BS #37: H.I.M.

169K 4.3K 1.1K
                                    

BS #37: H.I.M.

*********

MELISSA QUIZON

"Mommy. Mommy."

"Hmm?" Ungol ko.

Ang aga namang magising ni Reid. Binaon ko ang mukha ko sa unan.

"Mommy, wala si Daddy sa kwarto niya." Panungulit ni Reid.

"Baka pumasok na sa work, Baby." I murmured.

"Wala rin po lahat ng damit niya."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naoatayo ako at tumakbo sa kinaroroonan ng kwarto ni Wright. Marahas kong binuksan ang pinto nito.

Isa-isa kong binuksan ang kabinet niya. Walang laman ni isang damit ang loob niyon. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.

"I told you, Mommy. Where did Daddy go?"

"I-I don't know." Nalilito kong sabi. Pinilit kong ngumiti sa anak ko. "Baka naman may iniwang note ang Daddy mo sa baba."

Hawak kamay kaming bumaba. May takot sa puso ko na baka nga iniwan na niya kami.

Sumalubong sa amin ang napakabangong halimuyak. Napatigil kami ni Reid nang mabungaran ang sala.

Napakaraming bulaklak na nakaayos at sa bawat upuan ay may malalaki at maliliit na teddy bear.

What the..

"R-Roses?" He did this? Napakadaming pulang rosas ang nakaayos sa sala. Dinaig ng sala namin ang pinakamagandang hardin sa buong mundo sa dami ng naggagandahang rosas.

"Teddies! Mommy, look! So many teddy bears!" Masayang sabi ni Reid.

Tumakbo si Reid at niyakap ang pinakamalaking teddy bear na nakaupo sa one sitter sofa na palaging inuupuan ni Wright. Habang ako naman ay hindi makapaniwala sa nakikita ko. Paano niya nagawa ang lahat ng ito gayong nasa taas lang ang kwarto namin ni Reid.

"Mommy, what's that?" Sinundan ko ang tinuturo ni Reid.

Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling lumapit sa kinaroroonan ng stuff toy.

"Is this.. S-Sassa?" Itinaas ko ang dating regalo ko kay Wright noong monthsary namin. Si Sassa ang unang binigay kong regalo kay Wright at nag-summer job ako para lang maibigay sa kanya iyon.

Sa oras na mahawakan ko si Sassa ay bumalik sa alaala ko ang mga panahong masaya kami ni Wright.

Naagaw ng pansin ko ang puting papel na nahulog nang kunin ko si Sassa.

Nanginginig ko iyong kinuha.

-------

To my beloved Queen,

Smile now, My Love.

You're burden free now.

I let you go. Like a free bird.

I'm so sorry for clipping your wings.

I'm sorry for hurting you.

I'm sorry I ruined your life.

I'm sorry you met someone like me.

But I will never regret meeting you, loving you, and most importantly, I will never regret that you're the mother of my only child.

I love you. So much. More and more. Forever. You're my greatest love.

Take care of my heart, My Queen.

Your lost King,

Wright Agoncillio

----------

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon