BS #8: WRIGHT

391K 5.4K 861
                                    

BS #8: WRIGHT

********

MELISSA QUIZON

I was so stupid

To give you all my attention

Cause the way you played me

Exposed your true intention

Cause one day

I’ll have you beggin’ on your knees for me

Yeah one day

I’ll have you crawling like a centipede

You mess with me

I’ll mess with her

So I’ll make sure you get what you deserve

Yeah one day

You’ll be beggin’ on your knees for me

[Song: Beggin’ On Your Knees]

"Victory!" Masayang sabi ni Nadine saka kami saka isa-isa kaming binigyan ng High-Five. "Go, CriMiNaL!"

Nasa backstage na kami ngayon dahil katatapos lang ng gig namin. Inilagay ko sa bag ko ang drumsticks ko saka iyon binuhat. Ang pangalang CriMiNaL ay hango sa limang pangalan ng babae. ‘Cri’ stands for Crissa, our band leader and vocalist. ‘Mi’ stands for Melissa, obviously its me, I’m the drummer. ‘Na’ stands for Nadine, the lead guitarist and ‘L’ stands for Ellyza, the base guitarist and she’s the youngest in our group. Kami kasing tatlo nila Crissa ay Twenty-Six years old na, samantalang si Ellyza ay Twenty-One years old palang.

Paano kami nabuo? Co-teachers ko sila sa school na pinapasukan ko. At nung nalaman nilang nag-da-drums ako, naisipan naming bumuo ng grupo. Dagdag kita na rin. Si Crissa at Ellyza ay parehong may kasintahan, samantalang si Nadine ay parang wala pang balak umibig, ayaw kasi niya na natatali. Alam rin nila ang tungkol sa kalagayan ko. Alam nila ang tungkol kay Reid pero hindi ang tungkol sa ama nito. Ayokong sabihin, mas okay na na si Eugene lang ang may alam. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, mas mabuti lang yung nag-iingat.

"O, eto ang mga parte niyo." Isa-isang pinamahagi ni Crissa ang maliliit na envelope. Limang libo piso ang nakukuha naming bawat gig at Isang libong Piso ang partihan.  "Party na tayo, Ladies!"

"Uuwi na ako. May Piano recital pa si Reid bukas, e."

Iniikot ni Ellyza ang mga mata. "Kaya pala nandiyan na ang sundo mo."

Nagulat ako nang makita si Eugene na papalapit sa amin. Tumingin ako sa relo kong pambisig. Twelve Midnight na pero gising pa rin ito. Linggo ngayon at alam kong Day Off nito, dapat nagpapahinga siya ngayon.

Napansin kong naagaw nito ang atensyon ng isa pang grupo ng kababaihan na magpeperform din. Narinig kong nag-‘Hi’ ang isang babae at nang mag-‘hello’ naman si Eugene ay namula ito ng todo. Sumigaw rin ang mga kaibigan nito saka nagtatalon. Tingnan mo nga naman ang epekto ng luko. Kaya maraming nagseselos na lalaki kapag ito ang na-assign na Obygyne ng mga Misis nila. Kung hindi lang siguro ito nagmamay-ari ng maraming ospital, mahirap na siya ngayon dahil walang gustong kumuha sa kanya bilang Obygyne. Nangiti ako sa naisip ko.

"Hi, Ladies. Beautiful Ladies." Nakangiting bati nito nang makalapit.

"Hello, Doctor." Ikinawit ni Nadine ang kanyang braso sa braso ni Eugene. Feel na feel pa nito ang pagsandal ng ulo sa braso ni Eugene. "Sinusundo mo na ba ang prinsesa mo?"

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon