R

338 36 1
                                    

"MAMA, 'WAG PO!"

"Anak, takbo!" Hinila ni papa ang aking kamay habang tumatakbo kami papalayo kay mama na ngayon ay hinahabol kami.

May hawak siyang malaking chainsaw at umaandar iyon. Ang tunog na nagmumula sa chainsaw ay siyang nakapagpatindig ng aking balahibo. Mas binilisan pa namin ang pagtakbo kahit pagod na pagod na ang aming katawan.

Ano ba ang nangyayari kay mama?

Habol-habol ko ang aking hininga at mahigpit na nakahawak si papa sa aking kamay. Ang mga binti ko'y nananakit na dahil sa kakatakbo. At nang nilingon ko si mama, gano'n na lang ang gulat ko nang lumaki nang lumaki ang kanyang katawan.

"Huwag kang lilingon!" malakas na sigaw ni papa sa akin ngunit 'di ko magawang tanggalin ang mata ko kay mama na ngayon ay may namumula ng mga mata.

"Shh. . ."

Someone caressed my hair as if comforting me and something warm and soft landed on my forehead. My forehead knotted when the vision of me transitioned.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko ang ilaw na nagmumula sa araw. Flowers bloomed on the side streets, and beside me, I saw my mama and papa hugging.

"Punta tayo kina mama at papa dali! Sabihan natin punta tayo sa amusement park!" masayang ani ng kapatid ko at hinawakan ang aking kamay. Sabay kaming tumakbo papunta sa aming mga magulang na kaagad kaming sinalubong ng yakap.

Ah, this feels nice.

And for the second time, something warm pressed my forehead before I felt a hot breath fanning my ear.

"I'm sorry, Three As."

"MY DREAM WAS weird and scary as hell. Or I don't know if I should call it a dream. More like a nightmare," saad ko kay Morpheus nang madatnan siya sa kusina na nagluluto. It's six in the morning. Nine pa ang classes ko.

He threw me a quick glance over his shoulder before turning to his business again. "Phobetor is still on the move, huh.

And it would be scarier for those people who dream about their trauma. There are some who died due to intense fear, o 'di kaya dahil ayaw na nilang balikan ang dinanas nila noon," mahabang ani niya habang nakatalikod sa akin.

I thought about what he said, and named the situation that he had just talked about. "Bangungot. Sleep paralysis."

He nodded. "Yep. At kapag may buhay na nawawala, palakas nang palakas si Phobetor." Tinakpan niya muna ang kalan bago ako hinarap. "Kaya dapat na akong bumalik," he let out a sigh and stared at the void, "but I don't have any idea how."

I can see how difficult his situation is right now. That must be so hard. Kahit ganito si Morpheus, alam kong atat na atat na siyang makabalik sa pinanggalingan niya upang wala nang buhay na makuha si Phobetor. He seems so unbothered during his second day here, at ngayon lang namin napag-usapan ulit ito.

We're talking about lives here. At doon lang nag-sink in sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad na pasan-pasan niya sa kanyang balikat.

Pero. . . paano nga siya makakabalik?

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now