BS #13: PIGGY BACK RIDE

370K 5.3K 864
                                    

BS #13: PIGGY BACK RIDE

-------

MELISSA QUIZON

Napaungol ako nang yumugyog ang kama ko. "Mommy, wake up."

"One minute." Mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa unan.

Naramdaman kong humiga ito sa tabi ko. Kinuha nito ang ilang hibla ng buhok ko at saka pinasok sa tenga ko. Napabalikwas ako sa ginawa niya. "Lalamig po yung pagkain. Bangon na po."

"Fine." Niyakap ko ito at kinubabawan. Pinugpog ko ito ng halik sa pisngi. Amoy bagong toothbrush ang anak ko, a.

Humagikgik ito at pilit na tinutulak ang mukha ko. "No kisses.. Brush your teeth first, Mom. You stink."

Natawa ako sa sinabi niya. Mabilis siyang bumaba ng kama nang pakawalan ko siya. Binigyan niya muna ako ng Flying kiss bago kumaripas ng takbo palabas.

"Tito! Tito! Gising na si Mommy!" Rinig ko pang sabi niya.

Nag-inat na muna ako bago bumangon. Naghihikab ako habang papasok ng banyo. Naghilamos ako at nag-toothbrush bago lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nadatnan si Eugene na may hawak na mangkok na may lamang kanin. Parang kay liit lang ng kusina naming nang makita ko roon si Eugene. Halos sumayad na nga ang kisame namin sa ulo niya. Na-guilty tuloy ako dahil siya pa ang pinaghain ko. Naabala ko na nga siya kagabi tapos siya pa ang pinagluto ko ngayon. Lumapit ako sa at kukunin sana ang mangkok kung hindi lang niya iyon iniwas.

"Morning." Matamis niyang sabi. Binaba nito ang mangkok sa lamesa bago humarap sa akin. "May morning glory ka pa."

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at siya na mismo ang nagtanggal niyon. Hindi ako nakaramdam ng hiya nang gawin iyon ni Eugene sa akin.

“Totoo po bang nakakapilay ang muta?” Napatingin kami kay Reid. Nagsasandok na ito ng kanin. Hindi naman proven ‘yun a.

“Depende. Kapag hinagis mo ‘yung muta mo sa iba tapos nagtatarang sila at nadapa. Mapipilay sila.” Nakangising sabi ni Eugene.

Nagkibit-balikat ako. “Make sense.”

Marahan rin nitong sinuklay ang buhok ko. Hindi ko naman kasi gawaing magsuklay pagkagising. Magugulo rin naman kasi iyon kapag naligo ako. Umupo na ako sa upuan at sumandok ng kanin. Pagkatapos ni Eugene maghugas ng kamay, umupo na rin siya sa tabi ni Reid.

"Tito, paabot nung cornbeef." Magalang na utos ni Reid.

Tumaas ang kilay ni Eugene. "What? 'Tito' na ang tawag mo saking ngayon, parang kanina-----"

Nagiwas ng tingin si Reid. "Dumulas lang po sa bibig ko 'yun."

"Weh?"

Kumunot ang noo ko. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago magsalita. "Ano'ng pinag-uusapan niyo?"

"Boys talk, Mom."

"Huh?"

Lumingon si Reid kay Eugene. Tumaas-baba ang kilay niya. "'Diba, Tito?"

"Oo." Nakangising sabi ni Eugene. Aba! Nakahanap ng kakampi.

Ngumuso ako. "Fine. Ang daya niyo."

"Tito, may gagawin ka po ba bukas?" Sabi ni Reid habang nagbabalat ng tuyo.

"Day off ko ang Friday at Saturday. Why?"

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon