SIMULA

2.4K 34 4
                                    

YASI'S POV

"Seryoso ba kayo?"tanong ni Lia sa mga kasama nya.Anim silang nandito sa isang abandunadong apartment.Bakit sila nandito?Napagtripan nilang magroad trip at naubusan sila ng gas kaya dito nila naisipang tumuloy muna.

"Oo.Bukas na tayo maghanap ng gasoline station kung meron man.Masyadong liblib ang lugar na to kaya posibleng matagalan pa tayong maghanap."sabi ni Jim

"Aish!Walang signal!"reklamo ni Mika at lumabas ng kwarto..

"Anu kayang makakain dito?"sabi ni Vin at naglakad papunta sa kusina.Magkakasama kami ngayon sa iisang kwarto pero mamaya kapag matutulog na eh maghahanap na kami ng kanya kanya naming kwarto.

"Hey babe,ang lalim ata ng iniisip mo?"napalingon ako kay Gab,ang boyfriend ko.Nginitian ko sya.

"Ewan.Di lang maganda yung nararamdaman ko sa apartment na to."sabi ko sa kanya.Inakbayan naman nya ako at hinaplos ang braso

"Don't worry okay?Nothing will happen."tumango na lang ako.

MIKA'S POV

"Hayst!Ang dead end naman ng bahay na to!Walang kasignal-signal bwiset!"inis na bulong ko habang itinatapat kung saan saan ang iPhone ko.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko at nagkasignal.

"Yes!Finally..Dito lang pala may signal."naupo muna ako at sumandal sa pinto.Bakit nga ba ako naghahanap ng signal?Nothing.I just want to check my facebook account.Sakto at may ilaw sa pwesto ko kay nagselfie muna ako with caption na..

'WE'RE ON OUR ROADTRIP :'> BUT SADLY WE RAN OUT OF GAS :'<'

420 Likes 150 Comments

Chineck ko ang mga comments..

'Oh my gosh!What's that on you back?On the door?'

'Is that a ghost?Waaaah Scary'

'Sheez your so beautiful as always Mika'

'Ang creepy pero masaya siguro yan'

'Namamalikmata lang ba ako?I can see a ghost at your back standing infront of the door.'

Ang weird ng mga comments nila.Alam kong creepy ang lugar na to.Abandunado na nga diba?Tapos tatakutin pa yung sarili nila.Well let me check na nga lang.

Tinignan ko ang selfie ko kanina at zinoom in ang door sa likod ko.

"OH.MY.GOSH."napatakip ako sa bibig ko at sakto namang namatay ang ilaw pati na din ang cellphone ko.Wait!Di pa naman lowbat to eh!I tried to open it pero ayaw.

"SH!T"naiiyak na bulong ko.Naghanap ako ng makakapa.At may nakapa akong door knob kaya binuksan ko ito at nagbabakasakaling may switch ng ilaw at bumukas.And i'm lucky kasi may ilaw pag-on ko ng switch.

Tinignan ko naman ang pinasukan ko.Di pala to kwarto.EXIT pala to..Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang mag-open ito.Weird kasi biglang sa camera sya nag-on eh fb ang gamit ko kanina.Napailing na lang ako at itinaas ang phone ko at inilibot ang cam sa bawat sulok ng exit.What's with my phone ba?And what's with me?Kasi nililibot ko ang cam ko?Napatili ako ng biglang mamatay ang ilaw.Gosh!Ayoko na!I'm scared.Hinawakan ko ang door knob at pilit binubuksan pero ayaw.Kaya hinahampas ko ang pintuan habang sumisigaw.Baka sakaling marinig nila.

"HELLP!!HELP ME OUT OF HERE PLEASE!!"napatigil ako ng makarinig ako ng kalabog sa likod ko.Dahan-dahan akong lumingon sa gawing yun.Madilim.

'Mika'

Narinig kong may tumatawag sakin nyan.Boses babae.Fvck!Is that a ghost?

'Come here...'

Natatakot na lumapit ako sa gawing yun.I don't know pero ako kasi yung tipo ng tao na kapag curious talagang lalapitan ko.Narinig kong tumawa ang tumatawag sakin kaya napatigil ako at biglang bumukas ang ilaw.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang baril na nakakonekta sa dingding..At nakatutok sakin.

"Sh!t.What the hell is that?"bulong ko.Kinakabahan na ko.Di ko alam kung anong pwedeng mangyari.

'Bye bye hihihi'

Napalingon ako sa likod at napatili ako ng makita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at puno ng dugo ang mukha at katawan nya.Nakasuot ng puting dress at nakangiti sakin.Yung nakakatakot na ngiti.Tinuro nya ang likuran ko kaya napalingon ako dun at isang malakas na tunog ng baril ang narinig ko and then everything went black.

----

VIN'S POV

"Vin.Di mo ba pupuntahan girlfriend mo?Kanina pa yun di bumabalik eh."sabi sakin ni Jim

"Oo nga baka napano na yun."Yasi.

"Sus!Yun pa.Ang tapang kaya nun.Lagi nga kong binubugbog eh."biro ko.

"Puntahan mo na lang dun Vin."Lia.Napakamot na lang ako sa ulo ko at naglakad palabas ng kwarto.

'Asan na ba yun?'

Napatigil ako ng makarinig ako ng putok ng baril.Medyo malayo sa kwarto namin kanina yun pero medyo malapit sakin ang tunog kaya tumakbo ako papunta dun hanggang sa makarating ako sa isang Exit.Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko ng makita si Mika na nakahilata at puno ng dugo ang sahig.

"MIKA!!"sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.Shit!Sino may gawa nito?

"Mika!Wake up!"sabi ko habang sinasampal ng mahina ang pisngi nya.

'Shhh'

Napalingon ako ng makarinig ako ng isang boses.At nagulat ako ng makita kung sino yun at bigla akong sinaksak sa mata ng hawak nyang kutsilyo.Napahiyaw ako sa sakit!Fvck!Ba't nya to nagawa?Anong nagawa naming mali sa kanya?Nakita ko sa kabilang mata ko na kumuha sya ng napakalaking itak kaya napaatras ako.

"S-stop!Pl---ease.."ngumiti lang sya at umiling bago itarak sa ulo ko ang itak at di ko na alam ang sumunod na nangyari.

----

A/N: Hello guys :'>

Sorry di po ko magaling gumawa ng ganitong story.About horrors,mystery,thriller.Natripan ko lang gumawa kaya eto hahaha.BTW,don't judge my work po kasi libangan ko lang naman ang magsulat ng mga stories that's why nakakagawa ako ng iba't ibang storya na nililikha ng utak ko(nakanaks!)Basta yun!Thanks sa mga nanaising magbasa nito.Sa mga di po itutuloy ang pagbabasa naiinitindihan ko po :'< pero salamat pa din. :'>

Truly yours,
dan_chu :-*

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon