18. The Jack's Task

1.9K 96 34
                                    

Eleven years ago . . .


Dalawampu't apat na oras na ang nakaklilipas at nananatiling walang kain at inom ang binatilyo. Nakatayo lang si RYJO sa pintuan habang nakatingin sa tahimik na si Helmer.

"Bibilhin ko ang anak ko sa darating na auction. Sad to say, hindi mo siya makukuha," tanging sabi ni RYJO. Wala namang sagot na nakuha mula kay Helmer.

"War zone ngayon ang Wythe Lais, tama? Kinuha ko na ang lupaing ng pamilya mo. Pag-aari na ni Armida Zordick ang lugar na 'yon ngayon. Wala ka nang babalikan."

"Patayin mo na lang din ako gaya ng ginawa mo sa mga magulang ko," diretsong sagot ni Helmer sa kanya. "Napakasimpleng bagay, pahihirapan mo pa ang sarili mo. Ikaw ang Slayer. Ano pa ba'ng hindi mo kaya?"

"Armida." Dumating si Shadow na may dalang pagkain at inumin. Lumapit ito sa mesa kung nasaan si Helmer at inilapag doon ang dala. "Wala siyang papatayin, naiintindihan mo?" paalala niya sa binatilyo.

"Hindi mo anak ang project na 'yon." Naiinis na pinamumukha ni Helmer ang katotohanan kay Shadow, na kung tutuusin ay matagal na nitong alam. "Anak 'yon ni Crimson."

"Pero siya ang bubuhay sa asawa ko."

"Mamamatay rin ang katawan ni RYJO. Hindi siya imortal gaya ng iniisip ng lahat. Mabubuhay siya pero hindi na ang taong 'yan," pagtutukoy niya sa babaeng nakatayo sa pinto.

"Wala akong pakialam. Ang mahalaga, mabuhay siya." Tinalikuran na ni Shadow ang binatilyo.

"Baliw ka na," inis na nasabi ni Helmer kay Shadow.

"I'll give you a good deal, Jacobs. Ipahihinto ko ang gulo sa lupain ninyo kung susunod ka sa gusto ko," alok ni RYJO sa binatilyo.

"Anong deal?"

"Papupuntahin ko rito ang ilan sa mga tauhan ko. Ang gusto ko, sumunod ka. Kung hindi, magbibigay ako ng utos na patayin ka oras na manlaban ka."

"I don't need any deal from you. Nobody gets a good deal from the Slayer."

"I will buy my own daughter as prize for Kill for Will. That's how the bidding works and we need participation."

"Dead end ang Kill for Will para sa lahat ng players. Bidder din ako doon. Kung iniisip ninyong may makakalabas sa islang 'yon, nagkakamali kayo."

"Exactly! Now, after the game, I want you to do this if you want to live and take your city back . . ."

"What do you want me to do?"

"Get the Project ARJO and keep her for me. Hindi siya puwedeng mapunta sa kamay ng mga Guardian, lalong-lalo na ng mga Superior. Are we clear?"

"Pero hindi ko kaya 'yon!"

"Pwes, kayanin mo."



***



"RYJO!"

Napamulagat agad ng mata si Helmer dahil sa masamang panaginip. Hingal na hingal siya at butil-butil ang pawis sa noo na gumagapang sa pisngi. Napakabilis ng galaw ng mata niya na parang may hinahanap sa paligid.

"Nasaan na siya?" Titingin-tingin sa Helmer sa kaliwa't kanan niya at napabalikwas ng bangon. "Nasaan na—agh!"

Bumagsak agad si Helmer dahil sa bigat ng pakiramdam. Namamanhid ang buong katawan niya. May naaninag ang paningin niya sa gilid. Imahen ng tao.

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Where stories live. Discover now