BS #28: PAK!

216K 4.4K 692
                                    

BS #28: PAK!

--------------- 

MELISSA QUIZON

"Mommy, ayoko dito." Hinila ni Reid ang damit ko para makuha niya ang atensyon ko.

Nasa gitna kami ng malaking sala ni Wright. Na-discharge na kasi ito sa ospital kagabi. Nang magising si Reid ay nandito na kami sa bahay ni Wright at sinusumpong dahil naninibago siya sa kanyang paligid.

Sinabi ko na rin sa kanyang mga titser na hindi siya makakapasok dahil alam kong pagod na pagod siya sa biyahe.

"Bakit ayaw mo dito? Mas maganda naman ang bahay namin kaysa bahay niyo?" Napatingin kami kay Bobbie na naka-dekwatrong nakaupo sa one sitter sofa. Tumayo ito at lumapit kay Reid, mas matangkad ito kaysa sa anak ko dahil mas matanda siya kaysa sa kanya.

Tinago ni Reid ang kalahati ng kanyang katawan sa hita ko. "Wala akong kalaro dito."

"Nandito naman ako, a." Nakangiting sabi ni Bobbie.

Tumingala sa akin si Reid. Hinaplos ko ang buhok nito. "Mommy, uwi na tayo."

Nakarinig kami ng tikhim mula may hagdanan. Naroon si Wright, pababa ito ng hagdan. Tumingin ito sa akin at pagkatapos ay nagbaba ng tingin sa may hita ko, kay Reid.

Lumuhod ito sa harap ko. Sinilip nito si Reid. "Ayaw mo bang kasama ako, Anak?"

Muntikan na akong tumumba nang yakapin nito ang dalawa kong hita, para itago ang kanyang mukha.

Nagbuntong-hininga si Wright at tumingala sa akin. Humihingi ng tulong ang mga mata nito.

"Hayaan mo muna siya." I mouthed.

Tumango si Wright at sumusukong tumayo. He towered me. Hinaplos nito ang pisngi ko at ngumiti.  Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. "Good morning, Baby."

"Sir, may bisita po kayo." Napatingin kami sa kasambahay ni Wright. Twice a week lang ito pumupunta sa bahay ni Wright para maglinis at pagkatapos nun ay aalis na siya.

Nahigit ko ang aking hininga nang makita kung sino ang dumating. Those brown eyes, red lips, the beautiful contour of her face.

The bitch.

 

Claire.

"Hi, Wrigh--- Ow!" Nahinto ang sasabihin nito nang lumipad sa akin ang kanyang mga mata. I felt Wright tensed up. "Hi, Melissa."

"Reid, lumabas muna kayo si Bobbie. Mag-uusap lang kami." Utos ni Wright.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon