluluto mo friend ah?"-rachel

"Rachel? oh girl long time no see! buti napadaan ka dito! sandali lang malapit nang maluto 'tong niluluto kong afritada.. kakain na tayo!!" masayang sinabi ni Sarah.. at napatawa nalang kami.. amoy na amoy kasi yung afritadang niluluto niya.. mukhang masarap.. at masarap talaga! peyborit ko yata yan! pati na rin si Kuya Reg!

"um actually friend andito talaga ako para magpaalam sayo.."

"ha? saan ka naman pupunta?" tanong ni Sarah at lumapit ito kay Rachel habang ipinasa sakin ang niluluto niya.

"sa london." sagot ni Rachel.

"ha? bakit ano namang gagawin mo dun?" tanong ni Sarah.

"dun ko sana gustong magtrabaho eh.. mukha kasing wala na akong mahanap na trabaho after akong masuspend sa opisina. baka dun sakali maipasok ako ni Dad sa firm nila diba?" halos nabalot ng katahimikan ang buong unit dahil sa sinabi ni Rachel. di naman makapaniwala 'tong si Sarah na aalis na si Rachel kaya medyo napaiyak ito.

That Sassy and Brassy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora