25. Centurion's Dilemma

716 61 13
                                    

Kung may isang bagay sa loob ng Citadel na talagang pag-uusapan ng lahat, hindi lang basta tsismis kundi malaking kaso na tatabi sa life and death situation, malamang na iyon ay ang ginawang pag-reject ng Guardian Centurion sa marriage proposal ng Fuhrer.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung ano at gaano kalaki ang kaugnayan ng isang Guardian Centurion sa Fuhrer. Sa isang monarkiya, itinuturing na hari ang Fuhrer at reyna naman ang kanyang Guardian Centurion pagdating sa kapangyarihan. Ang kaibahan nga lang, ilang henerasyon nang pinatatakbo ang Citadel ng mga lalaki. Nakahilera si Cassandra Zordick sa mga magmamana ng trono at kailangan lang niyang pakasalan ang isang Zach upang maisalin sa kanya nang legal ang titulong iiwan sana ni Adolf Zach. Iyon nga lang, isinuko nito ang posisyon at naipangako sa anak ni Joseph Zach na si Richard Zach kaya walang ibang nagawa si Cas kundi hintayin itong manumpa. Ngayon lang dumating ang sandali na tuluyan na ngang naging babae ang Fuhrer.

May nakatutuwang batas na nakasaad sa Criminel Credo—batas na personal na ginawa ng founder ng Citadel na si Adolf Zach—na maaaring pakasalan ng Fuhrer ang Guardian niya kapag dumating ang sandaling wala itong mahanap na mapapangasawa at kailangan ng lehitimong mapagsasalinan ng titulo base sa isinasaad ng ibang batas.

Hindi lang nila inaasahang lahat na darating ulit ang panahong mangyayari nga ang nakasaad sa naturang batas ng Credo na iyon na wala namang nagtangkang baguhin o alisin man lang ng ibang Superior na namuno noon matapos ang naging kasal nina Cas at No. 99.

Nasa Oval ang mga aktibong Decurion na may Superior na pinaglilingkuran sa puwesto kasama si Xerez na nasa kabisera. Nakaupo sa malaking mesa si Ara sa kaliwa niya, katabi nito si Leto. Nag-iisa sa kanan niya si Ivan. Pare-parehas na walang mabasang emosyon sa mga mukha. Walang bakas ng problema sa mga mukha nila kahit na alam nilang malaking problema ang kinakaharap nila sa mga sandaling iyon.

"Alam ng lahat ng Guardian na hindi si Lady Josephine ang pinaka-istriktong Fuhrer na namuno sa Citadel," panimula ni Ara, "pero hindi pa rin natin maaaring tanggihan ang kahit anong sabihin niya."

"Ara, bababa ako sa puwesto kapag tinanggap ko ang alok niya."

"Xerez, magiging Superior ka kapag tinanggap mo ang alok ng Fuhrer. Hindi ka bababa, aangat ka," paalala pa ni Leto sa kanya.

Doon lang nagpakita ng ibang reaksiyon si Xerez. Napahilamos na lang siya at nagbuntonghininga.

"Can we talk this one lightly, guys?" alok ni Xerez sa tatlong kasama. "Quin, what do you think?"

Pagkasabi niya niyon, doon lang nagpakita ng emosyong nababasa ng normal na mata ng tao sina Ara.

"Sav, kilala ka namin," sabi ni Ara sa mas magaang boses at hindi na kontrolado. "At hindi rin kami ipinanganak kahapon." Nagtanggal siya ng butones sa suot na black suit at komportable siyang umupo sa upuan. "She's not the Fuhrer and this is not a job for you anymore."

"Kahit si Lord Raegan, nasa iyo ang boto, Sav," nakangiti pang sinabi ni Leto na nakuha pang mangalumbaba sa mesa—na ipinagbabawal para sa kanila dahil kawalang-galang nga raw iyon. "Ano ka ba? This is your chance!"

Nakagat ni Xerez ang labi at doon lang nila nahalatang problemado na talaga siya. Sa iilang pagkakataon, noon lang nakita ni Tristan na marunong palang mamroblema ang Guardian Centurion ng Citadel.

"Xerez, pinipilit ni Reese ang gusto niya. At alam kong hindi siya papayag na magpakasal ka kay Arjo," sabi ni Tristan.

"No offense, Dragna, pero alam namin kung ano ang pakay ng mga Havenstein sa posisyon," sabi pa ni Ara kay Tristan habang nakataas ang kilay niya. "Some people will kill half of the world for this hell, so we can't blame the deed."

Dealing With Mr. Jacobs (Book 12)Where stories live. Discover now