Kabanata 15

343 8 0
                                    

GAB'S POV

Itinago ko sa likod ko si Cali ng harangan kami ni Troy sa pintuan..May hawak syang kutsilyo..

"Gab oh!"inabot sakin ni Cali ang kutsilyong ginamit nya pang putol sa lubid kanina..Itinutok ko kay Troy ang kutsilyo pero natawa lang sya..

"Haha sa tingin mo mapapatay mo talaga ako?Gab?"natatawang sabi niya.

Nabitawan ko si Cali ng may humila sa kanya sa likuran..Si Fred.

"Gago kang babae ka!Alam mo bang gagawa pa kami ng baby ni Yasi tapos sinipa mo yung armas ko"sigaw ni Fred at sinampal si Cali..

"Cali!!"sigaw ko at nilingon sila.Kinaladkad ni Fred pababa si Cali..

"Tsk tsk.Kala nyo ba makakatakas pa kayo dito?"napatingin ako kay Troy ng magsalita sya.Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kwelyo ng t-shit ko."Mamamatay muna kayong dalawa bago kami makaalis ditong apat!"sigaw niya sa mukha ko kaya napapikit ako.

Tinignan ko sya ng masama at tumaas ang kabilang sulok ng labi ko.

"Talaga ba?!"nakangiting sabi ko na mas lalo niyang kinainis.

Di niya na siguro mamalayan na may hawak akong kutsilyo kaya mabilis kong isinaksak sa tagiliran niya yun dahilan para bumitaw siya sakin.

"Aahh! Put@ngina!!"sigaw niya.

"Hoy!Troy!Anong nangyayari dyan?"rinig kong sigaw ni Fred sa baba..Sinipa ko pahiga si Troy at tinapakan ang dibdib niya.

"Ito ang tandaan mo Troy.."umupo ako ng bahagya para magkapantay kaming dalawa..Tinitigan naman niya ko ng masama habang tinatakpan pa din ang tagiliran niyang nadugo.."Hindi ako pumapatay ng tao..Pero kung kinakailangan para sa kaligtasan ko..At kay Cali..Papatayin ko kayong apat."bulong ko sa kanya

Nainis ako ng bigla siyang tumawa ng malakas..

"Naniniwala ka ba talaga sa sarili mong mapapatay mo kaming apat?2 vs 4?Nagbibiro ka ba?"natatawang sabi niya na may halong pagkasarkastiko.

Tumawa din ako at tinitigan siya.

"Hindi ako nagbibiro.Kaya kong patayin kayong apat kaya nga inuuna na kita ngayon eh.."nakangising sabi ko..Biglang sumeryoso ang mukha niya at tinignan ako ng masama.."Magpapaalam na ko sayo Troy.."ngumisi ako at itinaas ang kutsilyong hawak ko..

"T@ngina!!"sigaw niya at pilit na iniiwasan ang tinatapatan ng kutsilyong hawak ko..

Isinaksak ko yun sa dibdib niya at napahiyaw siya..

Alam kong kasalanan sa Diyos ang pagpatay.Pero kung ito lang din ang makakapagligtas samin ni Cali..Gagawin namin yun kahit mali.

Pinagsasaksak ko si Troy sa dibdib niya hanggang sa magtalsikan ang mga dugo nya sa katawan at mukha ko.Unti-unti na rin siyang nawawalan ng malay kaya tinigil ko na ang pagsaksak at tumayo.Tinignan ko muna sya bago tumingin sa taas..

"Lord,Patawad po sa gagawin naming kasalanan.Pero kung maliligtas naman po kami sa gagawin namin,gabayan nyo na lang po kami.Wag nyo po hayaang masaktan kami."bulong ko habang nakatingin sa kisame ng apartment.Muli kong tinignan ang nakamulat na si Troy at puno ng dugo ang damit nya.May dugo ding lumabas mula sa bibig nya.

Tumalikod na ako at bumaba pabalik sa Exit..Nakita ko si Fred na nakatulog ata sa sahig at may dugo sa likod ng ulo.Nagkatinginan kami ni Cali..

Ito na ang plano...

----

CALI'S POV

Kinaladkad ako pababa ni Fred..

"Wag ka ng mag-inarte babae ha?Kasi kung di lang din inutos to ni Yasi di ko gagawin dahil ayoko din naman sayo."sabi niya at tinulak ako ng malakas dahilan para mapahiga ako sa sahig..Lumingon ako sa gilid ko at may nakitang baseball bat marahan ko yung kinuha ng di niya napapansin.Narinig naming sumigaw si Troy sa taas kaya napatalikod si Fred at sumilip sa taas ng hagdan.Simula na ang plano..

"Hoy!Troy!Anong nangyayari dyan?"sigaw ni Fred..Tumayo ako at dahan-dahang lumakad palapit sa kanya..Nang makalapit ako ay agad kong hinampas ng malakas sa ulo si Fred dahilan para makatulog siya.Hinagis ko ang baseball bat at hinila si Fred papunta sa gitnang bahagi nitong Basement 'ng exit' (Hahahahaha)

Nakita ko namang bumaba si Gab at napatingin siya kay Fred na natutulog at may dugo sa likod ng ulo..Nagkatinginan kaming dalawa..

"Tulog o patay na?"tanong niya..

"Tulog"sagot ko at lumapit kay Fred..Tumingin ako kay Gab."Itali natin?"tumango sya at tinulungan akong itali si Fred sa may mesa na hinigaan ko kanina..Yumuko ako at tumingin kay Gab..Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako..

Sana hindi bumaliko ang tadhana..

Sana magtagumpay tong planong to..

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon