W

404 37 1
                                    

"THAT'S WHY I have to go back to my world as soon as possible."

Those words keep on playing in my mind for one hour straight. It has been three days. . . but why can't I get it off my mind?

He has to go back to his world in order to defeat Phobetor.

Mariin akong napapikit at marahang minasahe ang aking ulo. May mga pagkakataon pa rin talaga na ayaw mag-sink in sa akin na tila nagiging fantasy ang buhay ko.

"Is your head hurting?"

Kaagad akong nagmulat at ang mga bughaw na mata ni Morpheus ang sumalubong sa akin. Nakaupo ako sa sofa. My head is leaning on the headrest, and he's standing behind me, watching over me.

Upside down.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. His pupils are dilated. Halos sakupin na ng itim ang buong bughaw ng kanyang mga mata. And I don't know why he looks so good from this angle.

"Three A's?"

A finger gently tapped my cheek thrice, making me blink my eyes. And that's when I realize kung gaano na ako katagal nakatitig sa kanya na ikinalaki ng aking mga mata. Hala pucha! 'Di niya naman siguro binigyan ng meaning, ano?

I cleared my throat and sat up straight. Mabilis naman siyang tumabi sa akin, pero may sapat na distansya sa pagitan namin. Sapat lang upang hindi magkatagpo ang aming mga balikat. Patay talaga siya sa akin kapag lalapit siya nang sobra. Baka kikiligin na naman ako! Eme.

"Are you okay?" May bahid na pag-alala ang kanyang boses. Iniwasan kong mapatingin sa kanya at tumango.

"Yes, I am." Pero tila hindi siya na-convince. Malamang! Sinong maco-convince, eh, ang tagal kong nakatitig sa kanya kanina!

I let out a dramatic sigh and begin to think of reason that will convince him that I'm thinking of something.

"I was thinking about our thesis." I licked my lips and smiled at him.

Wala naman talagang problema sa thesis namin. Na-pass na namin, at next week, prepare na kami sa pagde-data gathering at paggawa ng miniature sa nai-propose namin.

Sa gilid ng aking mata, nakita kong itinukod niya ang kanyang siko sa headrest, and he supported his face using his cheek.

"What about it?"

Ang kulit naman ng crush ko! Pero dahil crush ko siya, sige na nga.

Sumandal ako sa sofa at tiningnan siya. "Well, we have to make a miniature next week so I'm sure that I will be very busy. We have to spend our night at our groupmate's house."

"Do you want me to help?"

Tinaasan ko siya ng kilay nang marinig ang kanyang tanong. Wow, kung maka-offer, feel na feel na pinakilala ko na siya sa mga kaklase ko, ah!

Natawa ako at napailing. "They will be shocked, Morpheus. And. . ." I let out a deep sigh. "They shouldn't know about you."

Confusion filled his eyes, at nagkasalubong ang kanyang mga kilay. "You can introduce me as your friend."

Napakamot ako sa aking buhok. 'Yon? 'Yong mga tangang 'yon? Maniniwala na magkaibigan lang kami kahit 'yon naman ang totoo?

"Or you can introduce me as your lover."

Nabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ang kanyang sinabi. Nanlaki ang aking mga matang napatingin sa kanya habang tinapik-tapik nang malakas ang aking dibdib. Putangina?

May mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi at nanunukso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakangiti pa siya habang kagat-kagat ang kanyang labi na tila pinipigilan na huwag matawa.

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now