Kabanata 18

437 11 2
                                    

CALI'S POV

"Cali!!Anak!"niyakap ako nila Mom and Dad ng makalapit sila sakin..Umiyak ako ng yakapin ko sila..

"Mom..Dad.."bulong ko habang naiyak..

"Shh it's okay baby..Don't worry you're safe now.."sabi ni Daddy habang hinahalikan ang ulo ko..

Tumango lang ako at niyakap sila ng mahigpit..

"Gab!!"napatingin ako sa babaeng lumapit kay Gab..

"Ate!"sabi ni Gab at niyakap ng mahigpit ang kapatid..Humiwalay ako kila Mommy at Daddy at lumapit kila Gab.

"My gosh!Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo?Dalawang linggo kang nawala!"umiiyak na sabi nung ate ni Gab..

"I'm okay now ate..Don't worry."sabi ni Gab at pinunasan ang pisngi ng ate nya gamit ang thumb nya..Napatingin sya sakin ng mapansing lumapit ako sa kanila..Nagpaalam sya sa ate nya at lumapit sakin..Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin..

"We made it.."bulong nya habang nakayakap sakin..Marahan kong ginalaw ang kamay ko at niyakap sa kanya at ngumiti..

"Yeah..We finally made it.."nakangiting bulong ko din sa kanya..

"Yasi anak!!"naghiwalay kami sa yakap ni Gab at tumingin sa lalaking medyo may kaidaran na at niyakap si Yasi..

"Dad..."humagulgol sa iyak si Yasi..At niyakap ang daddy nya..Napangiti na lang ako..Buti napatigil na ni Hani ang ate nya..May katabing babae ang daddy ni Yasi..Yun siguro ang mommy ni Hani.

"Anak..Where is Nika?"tanong ng daddy nya..Bigla namang nag-iba ang reaksyon ni Yasi..Nagkatinginan kami ni Gab at muling tumingin sa mag-ama..

Nakita naming lumapit si Yasi sa isang buhanginan at hinukay yun gamit ang kamay nya..Tumakbo kami ni Gab palapit dun at pinipigilan ng mga pulis si Yasi..

"Dad!Si Hani!Andito si Hani!Dito namin siya nilibing Dad!"sigaw ni Yasi habang hinuhukay hukay ang buhanginan..Nagkatinginang muli kami ni Gab..Napaupo si Yasi at sinambunutan ang sariling buhok.."I killed her..I killed her..I killed her.."paulit ulit na bulong ni Yasi at kinagat ang kuko nya habang nakatingin sa kawalan..

Narinig naming humagulgol ang mommy ni Hani at yumakap sa daddy ni Yasi..

"Hani..I'm sorry..I'm sorry.."dumapa sa buhanginan si Yasi at niyakap yun habang naiyak at sinasabi ang mga katagang yun..

"Sir..Pakihukay na lang po yan"sabi ni Gab sa isang pulis na malapit samin.Tumango sya at umalis saglit..Umupo ako at hinawakan si Yasi pero nagulat ako ng bigla nyang hampasin yun at lumayo sakin..

"I'm a bad person..I killed them all..I killed them all!"sigaw ni Yasi at humalakhak ng malakas.."HAHAHAHA I killed them!!!I killed them!!"kinuha ng dalawang pulis ang magkabilang kamay ni Yasi at itinayo.Inalalayan naman ako ni Gab na tumayo..Sumunod ang mga magulang ni Yasi sa kanila kaya napatingin na lang kami sa hinuhukay nung pulis na kinausap ni Gab kanina..

"Sir..May buto po dito..Mukhang matagal ng nakalibing itong bangkay na to dito!"sigaw nung pulis sa parang head nila.Nagsilapitan naman sila..Lumayo na kami ni Gab dun pero napahinto ako ng makita si Hani na nakangiti samin.Ngumiti naman ako sa kanya at nakitang kumaway sya bago kunin ng liwanag..

"Did you see her?"napatingin ako kay Gab na nakatingin sakin..Tumango ako sa kanya..Ngumiti naman sya at tumingin sa langit.."Siguro nandun na sya..Nakuha na nya ang hustisya sa pagkamatay nya eh"sabi niya at muling lumingon sakin.."Thanks to you.."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gab..

"Me?Bakit ako?"tanong ko..Ngumiti lang sya at umiling tsaka ako inakbayan at naglakad na ulit kami paalis..

Masaya ako kasi nagtagumpay ang plano namin ni Gab..

Sa buong buhay ko..Di ko akalain na may ganitong eksenang mangyayari sa buhay ko..Di ko akalin na mararanasan ko ang pumatay ng tao para sa kaligtasan mo..

Siguro nga may dahilan ang Diyos kung bakit nya pinaranas samin to sa murang edad..

May dahilan sya at alam kong mabuting dahilan yun..

Sa ngayon..

Kailangan lang naming maging mas matapang sa mga susunod na pagsubok na dadating sa buhay namin..

Nung una gusto ko ng sumuko..Akala ko mamamatay na talaga ako..

Pero buti na lang at nandyan si Gab para palakasin ang loob ko..

Oh!Don't get me wrong..Kaibigan lang ang turing ko sa kanya ha!

Nakita kong isa-isang nilabas ng mga pulis ang mga bangkay sa loob ng apartment..

Simula kay Mika at Vin na di na namin nakilala at naabutan dahil sa sila ang unang namatay..Si Jim na tinakot pa ko nung una kaming magkita..Si Lia na sobrang arte pero sweet naman..Si Rick na sobrang babaero noon pero natutunang magseryoso dahil kay Nika pero di naman pala sya minahal ni Nika..Si Gia..Na sobrang gustong maranasan ang ganitong pangyayari pero may takot pa din pala..Si Troy..Na sobrang bait sa amin pero di namin alam na magagawa ang lahat ng ito..Si Fred..Na natutunan ko ng mahalin..Si Nika na parang bata pero di namin alam na ganito pala ang kaya nyang gawin.

Napabuntong hininga na lang ako..Lumapit si Gab sakin matapos kausapin ang pulis..

"Kakausapin daw tayo ng mga pulis.."sabi niya sakin..

Nakangiting tumango na lang ako..Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at nginitian ako..Ngumiti na lang din ako at yumuko..Feeling ko kasi namula na naman ako..Hinila na nya ako paalis sa lugar na yun..

Tapos na ang peligrong to..

Tapos na...

EXITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon