Kabanata 6

371 10 0
                                    

RICK'S POV

"Nooo!!!That's not true!!Hindi totoo yan!!"sigaw ni Lia..Nagwawala na sya ngayon matapos makabalik ni Fred at si Cali na umiiyak..Nakita daw nilang patay na si Jim

"Lia..Calm down.."Gab

"Nooo!Jim!!"umiyak ng umiyak si Lia

"Lia don't cry please baka mahimatay ka na naman.."umiiyak na sabi ni Yasi habang pinapatahan sya..Umiling lang si Lia

"Di pa sya patay!!Di sya patay!!!"sigaw niya at nawalan na ng malay..

"Rick tulungan mo kong ilagay si Lia sa kwarto nyo.."sabi ni Gab sakin.Tumango na lang ako at tinulungan sya..

"Hayaan muna natin sya dito hanggang sa magising sya.Babalik din sa dati yan."sabi ni Gab at lumabas ng kwarto.Tinignan ko muna si Lia na natutulog bago sumunod kay Gab.

"God!Ganun ba kagrabe yung multo na yun para gawin nyang karumaldumal ang pagkamatay ni Jim?"sabi ni Gia..Naupo ako sa tabi ni Nika at inakbayan sya habang naiyak.

"I'm scared.."bulong nya

"Shhh don't be..Andito lang ako don't worry.."

Tumayo si Gab..

"I'll find a way para makalabas tayong lahat dito..Hahanap ako ng paraan.."Gab.

---

YASI'S POV

Nakain na kami ng hapunan ngayon at tahimik lang kami..Sa kaliwa ko ay si Gab sa kanan naman ay si Lia..Hinawakan ko sya sa kamay..

"Don't worry Lia okay?"di nya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.Hinawakan ni Gab ang kaliwang kamay ko at nginitian ako..

Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko si Lia sa kwarto nila bago bumalik sa kinaroroonan namin kanina..

"Natatakot ako..Pano kung mamatay tayong lahat..Huhu I want to go home.."iyak ni Nika

Niyakap naman sya ng boyfriend nyang si Rick

"I won't let that happen.."sabi ni Gab.

Natahimik kaming lahat ng basagin ni Cali ang katahimikan..

"Nakalock yung pintuan sa exit.."sabi nya

Nanlaki ang mata namin..Naka-lock?

"Siguro may iba pang paraan para mabuksan yun.."sabi ni Gab..

"Pero delikado yun kapag pinuntahan natin.."sabi ni Troy

"Hindi tayo magpapadalosdalos..Iisipin natin kung kailan natin pupuntahan ang exit na yun.Kung kailan wala ang multo dun.Sa ngayon magsitulog na muna tayo."sabi nya at lumabas na ng kwarto..Sumunod naman na kaming naglabasan lahat..

----

THIRD PERSON'S POV

"Matigas din pala ang ulo ng Gab na yan."

"Isusunod na ba natin sya ate?"

Umiling ako..

"Hindi.."

"Pero bakit?Baka may malaman pa yang Gab na yan eh..Patayin na natin yan."

"Hindi pa ngayon.."sabi ko at naglakad lakad ng pabalik balik..

"May isa pang sa tingin kong nakakahalata na may kakaiba eh.."sabi ko at napatingin sila ng seryoso sakin.

"Sino?"

Tumingin ako sa kanila ng seryoso..

"Si Cali..."

----

CALI'S POV

"Lia?Ayos ka na ba?"tanong ko kay Lia ng makita ko syang naglalakad sa hallway.Ngumiti sya sakin.

"Yep.Don't worry about me.."sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad..4:00 pa lang ng madaling araw at kami pa lang ata ang gising..

"Teka!!San ka pupunta?"tanong ko sa kanya.Lumingon naman sya.

"Cr lang."tumango na lang ako at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Pst."napalingon ako ng may marinig akong sitsit..

"Anong ginagawa mo dyan?"tanong ko at lumapit sa kanya..

"Nothing..I just missed you.."sabi nya at hinalikan ako sa noo..Napangiti naman ako.

"I missed you too."bulong ko

"Anong ginagawa mo dito?Ba't mag-isa ka lang?Baka mapano ka."nag-aalalang sabi nya sakin.

"Ahh..Wala.Maaga kasi akong nagising eh.Tsaka nakita ko si Lia na pupunta ng Cr."sabi ko at niyakap sya."Sana makalabas na tayo dito no?Para makapag-date tayo.."nakangiting sabi ko sa kanya..Natawa naman sya at pinisil ang pisngi ko.

"Don't worry.Pag nakalabas tayo ng buhay dito..I-de-date kita sa favorite place ko.."nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"Promise?"

"Promise."

"BOO!!"napatili ako ng may manggulat samin.Sinamaan ko ng tingin si Rick,Nika,Troy at Gia ng tumawa sila ng malakas..

"Tss.Ba't ang aga nyong magising?"tanong ni Fred sa kanila.Humarap naman sya sa kanila at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

"Narinig kasi namin ang lambingan nyo.Mwah mwah..Promise promise..Date date..Awww..Haha"natatawang umiilag sa batok ni Fred si Rick

Natatawang napailing na lang ako.

"Gago!Asan si Gab at Yasi?"tanong ni Fred

"Nagr-ready ng almusal.."sagot ni Troy.

"Si Lia nga pala?Di ko nakita eh.."tanong ni Nika

"Ahh nagpunta ng Cr."sagot ko

"Pst!Guys.Andito lang pala kayo.Tara na kain na tayo."sabi ni Yasi at nagsunuran na sila.

"Puntahan ko lang si Lia.."sabi ko kay Fred.Tumango naman sya at naglakad na palayo.Tumakbo naman ako papunta sa Cr.

"Lia?"tawag ko kay Lia ng buksan ko ang pinto ng Cr.Pumasok ako at nakitang wala si Lia..Nanlaki ang mata ko at tumakbo palabas..Napahinto ako ng mapansing bukas ang pintuan ng Exit.Tumakbo ako papasok dun at bumaba..

"Lia.."bulong ko ng makitang umiiyak sya sa harapan ni Jim.

Napatingin ako sa pinto at kumunot ang noo ko ng mapansing may babaeng nakatayo dun.Naka white dress at puno ng dugo ang mukha..Dahan dahang lumapit ako dun pero agad syang nawala..Yun ba yung multong sinasabi ni Yasi?Pero kung yun na yun?Bakit di nya sinaniban si Lia kanina pa at pinatay ito?Napatingin ako sa bangkay ni Jim.Puro saksak.Pinatay nya ba talaga ang sarili nya?

O may pumatay sa kanya?

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon