Q

650 42 1
                                    

"WHAT THE HELL?"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking napagtanto. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mga asul na mata. Nanlalaki ang aking mga matang napatingin sa kanya at napahawak sa aking dibdib. Napakislot ako nang maramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.

Shit. What the hell is happening?

"Am I dreaming?" 'Di ko maiwasang itanong sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. 'Yon pa rin ang suot niya, tanging makapal lang na tela sa kanyang pang-ibabang katawan.

Hindi ko sinadyang mapatingin sa kanyang abs. Tangina, ganito ba kalakas ang epekto ng abs niya sa akin na kahit sa pagtulog, nakikita ko pa rin?

Vividly.

I heard him chuckle and my throat went dry. Ang sexy niya naman tumawa!

"You're not. I'm the god of dreams, by the way, so I know whether you're dreaming or not." He flashed me a smile, making me see his perfect set of white teeth. Some strands of his bangs covered his left eye, but I can still see it poking through the strands of his hair, staring amusedly at me.

There's delight and amusement flashing in his eyes which made them sparkle . Para bang nakakita siya ng paborito niyang pelikula. 'Di ko tuloy maiwasang mailang, pero panaginip lang naman 'to, 'no!

Pero wow, ha. English spokening siya! Malamang, greek siya, eh! Ang boploks ko naman.

"Don't english spokening dollars me, ha. My gosh." At dahil panaginip 'to, susulitin ko na.

Muli akong humiga sa aking kama at tumagilid ng higa upang makita siya. He's sitting on the edge of my bed, looking at me over his shoulders. His eyes are filled with innocence. Baka naman magkaka-stiff neck siya n'yan!

Tinapik ko ang espasyo sa aking gilid habang hindi inaalis ang aking tingin sa kanya.

"You can lay down beside me."

Kita ko pa ang panlalaki ng kanyang mga inosenteng mata na para bang nagulat siya sa itinanong ko.

"Are you sure?" He asked in a soft voice and looked at the empty side of the bed as if wanting to lay there.

I smiled at him and nodded my head. Ang pogi niya naman kahit sa panaginip!

"Yes. No malice. It seems like you want to lay on the bed and rest." And when I said those words, hindi na siya umangal pa. Morpheus laid on the bed and closed his eyes.

Akala ko, 'yon na. But what he did next made me hold my breath in surprise.

Itinaas niya ang isang kamay at ipinalibot iyon sa bewang ko. Malakas akong napasinghap lalo na nang maramdaman ang kanyang palad. It radiates warmth that cause goosebumps to appear on my arm. Shit.

Sunod-sunod akong napalunok at tiningnan ang kanyang natutulog na pigura. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan. He has thick and curly eyelashes and a plump rosy lip. Gaya na lang no'ng nakita ko sa libro, but he's more handsome here in my dreams or in person.

Kumunot ang aking noo nang may napagtanto. He said he's the god of dreams. Morpheus is the god of dreams. Posible bang kaya ganito ang napapanaginipan ko dahil sa kanya?

Hmm, masyado lang talagang impactful ang kapogian niya.

Napangiti ako at pabiro siyang sinundot sa tagiliran. "Why are you visiting me in my dreams?"

His blue innocent eyes blinked as if my question caught him off guard. Then, after a while, a wide smile formed across his lips. 'Di ko tuloy maiwasang mapatingin sa ngipin niyang pantay-pantay at sobrang puti. Shiny pa super!

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now