E

353 37 2
                                    

NAKAUPO LANG SI Morpheus sa aking kama habang tinitingnan akong naglagay ng mga gamit sa bag ko.

"You told me you will stay at your groupmate's house next week," Morpheus stated, never taking his gaze off my backpack.

Tinanguan ko lang siya habang pinapasok sa bag ang aking mga dapat dalhin para sa miniature.

"Nagbago, eh. Dapat na naming gawin as early as now." Napaaga kasi ang overnight namin. Dapat na talaga naming simulan ngayon agad dahil hectic ‘yong schedule namin next week. Baka ‘di namin masimulan ang miniature.

Rinig kong napaubo si Morpheus, pero hindi ko siya tiningnan. I already conditioned my mind a lot of times last night. I should act casually and cool around him.

Sinarado ko ang aking bag at tiningnan siya. "Aalis na ako, okay? Mag-lock ka ng pinto."

He nodded at me and stood up from my bed. Sabay kaming lumabas ng kwarto ko at pumunta sa sala na hindi nag-iimikan. Wala rin naman kasi kaming dapat pag-usapan.

Naglakad ako papunta sa divider ng sala at dining room saka kinuha ang susi ng kotse ko roon. Huling gamit ko nito last week pa, eh. Baka magiging low pa ang battery nito. Mahal pa naman magpa-charge.

"Gagamitin ko muna ang kotse," I told him even if it was unnecessary and showed him the car key.

Kita kong tumaas ang kanyang kilay at kuminang ang kanyang mga mata. "You can drive?" tanong niya pa at napasinghot kahit kakasabi ko lang na gagamitin ko ang sasakyan. Wow! Amazed na amazed ang gago, ah.

I threw him a sideway glance and nodded. "Yep."

Dumaan naman ang pagtataka sa kanyang mga mata at nagkasalubong ang kanyang mga kilay. "Eh, bakit hindi mo ginagamit kapag papasok ka?"

Napasimangot naman ako sa narinig. I scoffed and rolled my eyes. "May bayad kapag nagpa-parking! 25 pesos per hour kaya no thanks na lang!"

Talagang nakakainis. Kahit studyante walang patawad. Pero kapag faculty, staff, at higher authority, talaga namang libreng-libre!

Kita kong napasimangot si Morpheus at napailing. "That's bullshit," malutong niyang mura na medyo ikinagulat ko. Oh, wow. That's a first. Gods do curse rin pala.

"I didn't know you could curse." I shrugged my shoulders and raised an eyebrow at him.

Maglalakad na sana ako papunta sa pinto nang hinarangan niya ang dinadaan ko. He folded his arms and looked at me intently. May ngisi sa kanyang mga labi na ikinalunok ko.

"Why not? Anong tingin mo sa akin?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na ikinaatras ko. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagtahip ng aking puso. Shit. What is he doing?

"B-Bakit ba ang lapit mo?" Itinulak ko ang kanyang mukha at sinamaan siya ng tingin. "Lumayo ka nga!"

Pero imbes na lumayo, inilapit niya ulit ang kanyang mukha sa akin na ikinalunok ko nang sunod-sunod. Naniningkit ang kanyang mga bughaw na mata na tila ba binabasa ako.

"Bakit? Nai-intimidate ka ba? Did our distance make you hold your breath?"

"Morpheus!"

Tuluyan na akong napasinghap at muling umatras. Kumakabog ang puso ko. It's beating too damn fast, at kahit gusto kong depensahan ang sarili ko, hindi ko magawa. Tila naputol ang aking dila at hindi ako makapagsalita.

Damn. This is bad. Nasaan na ang sinasabi kong I should act cool? Shutangina!

His lips broke into a playful smile and a laughter escaped from his mouth. "Joke lang! Ang sarap mong asarin!"

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now