+

1.2K 40 3
                                    

Genre: YA Fantasy-Romance

-----

"PSYCHE OBEYED THE commands of Ceres and took her way to the temple of Venus— Ay, putaragis!" Nahulog ang librong binabasa ko mula sa aking mga kamay. I was reading a book about Greek gods and goddesses which contains a compilation of their stories. May mga pictures din ng gods and goddesses which made the book fun.

Napakamot ako sa aking kilay at yumuko upang kunin ang libro.

"Ayan, ihulog mo pa!" mapang-asar na wika ni Celine habang ang mga biluging mata ay nakatitig pa rin sa librong binabasa. Napaikot na lang ako ng mga mata at tuluyang pinulot ang libro.

Napatigil ako nang makitang nasa ibang pahina na nakabuklat ito. Pahina kung saan may whole body picture ng isang lalaking diyos. Tanging makapal lang na tela ang siyang nagtatakip sa kanyang pang-ibabang katawan. The only clothing that covers his nakedness reached his mid-thighs. Sa pang-ibabang parte ng picture, nakalagay ang kanyang pangalan.

Morpheus: The God of Dreams

My eyebrow arched. So. . . he's the god of dreams. If he's truly real, I wish he can make my nightmares go away.

Morpheus has a pair of blue tantalizing eyes, just like the calm ocean creating waves with the rhythm of the wind. His lips are like roses, red and soft. Natatakpan nang konti ang kanyang mga mata ng kanyang buhok. May laurel siyang korona at may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. He seems. . . so fucking alive.

Hindi naman ganito kalakas ang epekto ng mga nagdaang picture sa akin, ah? Pero ito, damn! Ang pogi!

"Hoy, boploks. Anyare sa 'yo?"

Napatingin ako kay Celine na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Probably, because I was staring at the book too much.

Bumaba ang kanyang tingin sa librong hawak ko. "Napunit?" tanong niya bago muling tumingin sa akin. Umiling ako sa kanya.

"Wala! May naisip lang! Balik ka na nga lang sa pagbabasa!" At salamat sa Diyos dahil ginawa niya ang sinabi ko. Muli akong napatingin sa picture.

I swallowed the lump in my throat when my eyes landed on his torso. Damn those abs. Damn those fucking six-pack abs. Yung biceps niya. . . Holy cow. Guhit lamang iyon pero bakit ang lakas ng dating sa akin? I suddenly want to paint every detail!

"Celine, una na ako! May pinagawa sa akin ang kapatid ko!" sigaw ko sa kanya habang inilagay ang libro sa aking bag at inayos ang aking mga gamit. Mabilis ang aking mga kilos, at kita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin si Celine sa akin.

"Pakisabi na lang kay tita na thank you kapag nakarating na siya!"

"Hoy, gago! Huwag mo akong iwa— Aba!"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya sana nang mabilis akong lumabas sa kanilang bahay. Kaagad kong tinungo ang bahay namin at mabilis na kinuha ang libro sa aking bag.

Pumunta ako sa arts studio ko at agad na hinarap ang aking canvas. I'm so excited to paint him! Ramdam na ramdam ko ang malakas ng kabog ng aking puso at ang panginginig ng aking mga daliri dulot ng kasabikan.

I mixed colors and created hues. I painted him the way he deserves to be painted. My hand seems to have a mind of its own. I was motivated to make an outline and paint him.

Mula sa kanyang mga asul na mata, sa kanyang magulong buhok, sa kanyang mga mapupulang labi, ang bawat detalye niya ay hindi ko ipinalagpas.

After I painted him for three fucking days, nilagay ko ang kanyang pangalan sa ibaba ng kanyang imahe at ang aking pirma. Morpheus, the god of dream. My painting. My Morpheus.

Tiningnan ko ang aking gawa at napangiti sa nakita. Pinakatitigan ko itong mabuti. Parang mas naging may buhay siya nang ipinta ko na kompara no'ng nasa libro. 'Yong mga mata niya, tila nakatitig sa akin. And it struck something inside me.

I giggled and kept on admiring him. Posible naman sigurong magka-crush sa isang fictional character, 'di ba? Saka crush lang naman!

No'ng gabing iyon, nakatulog ako nang may ngiti sa aking mga labi. But just like before, nightmares came, and I remember waking up because I felt someone caressing my hair.

Nagmulat ako ng mata at asul na mga mata ang sumalubong sa aking paggising, magulong buhok, at mapupulang mga labi na may ngiting nakaukit.

Gano'n na lang ang aking gulat nang mapagtanto kung kaninong mga mata ang tinitigan ko.

Mga mata iyon ni Morpheus. 

-----

Please correct me if you see any technical or grammatical errors. Thank you!

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now