BS #32: IT BURNS MY HEART

179K 4.8K 1.2K
                                    

BS #32: IT BURNS MY HEART

*******

MELISSA QUIZON

"Melissa, what's happening to you." Mahinahon nitong sabihabang pjnapayungan ako.

Napasinghap ako. "Ayoko na. Sawang-sawa na ko."

Kumunot ang noo nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sawa na akong magmahal, Wright." Walang buhay kong sabi.

Please, make me numb. I can no longer take the pain.

Pumaloob ako sa mainit na braso nito. Wala itong pakielam kahit na mabasa rin ang damit nito. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tenga. "Don't say that. Please, Baby.

Pumikit ako. Hindi ko na maramdaman ang lamig na dulot ng ulan nang yakapin niya ako.

"I wish I couldn't feel a damn thing." Nanghihina ko itong tinulak. Pinilit kong tingnan siya kahit na nanlalabo ang aking mata dahil sa luha. "Sana hindi nalang kita minahal noon. Sana sinunod ko nalang ang bilin sa akin ni Lola. Sana hindi na kita nakilala pa. Ang tanga ko kasi."

"Melissa, hindi ka tanga. Sadyang gago lang ako."

"Tanga ako. Kasi umasa ako na totoong mahal mo ko. Tanga ako kasi sa dinarami-rami ng pwede kong iregalo sayo, virginity ko pa ang naisipan ko."

"Meliss-"

"Kasalanan kong tanga ako 'diba? Sinabi mo 'yun dati. Tanggap ko naman, e. Tanggap ko." I said. "Wright, nasaktan ako. Sobra. Nasabi ko na sa'yo kung gaano 'diba? Kasi n'ung panahon na 'yun, pinaikot ko sa'yo ang mundo ko. Sinara ko ang tenga ko sa sinasabi ng ibang tao. Kinaya ko 'yun kasi mahal na mahal kita. At hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Pero, Wright, nabulag ka rin ba? Kasi hindi mo nakita ang lahat ng ginawa ko para sa'yo. Iniwan mo ako."

"Tapos, ngayong may taong nakakaintindi sa akin. Hindi niya ako pinabayaan. Siya 'yung saklay ko nung hindi ako makatayo. Pero dahil sa'yo, dahil sa'yo, iniwan niya ako. Kasi alam niya na mas magiging masaya ako kapag kasama kita." Dagdag ko.

Hindi naman niya kailangang umalis. Bakit siya ang nagdesisyon para sa akin? Alam kong makasarili ako pero alam ko kung ano ang mas makakabuti para sa akin.

"Melissa, mahal na mahal kita. Alam mong gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka sa piling ko. H-Hindi mo kailangan ng kung sinong lalaki, nandito ako. Hindi na kita iiwan, pangako." Naghihirap niyang sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko ang inilagay sa kanyang labi.

"Stop asking me to trust you, Wright, when I'm still coughing up water from the last time you let me drown."

"Bumalik ako para itama ang mga mali ko. Pwede pa naman 'diba? Hindi ba, Melissa?" He cupped my left cheek. "Handa naman akong tanggapin ang parusa mo, Melissa. Just give me chance."

Umiling ako. Inalis ko ang kamay nito na nasa pisngi ko. Nakita kong bumagsak ang kanyang balikat. "A chance to break my heart again?"

Ilang beses itong lumunok ngunit hindi na rin nito mpigilan ang luha. "No. To bring the pieces back to it's own place, Melissa. Let me love you again. Don't leave me. Don't break me, Baby. Nagmamakaawa ako. Baby, please, I'm afraid of losing you!"

"Ayoko na nga! Hindi mo ba ko naiintindihan!" I shouted.

"Mel, don't do this, please. I know you still love me."

Lumipad ang aking palad sa kanyang pisngi. Hindi ko naramdaman ang pagsakit ng aking kamay pagkatapos niyon. "Mahal kita? Nagpapatawa ka ba? Ni hindi ka nga kawalan sa buhay ko, Wright."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon