Kabanata 16

334 10 0
                                    

CALI'S POV

Flashback

"Sa tingin ko kailangan nating magplano.."napatingin ako kay Gab sa sinabi niya..

"Anong plano?"tanong ko..

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin...

"Papatayin natin silang apat."napatayo ako sa sinabi niya.

"Gab!Hindi ko kayang pumatay ng tao!Labag sa Diyos yun!Kasalanan yun!"sigaw ko..

"Alam ko Cali!Pero ito na lang ang tanging paraan para makatakas at mabuhay tayo."sabi niya at tumayo tsaka lumapit sakin.Hinawakan niya ko sa magkabilang braso bago magsalita."Kahit ako ayokong pumatay ng tao.Pero ito na lang ang magliligtas sating dalawa Cali.Dalawa tayo apat sila.Pero kahit ganun alam kong magtatagumpay tayo kasi gagabayan tayo ng Diyos."di ako sumagot sa sinabi niya at tumingin lang sa kawalan.Parang di ko kaya...

"Ano bang pinaplano mo?"tanong ko..Ngumiti sya at inalalayan akong umupo at tumabi siya sakin.

"Sa ngayon hawak nila si Gia..Magkahiwalay natin silang hahanapin ng sa ganun ay mas madali nila tayong makuha at madala sa kinaroroonan ni Gia.Susubukan nating iligtas si Gia kung makakaya..Pero kung hindi na wala na tayong magagawa."

"Susubukan?Hindi natin susubukan Gab.Gagawin nating iligtas si Gia."sabi ko at tumango na lang sya bago nagpatuloy sa sasabihin nya.

"Pero kung di natin magawang maligtas si Gia.Ang sarili na lang natin ang ililigtas natin."napatingin ako sa kanya at nakatingin lang sya sa kawalan.

End of flashback

----

FRED'S POV

Marahan kong iminulat ang mata ko at nakaramdam ng kirot sa likod ng ulo ko.

"Ah!Shit!"hahawakan ko sana ang ulo ko ng di ko magalaw ang mga kamay ko kaya agad kong tinignan yun at napagtantong nakatali pala ang kamay at paa ko sa mesa..Shit!Napatingin ako sa dalawang nasa harapan ko.Si Cali na nakaupo at si Gab sa tabi niya na nakatayo.."Pakawalan niyo ko dito!"sigaw ko.Umiling si Cali at lumapit sakin.May hawak syang kutsilyo at napatingin ako dun.

"Sorry Fred pero di ko gustong gawin sayo to!"napangiti ako sa sinabi niya.

"Alam ko.Kasi mahal mo na ko kaya di mo magawang patayin ako."nakakalokong ngiti ang binigay ko sa kanya.

Tumawa naman sya.

"Dahil kasalanan sa Diyos ang pagpatay kay di ko magawa..Pero.."lumapit pa sya sakin at naramdaman ko ang dulo ng kutsilyo sa leeg ko.Lumapit na din si Gab sakin na may hawak ding kutsilyo."Kailangan naming gawin to para makaligtas kami."bulong ni Cali.

"AAAAAAHHHHHHHHH!!"sabay sabay kaming napatingin sa may taas pero kisame lang ang natitignan namin(Gets mo?!)Si Nika yun panigurado ako..

"Wala na tayong oras Cali..Baka di magtagumpay ang plano kung di na natin sya papatayin."tumango si Cali at napasigaw ako ng itarak niya ng dahan dahan ang kutsilyo sa leeg ko.Nakikita kong tumatalsik din ang mga dugo ko sa mukha ni Cali..Mas lalo akong napasigaw ng may sumaksak sa dibdib ko..Si Gab.

"Sorry.."bulong ni Cali at mabilis na tinusok ang kutsilyo sa leeg ko at nawalan na ko ng malay.

----

NIKA'S POV

Nakita namin si Troy na nakadilat ang mata pero wala ng buhay.Puno ng saksak ang dibdib niya..Walanghiya!Sino ang gumawa nito?

"Tara na Nika!"hinila ako papasok ni Ate Yasi sa Exit at bumaba kami ng mabilis at napatili na naman ako ng makita si kuya Fred na nakatali sa mesa at puno ng dugo.May butas ang leeg at may saksak sa dibdib.Nakadilat din sya ng lapitan namin.Nakita kong tumulo ang luha ni ate Yasi at kumuyom ang kamao.Inikot ko ang paningin ko at walang nakitang kahit na sino..Kahit sina Gab at Cali..

"Magbabayad silang dalawa..Papatayin ko sila.."sabi ni ate Yasi at kinuha ang malaking itak sa madilim na parte ng basement..Kabisado namin kung san nakalagay ang mga gamit dito dahil planado ang paglagay ng mga gagamitin naming pampatay sa kanila.Kinuha ko yung chainsaw na ginamit ko sa pagpatay kay Gia kanina at umakyat kami ng sabay ni ate Yasi..Napahagulgol ako ulit ng makita ang katawan ni Troy sa sahig paglabas ng exit..

Magbabayad silang dalawa..

---

GAB'S POV

Nagtago kami ni Cali sa ilalim ng hagdan..Madilim ang parte na to at masikip kaya pinagkasya namin ni Cali ang katawan namin.

"Wala na sila.."bulong ko ng marinig na umakyat sila sa hagdan at bumukas ang pinto sa taas..Tumingin ako kay Cali at lumingon din sya sakin.Nanlaki ang mata ko ng mapansing onting distansya lang pala ang pagitan naming dalawa..Nagulat din sya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa..Agad akong umalis dun sa ilalim ng hagdan at inalalayan ko syang tumayo bago tumalikod sa kanya..Namula ata mukha ko eh?

"Ehem."napaubo ako at humarap sa kanya..Nakatalikod din sya sakin..Awkward.."T-tara na?"nakatalikod syang tumango at naglakad sa madilim na part kung san nandudun ang mga gamit nila Yasi pangpatay..Nakita kasi namin kanina..Tinitigan ko lang mula sa likod si Cali at ngumiti bago sumunod sa kanya..

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon