Kabanata 9

320 9 1
                                    

RICK'S POV

Napatingin ako sa tabi ko.Mabimbing pa din ang tulog ni Nika..Tumayo ako sa kama at lumabas.Madaling araw pa lang dahil di pa masyadong sumisilip ang araw sa bintana.

Naupo ako sa sofa at matagal na tumitig sa pintuan..

Lumabas ako ng kwarto ng maboring ako sa ginagawa ko kanina.Nakita ko si Cali at Gab sa harap ng Exit.Papasok na sana sila ng tawagin ko sila.

"Cali..Gab.."tawag ko sa kanila.Nagulat silang lumingon sakin.

"R-rick..Ba't andito ka?"tanong ni Cali sakin.

"Eh kayo?Diba dapat natutulog na kayo?Anong gagawin nyo dyan?"napatingin ako sa pintuan ng Exit.

"Diba kami ang lulutas ng problema na to?Kaya kami nandito Rick.."sagot ni Gab.Tumango na lang ako..

"Pwedeng sumama?"tanong ko sa kanila..Nagkatinginan naman silang dalawa.."Don't worry wala akong pagsasabihan ng mga malalaman ko.."sabi ko sa kanila..Wala na silang nagawa at pumayag na lang.

Sheezz!!Ang baho naman dito..Puno pa ng dugo..Napatingin ako sa gilid at nakitang may apat na bangkay dun..Bakit apat?

"Bakit apat ang bangkay?"tanong ko..

"Si Mika at Vin ang dalawa pa bago sila Jim at Lia..Nung gabi mismong magpapalipas kami dito ay namatay sila..Akala ko tumakas sila gamit ang pintuang to pero mali ako.."sabi ni Gab

"Grabe..Kawawa sila.Di nila alam pinapatay nila sarili nila."sabi ko..Nagkatinginan naman silang dalawa..Ngumiti lang si Cali sakin.

"Kapag nakaisip na tayo ng plano kung pano matatapos to!Sisirain nating ang pintuang yan."sabi ni Cali at tinuro ang pintuang puno ng kandado..Shemay!Andaming kandado!

"Kung makakaligtas tayo.."sabi ni Gab

"Huhulihin natin sya.."bulong ni Cali.Teka?Ang gulo naman nila.Pano nila mahuhuli ang multo?Nakarinig kami ng kalampag sa taas kaya nagkatinginan kaming tatlo..

"Tignan nyo sa taas."sabi ni Cali kaya umakyat kami ni Gab sa hagdan para tignan kung ano yun.

---

CALI'S POV

Nagmadaling umakyat sila Gab at Rick at ako ang naiwan dito.Tinitignan ko pa din ang bangkay nilang apat na magkakatabi..

'Pst'

Napatingin akong bigla sa may pintuang puno ng kandado..Kumunot ang noo ko ng makita ang babaeng nakawhite dress at puno ng dugo ang mukha..Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan..

"Miss?"bulong ko habang lumalapit sa kanya..

Nang makalapit ako ay tinitigan ko sya sa mata..Alam kong masamang makipagtitigan sa mata sa mga multo sabi ng lola ko pero di ko maiwasan..

"Miss?"

Bigla syang umiyak ng dugo at lumapit sakin..Nanlaki ang mata ko at biglang umatras hanggang sa mawalan ako ng malay..

----

GAB'S POV

"Sinasabi ko na nga ba eh!Di magandang sya ang kasama mo sa paglutas ng punyetang paghahanap sa multo na yan eh!"inis na sabi ni Fred..

"Fred huminahon ka nga!Kasama nila ako nun!Di naman namin alam na mahihimatay si Cali eh!"Rick.

"Hindi mo na sya isasama sa kagaguhan mo Gab!"inis na sabi ni Fred sakin.Tinignan ko lang sya at hindi sinagot..

"Awww ang sakit ng ulo ko!"napatingin kami sa nagsalita..

"Cali!!"sabay sabay na tawag nila kay Cali

"Ayos ka lang?"tanong ni Gia..

Tumango lang sya at tumingin kay Yasi.

"Cali are you okay?"tanong ko at lumapit sa kanya.Di sya sumagot pero nakatingin pa din sya kay Yasi..

"Yeah.."sagot nya at tumingin sakin.."Sasama pa din ako sa paghahanap mo sa 'Multong' yun.."sabi niya at diniinan ang salitang MULTO..Tumango na lang ako.

"What?No!After what happened?"Tumingin sya kay Fred..

"Shut up!Lulutasin ko tong problemang to!"sabi niya at naglakad palabas..Nanlaki ang mga mata nila sa inakto ni Cali..Tumakbo ako palabasat sinundan sya..

"Asan na yun?"bulong ko.

Nakita kong bukas ang pinto ng exit kaya tumakbo ako pababa dun..

"Cali.."nakita ko si Cali na nakatayo sa harap ng pinto..

"I will help you.."sabi niya pero di nakatingin sakin..Sa pintuan..

"Cali.."

"Tutulungan ko kayong mahuli ang killer kuya Gab.."nagulat ako ng bigla akong tawaging kuya Gab ni Cali.Di naman sya nagk-kuya sakin eh..Lumingon sya sakin."Sa ngayon,aalis muna ko..Pero babalik ako para ipaalam sa inyo ang buong pangyayari.Hindi muna ngayon.Ibabalik ko muna si Cali kuya Gab.."kumunot ang noo ko at ngumiti lang sya pagkatapos ay hinimatay na naman si Cali buti na lang at nasalo ko sya.

"Cali..Cali wake up.."bulong ko habang tinatapik ang pisngi nya

"Cali wake up.."

"Hmmm.."

Dahan dahang minulat ni Cali ang mata nya at umayos ng upo..

"What happened?"tanong nya..

"You faint.."sabi ko.

"Teka!Yung babae.."sabi nya at tumingin sa pinto

"Babae?"tanong ko pero di sya sumagot..

Tinawag nya kong kuya Gab kanina.

Isa lang ang kilala kong natawag sakin nun..

Posible kayang sya yun?

Posible bang si Hani yun?

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon